Itanong mo kay Jemme!

Kamusta naman ang araw mo!?
--/>

Ang katanungang ito ay mula sa isang taong ayaw sa akin kasi makulit daw ako at isang spammer na blogista. Hehehe. g6 Nasali ako sa Top 3 list niya ng blogs na kina iinisan niya. Siya po ay isang napaka husay at napaka sikat na blogista sa Philippine Blogsphere. Siya ay madaling mapikon, kaya huwag niyo biruin kasi hinding hindi ka niya mapapatawad once mapikon siya. Siya po ay mabait, at maraming kaibigan, pati ako kaibigan niya din. Hehehe. Sana naman mapatawad niya na ako, pero hanggang ngayong alam ko masama parin loob niya sa akin. Pero ok naman ako sa kanya, napikon lang ata siya sa akin kasi sobra kong sineryoso ang pag treat niya sa akin as isa sa mga kina iinisan niyang blogista, pero ngayon, ako ay namulat at nagccc sa ginawa ko, dapat di ko ikinagalit yun, at dapat nag pasalamat pa ako kasi na link ako sa blog niya g6 . Tantararan taran! Siya po ay si dakilang HENEROSO BISTOKYA, at siya ang may ari ng famous blog na KALANSAY NA BAUL NI HENEROSO BISTOKYA. At ito po ang kanyang nakakapigil hiningang katanungan:

TANONG: kamusta naman ang araw mo!?

SAGOT:
Maganda ang araw. g15

Maaga ako nagising {cguro dahil masaya ako kagabi dahil natalo ng grupo ni Jumong ang mga lumusob na Hukbong Pangkabayuhan ng Han}. g6

Maganda ang araw. g15

Dahil maaga akong nakaalis ng bahay. Hindi ko na kelangang makipgbalyahan para lang makasakay ng FX. g6

Maganda ang araw. g15

Mabilis ang byahe dahil ng mga oras na un ndi pa rush hour. Walang trapik. g6

Maganda ang araw. g15

Madali lng akong nakasakay ng jeep sa Lawton papunta d2 sa Tayuman. Ndi mahirap sumakay. Apat nga lng kaming pasahero. 2 dalagita, 1 ginang na mukhang kaedad ng nanay ko at isang gwapo {ako un} g5

Kalalampas pa lng sa Doroteo Jose ng jeep ng may sumakay na 3 lalaki. Oooppss… kinukutuban ako ah. Mukhang ndi gagawa ng mabuti ang tatlong kumag na to pero masyado nmang obvious kng bababa ako agad. Dun na lng cguro sa paglampas ng simbahan na hindi ko alam ang pangalan.

Pagtapat sa simbahan bubwelo na sana ko para pumara ng mapansin ko ung katapat ko na isa dun sa tatlong kumag na nagSIGN OF THE CROSS.. g14

Bigla akong napahiya sa sarili ko. Napakasama kong tao. Nagjudge ako ng ndi maganda sa kapwa dahil sa panglabas nilang kaanyuan. Tsk tsk tsk… sorry po… g13

Makalipas ang 1 minuto pagkatapos nyang mag-ANTANDA, kinalabit ako nung isang kumag na nasa tabi ko. Akala ko lng pala na kinalabit nya ko, balisong pala un na nakatutok sa kin. GANDA… g10

HOLDAP… waaa…. g10

“Mga cellphone lang ang kelangan namin.” sabi nung tarant*d*ng nag-ANTANDA pa sa tapat ng simbahan.

Habang kunyari kinukuha ko na sa bag ung cellfon ko. kahit parang sinisipa ng kabayo ang dibdib ko, nakuha pa ring mag-analyze ng utak ko. 2 celfon ko.. alin sa 2 ang ibibigay ko? ung 3100 o ung 6600? mas mahal ung 6600 pero mas important nman ung laman ng 3100? pwede kayang pagpalitin ko muna cla ng sim card? tik tak tik tak… malabo… e kung ibigay ko kaya ung 3100 tapos hingin ko ung sim card? tsing.. pwede… g20

“boss, [kaba} bka pwedeng ung celfon lang kunin nyo {kaba} wag na ung sim card?”

“ndi na. tatagal pa yan.”

tsk tsk tsk… ndi umubra… no choice, value versus amount… parang spiderman versus fantastic 4 (anong koneK?) g6 … bigla may binulong ulet isip ko… “sabihin mo kaya puri na lng?” tsk tsk tsk… nahoholdap na nga gumagana pa kalokohan ng utak ko. g3

Maganda pa rin ang umaga g15

Kasi kahit naholdap atleast ung isang celfon ko lng ang nakuha.

Kasi kahit naholdap ndi nman ako nasaktan or nagasgasan.

Kasi kahit naholdap ndi nman kinuha ung wallet ko.

Kasi kahit naholdap ndi nman nila nakuha ang kagwapuhan ko.. un tlaga ung ultimate dun e.. g2

Maganda pa rin ang umaga. g15

Kasi napatunayan ko na hindi pa rin pumapalya ang intuition ko.

Kasi napatunayan ko na hindi lahat ng nag-a-antanda sa tapat ng simbahan ay matitino {utang na loob.. nag-antanda pa bago magdeclare ng holdap… kapal ng mukha..}

Kasi napatunayan ko na hindi porke gwapo ka e exempted ka na sa holdapan. nyahahaha… g7

Maganda pa rin ang araw…. g15

Bye-bye 6600… waaa….


31 Comments for 'Kamusta naman ang araw mo!?'

  1.  
    June 21, 2007 | 6:03 am
     

    hala! may nagagalit na sayo Jemme! lol!

    kiss
    Fendi

  2.  
    June 21, 2007 | 8:21 am
     

    aruy ko po!!!! ang gandang araw niyan!!!! wakokokokokoko!!!

  3.  
    June 21, 2007 | 9:21 am
     

    @Fendi - wahahaha.. oo nga… controbersyal nga yan eh.. nyahahahaha.. na ban na nga ako sa blog niya.. di na maka comment si jemme doon.. pero dito welcome parin siya g1

    @ filipinoprogrammer - ang ganda talaga ng araw na yan.. hayyyyy.. sayang 6600 ko… g13

  4.  
    alex
    June 21, 2007 | 9:25 am
     

    ayos ka talaga kuya jemme kahit na holdap na nagawa mo pang magpatawa! bwahahaha! idol!!!

  5.  
    June 21, 2007 | 11:33 am
     

    Hi magandang ARAW :D

    jemme, please pakai bago naman yun name ng link ko from “Aice Sees Transformation” gawain mo nang “Aice Nice Concepts”

    maraming salamat po

    MAGANDANG ARAW ulit

    :)

  6.  
    June 21, 2007 | 3:31 pm
     

    wahahaha kahindik hindik talaga ng tanong na yun! nashock nga ako eh! hehe

  7.  
    June 21, 2007 | 3:44 pm
     

    hi niknok.. kay tagal mong di bumalik ahhh!!! hehehehe… abangan mo post ko bukas.. may bago pa… naka schedule na sa wordpress.. ok pala to nag o autopost.. kahit wala ka.. nyahaha! yipEEEEE!! basta schedule lang.. ngayon ko lang nalaman.. may naka sked me 14 hours from now mag autopost siya.. yey!!! g1

  8.  
    June 21, 2007 | 4:08 pm
     

    waaaaaaaaaaaa sayang yung 6600… dapat pinagpalit mo ng madalian lang.. sabihin mo na kelangan mo talaga yung sim kasi ganito ganyan ganyan ganito.. kundi.. magiging ganito at ganyan na at magiging ganyan at ganito pag di ko kinuha ang sim, sabihin mo sa Mamang Holdaper na: cge na po pls.. madali lang naman kunin ang sim.. seconds lang po.. mga 5-10 seconds lang depende sa bilis ng kamay ko po.. ge na po.. puhleaseee po mamang holdaper kelangan ko lang talaga tong sim na to.. kasi dito ako nabubuhay.. dito ako kumukuha ng oxygen para akoy makahinga araw araw.. dito ako kumukuha ng pagkain, pera, at lahat lahat and2.. pag kinuha niyo po ang sim ko..parang kinuha niyo na din ang buhay ko.. kaya plssss.. mamang holdaper.. cellphone nalang po.. di niyo naman magagamit tong sim eh.. syempre papalitan niyo ng sim kasi para bagong number.. may 50pesos naman na sim may 100 pesos din kung gusto niyo mas mahall.. cge na po plsss po plss? or gusto mo.. bigyan kita isang daan at cellhphone, para may brand new sim ka at may libre pang load!! oh diba??? astig diba?? may cellphone na may cash pa.. bigay mo lang po sim.. di mo naman magagamit yang mga number dyan.. kelangan ko kasi yan.. andyan mama ko.. papa ko.. mga kapatid ko.. buong pamilya ko… parang awa mo na po.. plsss po.. g13

  9.  
    June 21, 2007 | 7:46 pm
     

    kuya totoo talaga yan?????!!?!?!?! naku!!!!!!!

    kailangan na magingat…. freshman pamandin ako ngaun….

    hala….

    pero buti naman po eh walang nangyaring masama! eh tanong ko po, anung nangyari dun sa mga kasama mo sa jeep?

    God bless at magiingat po ulit!

  10.  
    June 21, 2007 | 11:19 pm
     

    kuya jemme….nakakarelate ako dyan sa mga nawawalang cellphone na yan. hahaha.. buti na lang at di pa ako nahoholdap. wag naman sana g5 g4

  11.  
    June 22, 2007 | 12:24 pm
     

    @ Mark - opo.. kelangan mag ingat.. yung mga kasama ko ok lang cellphone lang din kinuha.. yung driver naman walang magawa.. driver lang siya eh.. alangan naman makigulo pa siya.. hehehe.. basta safe kaming lahat sa jeep g1

    @ jehzlau - mahirap gawin yun lalo na pag nasa scene ka na na hinoholdap ka.. di mo kayang sabihin yan jehzlau! bwahahahaah! g6

    @ Batang Yagit - oo nga.. nawalan ka din daw eh..pero ok yan di naman na holdap. .nawala sa katangahan! bwahahahaha! g4

  12.  
    June 22, 2007 | 12:28 pm
     

    about sa bermuda triangle ba yung follow up question mo batang yagit? pending ulit yun first come first serve eh.. may isang daan mahigit pa naka pending sa mailbox ko. waaaaaaa! parang awa niyo na.. ang dami ko nang fans! nyehehehe.. salamat po . . maraming maraming salamat g1

  13.  
    June 22, 2007 | 7:11 pm
     

    ang pogi mo po sa personal fafs dyeme nung ininterview ka sa isang news.. di halatang namumutla ka kase magaling yung makeup artist… kala ko nanonood ako ng mister fugi.. pare… isa kang bigatin! im sure yung mga holdapers proud sa yo! tiyak yun! nagdiriwang na yung tatlong stooges sa bermuda square!

  14.  
    June 22, 2007 | 11:58 pm
     

    hi kamusta nga bah … pakiramdam ninyo lahat ??? :D

  15.  
    June 23, 2007 | 12:03 pm
     

    ilang beses ka na ba naholdap? ganun ba talaga ka-uso ang holdapan sa kung san ka nakatira?

    san ka nga ba nakatira?

    DEMET! sa lahat ng pwede makuha, yung 6600 pa talaga…

    pero at least swerte ka kasi di ka na pahihirapan nung mga magnanakaw. yung nagnakaw ng 6600 ko, pinahirapan pa ako ng isang buwan bago tuluyang nawala parang bulaaa… DEMET!!!

    g34

  16.  
    June 23, 2007 | 12:09 pm
     

    @ gOma - hahahahaha kelan mo ako nakita? kaw ha spy ka ha!!!
    @ Aice - pakiramdam ko po ok lang :)
    @ andie - first time ko yun no!! DEMET talaga DEMET DEMET DEMET!! g6 san ako nakatira? sa pilipinas.. wiheEEE! dami po talaga holdaper lalo na pag umaga hehe

  17.  
    June 23, 2007 | 12:58 pm
     

    @ jemme.. di pala ikaw yung nakita ko. international news kase yun.. unless, isa kang foranger..

  18.  
    June 24, 2007 | 3:39 pm
     

    hehe… yan ang positive thinking!!! g5
    gwapo ka pa rin naman [according sa ‘yo g6 ] kahit na-hold-up ka…hehe…. g5

    have a nice day… have a safe day na rin… g1

  19.  
    June 25, 2007 | 1:29 pm
     

    ang gwapo kaya ni jemme sa personal!!! yehey!! treat mo ko maya ha… alam mo walang wala sayo yung mukhang kalansay na si heneroso, kala mo mukhang gwapo kung magsalita.. hehehehehe

  20.  
    June 25, 2007 | 1:33 pm
     

    @ kits - hehehehe… tama ka din kits! ur the best talaga! nyahahahahaha g4
    @ kimi - hindi ayun sa akin ah.. tingnan mo.. sabi ni kits gwapo daw me.. g3

  21.  
    June 25, 2007 | 6:00 pm
     

    hehe g5
    ambait naman pala ni kits…real friend…
    sige…sabi ni kits eh…hehe…gwapo si jemme…ayon kay kits… g1

  22.  
    June 25, 2007 | 6:21 pm
     

    yeah… close kami nyan.. sobrang bait talaga nyang si kits as in sobra! g6

    diba diba diba kits??? :) kampi kami nyan eh.. talagang tama si kits.. gwapo si jemme sa personall.. bwahahahah g4

  23.  
    June 25, 2007 | 6:23 pm
     

    nyahaha…ganyan talaga pag friends…kampihan…hehe… g5
    hanga ako kay kits!!! g6

  24.  
    June 25, 2007 | 6:35 pm
     

    yeah!!! sobrang bait talaga ni kits sa akin.. kaya close kami g6

  25.  
    June 28, 2007 | 7:43 am
     

    kuya, parang ayaw kong maniwala na guwapo ka?

    FYI: hindi pa nagkakamali ang instincts ko, EVER!!! g27

    jejeje… PEACE! g5

  26.  
    July 7, 2007 | 12:30 pm
     

    bwahhaha! kamusta naman ah?

  27.  
    July 7, 2007 | 2:09 pm
     

    ok lang po.. uy napadalaw ang best friend ko!!! g3 yeyyy!!!

  28.  
    July 17, 2007 | 10:46 pm
     

    uuuiiii….reconciliation na ba to? hehehhe g3

  29.  
    July 17, 2007 | 10:47 pm
     

    sinungaling si kits. hahaha…hindi gwapo si jemme sa personal. hjahahaha. g8

  30.  
    July 17, 2007 | 11:40 pm
     

    di nag sisinungaling si kits.. gwapo talaga si jemme sa personal! nakita ko na yan..at nakita na rin ni batang yagit.. inggit lang siya kasi sobrang gwapo si jemme! bwahahaha g4

  31.  
    December 29, 2007 | 11:46 pm
     

    hi kamusta nga bah :)

Leave a comment

(required)

(required)



RSS feed for comments on this post | TrackBack URI

 
hit counter Humor - Top Blogs Philippines