Ang nakaka praning na katanungang ito ay mula kay Daniel Unno of Ateneo de Davao University. Siya po ay kasalukuyang BS Human Bio Student ng nasabing paaralan. Mahilig daw siyang manood ng Death Note, at mahilig din siyang mag online araw araw. Siya po ang pinaka unang nag tanong ng ganitong klaseng tanong na nagpasakit ng ulo ko!
Humanda ka pag nagkita tayo! GGGGGRrrrrrrrrrrrrr!!!
TANONG: derive the Henderson-Hasselbalch equation for a solution of a weak acid, HA, and its salt NaA. hmmmm.. it’l be a big help kung masagot mo yan… Please po kasi assignment ko yan
SAGOT: Ito na po ang kasagutan sa kung paano e derive and Henderson-Hasselbalch equation para sa solution ng weak acid na HA at ang kanyang asin na NaA. Parang awa mo na po, huwag na po kayo mag tanong ng ganitong klaseng katanungan kasi muntik na akong masugod sa Mental Hospital habang sinasagot ang tanong na to!
Hehehe.. Pero salamat sa internet kasi dahil dito, nasagot ko ang kanyang nakaka pigil hiningang katanungan. Eto na po ang sagot:
magsimula po tayo sa acid-base equilibrium:
HA + H2O <=> A- + H3O+
sa equilibrium na to, makukuha mo ang:
Ka = [H3O+][A-] / [HA]
kung saan ang Ka ay ang acid dissociation constant
pagkatapos nito ay kunin ang ‘p’ sa dalawang gilid: p(x) = -log(x)
pKa = pH - log([A-]/[HA])
rearrange po natin in terms of pH, at makukuha mo ang equation na:
pH = pKa + log([A-]/[HA])
Or kung nalito ka, e re-phrase ko po ang explanation, at ang way ng pag derive…
Ang equilibrium po natin ay: 
HA <> H+ + A-
Ok? Then isa isahin nating e explain ang bawat value ng ating equation: 
[HA] = initial molarity HA - x
[ H+] = x
[ A-] = x + initial molarity NaA
K = [H+] [A-] / [HA]
ang “x” ay masyadong maliit para mapabayaan kung idadagdag or kukunin mula sa initial molarities so: 
[H+] = K x [HA] / [A-]
log [H+] = log K + log [HA]/ [A-]
- log [H+] = - log K - log [HA]/[A-]
At ang equation ay: 
pH = pK + log [A-] / [HA]
Yan ha! Sinagot ko na paano e derive and Henderson-Hasselbalch na yan!!! Hmmmmp!!! 
anak ng kaldero, pati dito may formula blah blah na rin? kala ko safe na ako dyan ah! pati sa paborito kong babasahin eh nandito pa rin? di ako maka-relate ah! imbes dumaan ako dito para mawala sakit ulo ko eh lumala yata.. malapit rin pala yang taong yan dito.. ano gusto mo fafi jemme.. tirahin ko para sayo? sabunutan ko pa yan eh! asan yang taong yan! asan! ilabas nyo! gawas diri, sumbagay ta hahahahaha! li bitaw… nuang ra kai! fafa jemme gamay ug bunal! (translation: bagay na bagay po ang question, astig ka fafa jemme!)
teka, teka tama ba nabasa ko? SERIOUS BA TLGA YANG SAGOT MO JEMME???? OMG!!! teka, teka *basa ulit*….aba eh mukhang serious nga……
ISA ITONG HIMALA SA LARANGAN NG ITANONG MO KAY JEMME!!!!!!!!
Kaloka naman yan!!! Kasakit ng brain!!
hehe…ang galenng…


may formula palang ganyan?…nyahaha…
e para san naman yan?…
pero…kudos pa rin!!! ang gallleeennnggg
ay…dinerive nga! hehe ayus!
aba aba…tama ba yang sagot mo kuya jemme? hehehe… akala ko ba dumudugo ang ilong mo sa mga ganyang mga katanungan.
wow ang galing…. tama po yung derivation ni kuya jemme ng henderson-hasselbalch derivation. kaso pinahaba nya lang ito ng lalo. pwede naman itong i-shortcut. ayoko ng i-type kasi nakakapagod lalo na’t naka-disable ang html sa comment posts. Nakalimutan nga pala ni kuya Jemme na ang Henderson-hasselbalch equation ay tinatawag ring buffer equation. hindi lang ito ginagamit sa mga acid concentrations. pwede rin itong gamitin para sa pagkuha ng basic solutions. papalitan lang ang A- ng B+ at ang hydrogen ng hydroxide (OH)
waaaaaaaaa.. jemme naman! ikaw ba to? napakasakit sa ulo ng mga ganyang formula.. tsaka, gaya ng sinabi ni filipinoprogrammer, seryoso ka nga! nyahahah
galeng!!! ang sipag mo sigurong studyante noon, ano, kuya?
bwahahahaha! grabe ka talaga jemme! astiGGG pati ganyang tanong pinatulan mo pa!! bow ako sayo!!
waaaaaaaa mabuti naman at na post mo na jemme :D nahirapan din ako magresearch nyan eh :D
opo try ko rin solve eh pero mahirap nga buti nalang tumulong un power of google natin Jemme ahihihi
:) o sya sige naubos mo na un oxygen at dextrose sa pag answer? meron pa dito :D
Punyeta! pati ba naman dito may formula? leche pati ako muntik na masugod sa Mental Hosp. walong beses ko binasa hindi ko parin makuha!
Parang awa nyo na wag kayung mag tanong ng ganitong bagay!!
hahaha!
ang daming comments AHHHHHHHHHH!!!! hmmmp! cge cge replayan ko yan isa isa.. wahahaa:
@ gOma - pasagdan nalang natu tong nangutana! wahahaha.. ok lang yun no.. pero ang hirap talaga muntik talaga akong ma rush sa mental! wahahahaa!



@ filipinoprogrammer - HIMALA nga! May HIMALA! totoong may himala! sabi ni Nora Aunor! ay.. iba pala sabi nya.. “WALANG HIMALA!” wahahahaha! pero totoo po yang sagot ko.. salamat sa mga external sources.. syempre external.. lahat naman ng nasa utak natin galing sa external source diba?? bwahahaha! kaya yun.. yun na yun! yeah!
@ kits - oo nga kits eh.. kaloka talaga.. pati ako naloka na rin! ay este…. naloko pala!
@ kimi - di yan formula kimi.. derivation lang ng henderson blah blah blah.. hehehe… basta ang hirap nyan.. pati nga ako di ko na intindihan.. toinNKK!.. hehehe.. pero medyo na intindihan ko na rin.. pero kalito talaga.. kaka sabog ng brain! waaa!
@ ayel - yeah… yun ang nirequest ng nagtanong eh.. e derive daw… diba tama naman pag ka derive diba? weeeeeeeeeeee!!!.
@ Batang Yagit - tama nga talaga batang yagit.. mahirap na mapahiya sa milyon milyon nating audience! bwahahaha!
@ tanom - oo nga tanom… napa seryoso talaga ako sa tanong na yan.. mala albert einstein ako habang sinasagot yan..! bwahahahaha!
@ andie - noon?? hmmmmmm??? studyante ba ako noon? wahahah! sensya na nakalimutan ko na ang nakalipas eh.. waaaaaaaaaaa!!! napuno ng derivation! hehehee!
@ jehzlau - oo nga.. astig na astig talaga.. astig mang uto! hehehehe… pero totoo yang sagot ko jehzlau! hehehehe…
@ Aice - hehehehe.. oo nga mahirap talaga e research ang derivation ng ganun.. talagang napaka hirap.. sobrang hirap talaga.. whewwww!
@ Fendi - punyeta talaga Fendi! as in sobrang PUNYETAAAAAAAAAA!!! hahahaha! oo nga.. sana wala nang magtanong.. baka mag down ang server natin pag may nagtanong ulit ng ganyan.. hehehee
kuya… ok lang ba kung math ang ipa-derive ko sa iyo?
fill ko nasisiyahan kang mag-derive eh, jejeje…
feel po, hindi fill…
bubu ba aku?!?!
mali ata….
- log [H+] = - log K - log [HA]/[A-]
At ang equation ay:
pH = pK + log [A-] / [HA]
HOW COME SA UNA, log[HA]/[A-]… tpos sa final equation, log[A-] / [HA]…. nagkabaliktad?!?!?!
@dorps - oo ganun talaga, kelangan mo baliktarin