Itanong mo kay Jemme!

Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?

Ang katanungang ito ay mula kay Helene of Caloocan City, Philippines. Ito po ang pangalawang tanong niya sa blog na to. Ang unang tanong niya po ay “Pag tinititigan ka ba ng lalaki ibig sabihin nun gusto ka niya?” at yan po ay nasagot na, at nag tanong po siya ulit! Hehehe. Ito na po ang sagot sa kanyang katanungan. At teka. bago ang sagot, nais ko pong mag pasalamat sa mga nag nominate sa akin sa Top 10 Emerging Influential Blogs, kay Jehzlau at MoiMoi sa pag nominate sa akin sa Week 7, kaya naging top 3 ako, at kay Anitokid Chronikos sa pag nominate sa akin last last Week, (Week 6). Ang Proyektong ito na pinamumunuan ni Ms. Janette Toral ng Reflective Thinking. Maraming salamat po sa inyong lahat! Ooops.. nag papa salamat din me sa babaeng nagngangalang Candy Mendoza dahil sa kanyang mga opinion at mga positive comments na sinend nya directly sa e-mail ko tungkol sa Itanong mo kay Jemme. Maraming salamat po.. weeeeeeeeee! Yan ha na credit na kita.. hihihihi… g6 Hayyy.. haba ng intro ko ngayon, sensya na mga mahal kong taga subay-bay, di ako nakapag post kahapon, di din ako naka autopost, kasi di ko pa nasasagot mga tanong, ang dami dami niyo kasing tanong.. wahehehe g1 salamat po ulit g2

TANONG: Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?

SAGOT: ang masasabi ko dito ay, ang mga ipis ay lumalabas kung umuulan dahil eto na lamang ang mga panahon kung san pwede nilang gantihan ang mga lapastangan sa kanilang lahi. Bat kaya tuwing umuulan pa? Hindi ba pwede kung may araw? or mainit ang panahon? Yan din ang katanungan ko, at tinanong ko nga kay Haring Ipis. Kasi siya lang ang nakaka alam sa mga bagay bagay na yan!~ g6

Sa pag tatanong ko, di kasi pwede na hindi ipis ang magtanong, kaya nag anyong ipis ako para makapag tanong kay Haring Ipis! Ginamit ko ang Metamorphic Machine na gawa ni Jemme, (opo gawa ko yan! confidential po yan kaya di ko pwedeng ipakita! g3 ) para maging ipis g6 . Kaya nagsimula na ang aking munting adventure g6

Isang araw pumasok ako sa isang butas, isang butas na pinapasukan ng mga ipis, at bigla nalang akong nahulog sa pinaka loob neto, ang City ng mga Ipis! g10 ayun! nakita ko ang daming ipis, at nag tanong tanong ako sa mga kapwa ipis, hanggang naka abot sa kaharian ni Don Sipi ( ang hari ng kaharian ng mga ipis) at nagtanong:

Jemme the Ipis: Don Sipi, ano po ba ang koneksyon ng ipis sa ulan? g15 (naka smile pa ako nyan ha.. g3 )
Don Sipi: wala pong koneksyon ang ipis sa ulan, tingnan mo ang mga letra, walang similarity. I P I S at U L A N, diba?
Jemme the Ipis: *amf pilosopo naman ang haring ipis na to! g46 * ahmmm? ok po.. pero bakit po tuwing umuulan maraming ipis na lumalabas? Hindi ba pwede kung normal na panahon lang? or kaya mainit ang panahon? g35
Don Sipi: Ehem Ehem g11 magandang katanungan yan. Ganito kasi ang logic nyan, kaya maraming ipis na lumalabas tuwing ulan kasi bina baha ang aming kaharian, so kelangan namin mag sojourn muna ng ilang oras sa ibang mundo, sa mundo ng mga tao
Jemme the Ipis: *ano kaya yung sojourn? matanong nga* Don Sipi, ano po ang ibig sabihin ng sojourn? g12
Don Sipi: Aba, di ka ba nag babasa ng dictionary? Ang ibig sabihin ng sojourn ay to stay in a certain place for a while. Parang bumibisita ka lang, at palipas oras sa isang lugar, para kang turista ng isang lugar. Gets ba?
Jemme the Ipis:
Ahhh… ganun pala yun! maraming salamat po Don Sipi, pero bakit po may ipis na nag papa kamatay kahit sila lang po ay turista lang sa mundo ng mga tao kagaya nalang ng isang pangyayaring na kwento sa akin ng isang kaibigan. g15 Kagaya ni berto na tiga tondo.. minsan nyang inilabas ang sama ng loob nya ukol sa mga ipis na yan. tila napapansin daw nya na todo ang pag ganti ng mga ito sa oras na may ulan..tag-ulan o inuulan sya.

Animoy kill bill daw ang mga ito na revenge is sweet and best served when cold. Dahil daw sa mga panahong umuulan eh malamig ang klima, natutulog daw sya ng mahimbing at ang mga walangyang ipis ay pumasok sa kanyang bibig. Animoy mga summer people na nag swimming sa amuy imburnal nyang bunganga. g6

Minsan naman daw ay naisipan nyang magluto ng champorado na puro kokwa.. .hindi bat bagay na bagay yun sa tag-ulan? samahan mo pa ng tuyo..ummm.. g4 at lingid sa kanyang kaalaman ang isang ipis ay binayaran ng kapwa ipis upang magsuicide bombing yun nga lang wlang bomba kundi nagpakalunod lunod ang ipis sa champorado g37 at hindi namalayan ng kawawang si berto na ipis na pala ang malutong na nginunguya nya g44 n sing sarap ng ingredients sa fish cracker na gustong gusto nating ngatain sa byahe inside bus, g6 ayun bumalik tayo kay berto, napagtanto na lamang nya nun kanyang malasahan ang malaimburnal na lasa ng crunchy champorado nya hahaha.. g5 g6 g7

Ano po ang opinyon niyo sa pangyayaring ito Don Sipi?

Don Sipi: aba! di kami ganyan, baka yan yung mga rebeldeng Ipis, or tinatawag namin dito na NIA, or New Ipis’ Army sila yun mga Ipis na nag rerebelde sa mga tao. Kami kasi kahit sinasaktan na ng mga tao, mabait parin kami, kahit apakan niyo lang kami at sprayhan ng baygon, ok lang sa amin yun. Sana lang ma karma kayo someday, kasi nakikitira lang kami at nag totour sa mundo ng mga tao.
Jemme the Ipis: So, pano kaya namin ma distinguish kung ang ipis na yun ay rebeldeng ipis, or mabait na ipis?
Don Sipi: kung ang ipis na yun, ay di nakikialam sa inyo, huwag niyo din paki alaman, diba? Don’t do unto others, what you want others not to do unto you… diba? kaya mag respetohan nalang tayo. Kung may nag dive sa champorado mo, yun nalang ang patayin mo. Kawawa nga yung isang ipis kasi kinain ng tao, diba? Mga walang puso talaga kayong mga tao kayo! Grrrr!!
Jemme the Ipis: di naman po lahat ng tao… hayyyy… o cge alis na muna me *baka pag tulungan ako dito* kasi kelangan ko na mag post sa blog, nag hihintay na ata yung nagtanong ng katanungang eto eh…
Don Sipi: ok, ingat pabalik! diba ang bait namin? Link exchange nalang tayo, if ever makagawa ako ng blog, kaso, mahirap mag type sa keyboard kasi isang hamak na ipis lang ako.
Jemme the Ipis: ok lang po yan, kung ma perfect ko na yung Metamorphic Machine ko, pwede kita gawing tao! g6
Don Sipi: wow naman! cge aasahan ko yan!

At yun na nga! nahanap ko na ang kasagutan kung ano ang koneksyon ng ipis sa ulan. Dahil binabaha ang kaharian nila, at sila ay nag totour sa mundo natin! wahehehehe! kapagod talaga maging ipis, ang hirap po, kaya wag na kayo mag tanong tungkol dito, at mas lalo na kung langgam! ayoko po maging langgam! g3


23 Comments for 'Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?'

  1.  
    July 2, 2007 | 7:05 pm
     

    Mahaba man, maganda pa rin! Mabuhay ang Filipino Bloggers!

  2.  
    July 3, 2007 | 1:46 pm
     

    oo nga naman.. wala talaga koneksyon ang ipis sa ulan.. tama ka jemme! at tama din si Don Sipi! nyahahaha! Ipis na binaliktad.. Sipi na! g10

  3.  
    July 3, 2007 | 3:51 pm
     

    pwde ba talaga i-konek yun?

  4.  
    July 3, 2007 | 6:19 pm
     

    Wow ha! dami mo ng Fans! Parang ka kapanalo mo lang ng Oscar at daming thanks to..haha!
    Mabuti yan Uncle Jemme kaya ..pag butihin mo pa. ;)

  5.  
    July 3, 2007 | 8:06 pm
     

    ayaw ko nang ipis. mamatay na sana silang lahat.

    period.

  6.  
    July 3, 2007 | 8:07 pm
     

    g22

  7.  
    -nice-
    July 3, 2007 | 9:50 pm
     

    :) sa tingin ko wala na man talaga silang koneksyon kasi kahit naman walang ulan lumalabas pa rin ang mga ipis… lalo n pag maraming nakatambak na bagay sa ilalim ng kama mo… ahahaha ;)

  8.  
    -nice-
    July 3, 2007 | 10:01 pm
     

    :) ok cge… far out yata comment ko eh… hindi ko kasi binasa lahat… tiltle lang binasa ko… ahahaha… eto na ang totoo kong comment… sa tingin ko, hindi lang naman ang ipis ang ganun… pati rin langgam (ants) kasi binabaha din sila diba? ai ewan, parang wala yata ako sa sarili ko ngayon, kung anu ano sinasabi ko…. peace out :)

  9.  
    July 3, 2007 | 10:03 pm
     

    Hello! Good Site! Thanks you! fqejxmmzliucvp

  10.  
    July 4, 2007 | 4:31 am
     

    hay nako jemme.. siguro naman ..wala talaga connection yan.. pero lusot ka parin ha.. ahhehe

    teka to fenddi.. you mean niece/nephew ka niya (jemme).. uncle na pala si jemme.. wala lang.. ahheheh

  11.  
    July 4, 2007 | 8:20 am
     

    kuya, like super kadiri ho talaga ng kwento niyo about Berto…

    ayan, napa-konyo pa tuloy ako…

    jijiji…

    g23

  12.  
    July 5, 2007 | 10:37 pm
     

    @ AnitoKid - syempre dapat maganda! bwahahaha! salamat sa pagdaan kabayan! g3
    @ jehzlau - galing mo naman nahalata mong baliktad! wahahaha.. isa kang henyo! nyahahah g4
    @ hana - pwede po pag gusto mong e konek.. kumuha ka po ng papel.. at gumuhit ng ulan .. at ipis.. at e konek natin g6
    @ Fendi - hahaha salamat fendi.. maraming maraming salamat po g1
    @ andie - ako.. ayaw ko din.. pareho tayo.. pero may naitutulong din ang ipis no!! sa mga nag bebenta ng baygon, kasi kung walang ipis, lugi ang negosyo nila.. bwahahaha! g8
    @ nice - sa tingin ko din.. anong paningin mo nice? 20 20 din? hehehe *corny mode* g10
    @ makovxmazj - hehehe.. baliw talaga ako. .halata na ngang bot. .inapprove pa.. heehee.. pinagbigyan ko lang ang isang bot.. wawa naman kasi :P heehee
    @ tanom - oo nga.. wala talagang connection… hahaha.. di ako uncle no.. bunso me. .bunsOOOo!!! g5
    @ andie - hehehehe.. grabe nalasap talaga ni berto ang bawat laman ng ipis.. heeheehee g9

  13.  
    July 6, 2007 | 8:55 am
     

    hahaaay, kawawang Berto… pero malay natin diba? baka pala masarap ang ipis… YOU NEVER KNOW!!!

    g32

  14.  
    July 13, 2007 | 11:32 am
     

    i wonder…may religion din kaya ang ipis..???

  15.  
    July 14, 2007 | 6:47 pm
     

    hmmm… baka!!! Ipisianity!!!

    BUNGGAAA!!! g38

  16.  
    July 17, 2007 | 10:55 pm
     

    wala pa pala akong reply dito? hehehe… ayoko rin ng ipis. nakakadiri. pagkatapos sinusundan ka pa nila. ahahay g27

  17.  
    July 17, 2007 | 10:56 pm
     

    Sabi ni inday:

    shet ka epes! mamatay ka! mamatay ka! shet! shet! shet! ga demet.

    g4

  18.  
    July 18, 2007 | 9:26 am
     

    demet nga yang mga epes na yan!!!

    sure ka si inday ang may sabi niyan at hindi ako?!?!

    nyehehehe… g3

  19.  
    August 17, 2007 | 4:00 pm
     

    namali yata kayo ng pasok. baka hindi tunay na ipis yung napagtanungan mo. kasi nong magtanongtanong ako sa mga ipis ay iba ang sagot nila sa akin e….. gusto niyo malaman ang sagot? txt mo ako

  20.  
    August 17, 2007 | 4:30 pm
     

    hahaha ano bang sagot???? hehehe hmmmm?? jemme etxt mo daw si SELaplana! hehehe

  21.  
    August 26, 2007 | 4:26 pm
     

    Bat kayo galit kay malu? :P

  22.  
    December 10, 2007 | 10:49 am
     

    hahah madaming sakit din ang dala ng ipis ingatz na lang

  23.  
    December 18, 2007 | 11:01 am
     

    =) hihi ang kulit kahit medyo napapa-eeeew na ako lalo na dun sa mga nagsusuicide na ipis…yuck..haha


Leave a comment

(required)

(required)



RSS feed for comments on this post | TrackBack URI

 
hit counter Humor - Top Blogs Philippines