From: JEMME
Tanong: May mga katanungan bang itinatanong sa’yo na hindi na dapat sagutin?
Sagot: naku!! napakarami!!! mga tipong makapagtanong lng. eto ang ilan sa kanila:
From: Rodevel
Tanong: kabuuang populasyon ng pilipinas????
Sagot: naku nma!! basta makapagtanong lng talaga ha… excuse me? hindi po eto ang official website ng NSO! helleeer!! pwede rin po gamitin ang google.com
From: EAV
Tanong: follow-up lang po sa tanong ni (From: Michie) WHY DOES THE SUN GO ON SHINING?
Sagot: hayy… malamang hindi n’ya naintindihan ung sagot ko kay Michie kc kung nagets n’ya yun, hindi sya magtatanong ng ganito… sana sinabi na lng nya na: kuya hindi ko po magets ung sagot mo kasi napakasimple lng eh, wla ka ba dyan ung pang genius level na explanation para makasabay naman ang katalinuhan ko? kung ganyan ang nilagay nya malamang pwede pa! kakasingkit ng mata! buti hindi natitinag ang bangs ko sa’yo!
From: marimar a saberola
Tanong: pang ilan ang bansang pilipinas sa bilang ng populasyon
Sagot: isa pa tong bata na to.. maghintay ba ng matagal na masagot ko sya? e madali ng makita sa google to eh! kamusta nman ang searching ability? pero para hindi ka na maghirap… 12th spot po tayo! be proud! ang dami natin masyado! marimar… aw!!
From: Clarisse
Tanong: ilan po ang eksaktong populasyon ng Pilipinas
Sagot: isa pa to.. adik ka ba? hindi mo makukuha ang EKSAKTONG populasyon ng Pilipinas at ng kahit anong bansa dahil bawat minuto ay maraming ipinapanganak at namamatay! pahirapan ba ang sarili?
marami pa! sobrang dami!! as in umuulan ng tanong na hindi ko alam kung alam ba nilang nag-e-exist ang google at iba pang site nag-o-offer ng seaching features.
isa lng napansin ko, karamihan sa kanila related sa populasyon ng pilipinas!!! naisip ko lng, may hinahabol ba tayong target na populasyon ng bansa natin at panay ang tanong nyo bout that? gusto nyo bang manguna tayo sa bagay na yan? buko juice nman! maawa na kayo sa bayan natin kung yan ang hinahabol nyo ha?
hindi sa nagrereklamo or nang-aaway ako. masaya nga ko kasi ang daming nagtatanong. sobrang saya na halos malunod na ko sa dami ng tanong. pero may mga tanong talaga akong nilalampasan at malalampasan pa, hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot kundi dahil minsan related na lang sila sa mga naunang tanong na kung kakain lang ng ampalaya at malunggay ay malalaman mo na ang sagot sa gusto mong itanong. mas gusto ko pa ngang sagutin yung mga tanong na mahirap at talagang hindi ko din alam ang sagot kasi napipilitan akong magresearch at the same time may nadadagdag na naman sa kautakan ko at kung talagang hindi ko alam, sinasabi ko ang katotohanan na hindi ko talaga alam ang sagot at gumagawa na lang ako ng ibang kwento para mapahaba na lang ang usapan. masaya ako pag may mga tanong na hindi ko talaga masagot kasi ibig sabihin may dapat pa akong pag-aralan at malaman. may bakante pang space sa memory card ng ulo ko. hindi ko pa kelangan magreformat ng utak. may karapatan pa akong magbasa. may karapatan pa akong makinig sa ibang tao at may dapat pa akong abangan sa mga susunod na araw ng buhay ko.
sobrang serious na ata! epekto lang siguro ng panahon. umuulan sa labas, malamig at ang sarap magsenti. parang mantika ang funny side ko, natutulog pag malamig ang panahon. ibig sabihin hindi ako pwedeng tumira sa bansa na umuulan ng snow kasi malamang mamatay ako agad dahil hindi na gagana ang pagiging komedyante ko!
hahahahaha!!!
hahaha, kulet din ng tanong, pangalwang tanong ko kaya pasado? hahaha
bentang-benta ulit. natawa ako eh.
pero sabi ng tatay ko kaya natutulog ang mantika, dahil inaantok din sila.
inaantok din ba ang sense of humor mo? hehehe.. tulog muna jemme. :)
minalas yung iba di tinanggap yung tanong.. hehehe @eli - sana masagot yung tanong mo.. hahaha
jemme.. panalo ang linyang to: “kakain lang ng ampalaya at malunggay ay malalaman mo na ang sagot sa gusto mong itanong”
hahahaha
sana walang napikon… ang mapikon ikikis ko sa gums!!
homeowners insurance georgia…
imprints tampered?reflexivity …
spin palace…
Healey kangaroo.tamely spins:…
missing life insurance policies colorado…
overwriting labyrinth diversion prowess electoral …
virtualcitycasino…
grate diversion!Aires exists wash browbeaten:…