Itanong mo kay Jemme!

OK bang ma-inlove sa isang homosexual?

From: SNAGE

Tanong: kuya jemme, ok lng ba mainluv sa isang homosexual? hehehehe…

Sagot: nman… very complicated question ha! yang question mo na yan ba snage eh based on your own experience? in-love ka na?!! naks!! paburger ka nman!! burger! burger burger!!

well,  para sa kin wla nmang masama kung mainlove ka sa kaparehong gender mo. i mean minsan kasi may mga bagay o pangyayaring nagaganap na out of our control.  pero syempre hindi biro ang malagay sa ganyang situation. marami kang dapat pag-isipan bago mo i-pursue yan at pagbigyan ang init ng katawan este init ng bugso ng damdamin. g3 talaga bang in-love ka? bka nman kasi humahanga ka lng dun sa tao! dahil may mga ginagawa syang kahanga-hanga or may meron syang physical or mental aspect na naiisip mo na sana meron ka din gaya ng mahahaba nyang buhok sa ilong (ang cute nun di ba?) ako i admit may mga crush din akong guys kasi may mga talent sila na gusto kong maging ganun din sa kin, gaya ni jehzeel naks! idol ko yan sa sobrang hyper pagdating sa programming! pero pinagnanasaan ko ba sya? hindi! kasi ibang level na yun! pero ako crush kaya nya? hehehe.. g4 (note: ndi po gay c jehzeel, 3 nga gf nyan! hehehe…)

dapat mo ding isipin kung handa ka ba sa magiging reaction ng mga taong nakapaligid sa inyo. kahit sabihin natin na hindi talaga importante kung ano ang sasabihin at iisipin ng ibang tao sa atin dahil may sarili tayong pag-iisip, minsan hindi maiiwasan na maapektuhan pa rin tayo at lalo na ung mga mahal natin sa buhay. kung handa ka sa bagay na yan, handa ba ang magulang at mga kapatid mo? lalo na dito sa bansa natin na kahit sangkaterba na ang naglalantad at sabihin na nating liberated na ang mga tao (eksena sa jeep pa lng; mag-bf-gf na hyskul student! hindi pa fully-develop ang mga parte ng katawan pero kung magyakapan at maglandian dyoskopow!; si ate halos mamilipit sa pag-upo sa loob ng jeep maitago lng ang singit kasi nman ung mini-skirt halos isang dangkal lng, putol pa ang hinliliit nyan ha!; at si manong driver laging idinadaan sa lubak ang jeep kasi nman si miss, sa sobrang baba ng neckline halos lumukso na palabas ang boobs tuwing malulubak!), hindi pa rin ganun katanggap ang ganyang relasyon! marami pa rin ang sarado ang utak!

kung in-love ka sa kanya, natanong mo na ba kung mahal ka din nya? baka naman ikaw lang ang nagmamahal? hindi tama yan! hindi rin maganda kalalabasan nyan kung ikaw lang ang nagmamahal at lalong hindi rin maganda mangyayari sayo pag nagkataon dahil ang haba na ng naipapayo ko tapos hindi ka naman pala nya papatulan! mabibigwasan kita! nasayang lng effort ko! hehehe..

ok fine! sabihin na nating mahal ka din nya! hanggang kelan?  i mean, may kilala ka bang nagtagal sa ganyang relasyon? ako, wala ni isa. palipat-lipat lng sila. palaging naghahanap ng bago. hindi ko alam kung bakit pero wala talaga akong kilala na nagtagal. laging may nagaganap na hiwalayan.

hindi ako against sa ganyang relasyon at lalong hindi ako galit sa mga homosexual. i can be friends with them, i have friends na homo pero not to the point na mauuwi yun sa love na may malisya. masarap silang kasama, laging masaya, puno ng buhay at tawa; masarap silang kakwentuhan dahil sa dami ng mga pagsubok na dinaanan nila mula pa pagkabata para lng ipagtanggol ang sarili nila sa mga taong hindi sila matanggap na madalas ay pamilya pa nila mismo.

aminado ako, minsan naging mapanghusga din ako sa mga homo pero matagal na un. nung IMMATURE pa ko! nung mga panahon na akala ko sila ang pumili kung ano sila. i have gay friends na ilang beses na nagkwento sa hirap na pinagdaanan nila. na kung mahirap ipatanggap sa ibang tao kung ano sila, doble na mas mahirap aminin sa pamilya nila kung sino sila at triple ang hirap na aminin at tanggapin sa sarili kung ano at sino ka.

kung in-love ka, nasa iyo at sa kanya ang desisyon kung itutuloy nyo sa isang relasyon ang nararamdaman nyo pero isipin mo rin na hindi lang ikaw ang involve dyan. dalawa kayong may responsibilidad dyan. maraming magbibigay ng reactions at comments pero wala isa man sa amin ang may karapatang magsabi kung tama o mali ang relasyon nyo. buhay nyo yan! kung anong iisipin ng ibang tao tungkol sa inyo is out of your business, hindi sila kayo at hindi kayo sila. lahat tayo may kanya-kanyang baho sa buhay, nagkataon lang na mas matapang kayo na ilabas ito at sana maging matatag kayo na harapin ang CONSEQUENCES ng magiging decisions n’yo.

whew! serious na masyado! ang lalim na!! tagal kasi napending ng mga answers ko! medyo naging busy kasi ko sa work this past 2 weeks! para akong hinila ng boss ko sa harap ng paper works para maghukay ng lupa at maghanap ng ginto na gagamitin ng company para hindi kami matulad sa mga nagsasarang company. punong-puno pa ng salonpas ang katawan ko ngayon pero buhay pa nman! rak en rul!


4 Comments for 'OK bang ma-inlove sa isang homosexual?'

  1.  
    July 21, 2008 | 5:34 am
     

    WAAAAAAAAAAAAAA! bat kasali ako ditOO?!?!? g10

  2.  
    August 7, 2008 | 12:59 pm
     

    Nosebleed!

  3.  
    mikah
    August 8, 2008 | 4:31 am
     

    Wow, Jemme! pd ka plang magseryoso kahit minsan…
    hehehe…. peace! g8

  4.  
    September 30, 2008 | 9:22 pm
     

    helo po
    tama po
    kau
    may tumatagal namn ah
    aq jejeje
    peace


Leave a comment

(required)

(required)



RSS feed for comments on this post | TrackBack URI

 
hit counter Humor - Top Blogs Philippines