Itanong mo kay Jemme!

May fans club na ba ko?
--/>

From: ISH

Tanong: may fans club ka na ba? pwede mag-pa-autograph? :D

Sagot: naks! fans club!! parang artista ha. g3

ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, meron na akong mga fans. pero mas gusto ko silang tawagin na mga mambabasa. hindi nman kasi ako artista na may sangkaterbang fans gaya ng SOLID toot toot FANS CLUB o kaya nman THE UNBEATABLE FRIENDS OF toot toot. bigay na lng natin kina ate guy, ate vi, shawee, juday at jolens ang bagay na yan! ang mga mambabasa na tumatangkilik sa mga isinusulat ko na minsan hindi ko rin maisip kung san ko napagkukuha ay nahahati sa iba’t-ibang level;

avid reader  -  eto ung tipong everyday walang palya na nagbubukas ng jemme.net. pagbukas ng computer, hindi pa lumiliwanag ang screen e nakaset na agad sa address site nya ang http://www.jemme.net. yan na talaga ang default nya! kahit wlang bagong sagot, nagbabasa pa rin sya ng mga lumang sagot.  ang mga myembro nito ay may IQ level na above genius. sa pagkakaalam ko, nasa humigit kumulang at hindi tataas sa 1 ang bilang ng myembro nito.

bored  -  eto nman ung tipong bagot lng sa trabaho at sa buhay na konting pirma na lng ng katinuan ay magpapatiwakal na kaya naisipang dumaan dito upang makalimot sa realidad ng mundo. nasa 3 and a half ang myembro nito, ung remaining half e kasalukuyang naglalakbay sa kalawakan. ang mga kasapi ng samahang eto ay may IQ na 185 bawat isa.

excuse me - eto nman ung mga tipong lahat ng site ay dinadaanan.  kung may maglilista lang ng pangalan ng bawat taong dadaan sa lahat ng site, sigurado nandun ang pangalan nito. parang out-of-nothing e naisipan nyang itipa sa google ang jemme kaya napadpad sya dito. kung isa ka sa mga myembro nito, asteeg ka! kasi may isang sikat na dj sa fm radio na kasapi mo. ibang level ka men!!

curious  -  eto ung nakwentuhan lang ng isang kaibigan na nakwentuhan lang din ng isa pang kaibigan na kaklase ng katrabaho ng isang officemate ng kaibigan na binayaran ko kaya napilitang dumaan dito at naisipang magtanong kung totoo ba tlaga ako o isang guni-guni lamang. magtatanong minsan, tatawa minsan, sisimangot pag nakornihan at kapag tinanong mo kinabukasan kung anong masasabi nya sa jemme.net, hollow ang isasagot kasi nalimutan na nya ako agad. mahigit 50 ang members ng grupong eto at madalas mo silang makikitang tulala sa lrt, mrt, fx, jeep at bus.

kung susuriing maigi, lalabas na ang mga nagbasa, nagtanong at natawa sa mga pinagsususulat ko dito ay may IQ na 290. wag kang magpaparty sa tuwa kasi idi-divide pa yan sa bawat isa. ibig sabihin pauso ko lng yan. g4


4 Comments for 'May fans club na ba ko?'

  1.  
    ish
    July 21, 2008 | 1:17 am
     

    yehey! salamat sa pagsagot jemme.
    sa level ng readers, nandun ako sa excuse me, tas nag-evolve sa avid reader. :)

  2.  
    July 21, 2008 | 5:28 am
     

    hahahaha,,, ako ay isang avid reader na rin g4

  3.  
    mikah
    August 5, 2008 | 10:25 am
     

    Hi!! I’m back….
    Sori nawala aq… peace…
    na-ospital xe q e…. mental hospital… JOKEZ…
    hehehe… ndi nga,,,, na-ospital aq…hahaha… katangahan…hahaha…
    musta naman jan???
    Na-miss ko to ah…

  4.  
    mikah
    August 5, 2008 | 10:28 am
     

    Anyway,,, sa mga categories, dun ako nung una sa bored…
    tapos, nag-search ako ng mga articles ng bloggers…
    Then, I found this amazing site…
    Amazing xe magaling na writer gumagawa…
    YEHEEE!!! Magaling daw o!!!
    At ngayon,,, isa na kong avid reader….
    hahahaha….


Leave a comment

(required)

(required)



RSS feed for comments on this post | TrackBack URI

 
hit counter Humor - Top Blogs Philippines