From: FRANZ
Tanong: Bakit sa hapon palagi ang palit ng DVD at VCD?
Sagot: amm… sa hapon ba? bat alam mo yan? siguro nagbebenta ka ng mga pirated DVD and VCD no?! talipandas ka ha!! may DARK KNIGHT ka ba d’yan na DVD copy na? pabili naman! hehehe…
Actually, kaya sa hapon ang palitan kasi yung mga namimirata eh sa last full show nanonood sa mga sinehan para konti ang tao, tapos xiempre matutulog pa sila pagkagaling sa sinehan. so ung pagka-copy ng mga pirated na movie e nagaganap sa morning tapos babyahe pa yan sa lahat ng branches nila na nagkalat sa bawat kasulok-sulukan ng Pilipinas! Kaya inaabot na talaga sila ng hapon sa ating mga suking tindahan.
Ngayon, since napag-usapan na natin ang mga pirata na yan. Naisip ko lang, ung mga nasa showbiz industry na laging nagsasabi na wag bumili ng pirata, never ba silang bumili ng kahit isang pirated VCD or DVD? peksman? tamaan man sila ng kidlat? sinungaling!.
E masisisi mo ba nman ang mga tao na bumili ng mga pirated DVD, VCD, etc etc.. hello!! ang mura kaya no! meron pa ngang 12 in 1 na less than hundred lang ang presyo! san ka pa?! bat ka nga nman gagastos ng mahal kung meron nmang mura at updated pa! hindi sa iniengganyo ko lahat na bumili ng pirated na kopya. kaya lang kasi sa hirap ng buhay ngaun, silang mayayaman lang ang can afford na gumastos sa pagbili ng mga original copy na apat na doble ang halaga kesa sa mga pirated. may mga kilala din akong mayayaman na bumibili ng pirated no!
Sigurado may hihirit d’yan ng “e kasi pag original mas may quality, pang lifetime na ung copy mo! hellerr!!!”
Helleeerrr ka din!!! hehehe… awayin ba ang sarili?
bakit lahat ba ng movie na gusto mo ngaun e gusto mo pa rin for life? kung naintriga ka sa movie na SPIDER MAN 3 ngaun dahil sa ganda ng mga comment na naririnig mo, sure ka ba na after 10 years e gusto mo pa rin etong panoorin sa ORGINAL DVD? kung naintriga ka ngaun, gagastos ka ba ng 122 sa sinehan dahil maganda daw sabi ni ganito at ni ganyan? what if hindi mo nagustuhan, hindi s’ya pumasa sa mataas na standard mo pagdating sa mga movies, mababawi mo pa ba ung 122 pesoses mo? hindi! nabilang na un sa income ng producer ng movie, idagdag mo na ung kita ng mall sa pagbili mo ng popcorn at softdrinks! kung buong pamilya nyo may 6 na member e naintriga lahat sa movie na YOU DON’T MESS WITH ZOHAN kasi mukhang nakakatawa tlaga xa sa tv commercial, gagastos ba kayo ng 732 pesoses para mapanood ang movie na yan?! idagdag mo pa ang pamasahe at pantanggal uhaw sa katatawa. almost 1 thousand yan! 1 thousand!!!! ilang kilong bigas na yan???!!! e kung bumili ka na lng ng pirated d’yan sa bandang quiapo! 50 pesos!! good for 6 pairs of eyes at pwede mo pang idamay sina lolo, lola, pinsan, friend, yaya, kapitbahay, katulong, at pati si tagpi. isabay during lunch or dinner para tipid sa food, safe pa kayo kasi nandun lang kayo sa loob ng bahay, astig pa kayo kasi naunahan nyo pa ang showing nya sa mga mall ng mahigit 1 month.
50 pesos laban sa 732 pesos! 682 pesos ang difference! ilang oras na overtime ni tatay yan!! ilang kilong bigas din yan! ilang cubic meter din ng tubig yan! ilang kilowat din ng kuryente yan! ilang araw na baon sa eskwela nila ate at kuya yan??!!
anong sasabihin ng mga artista? “manood po kayo ng movie ko na napakaganda (sinong artista ba ang umamin na panget ang movie na kasali sya?) wag po nating tangkilikin ang mga pirated copy dahil nalulugi po ang industriya ng pelikulang pilipino at naghihirap ang mga artista”
anak ng!! pakilam namin kung maghirap kayo?!! bakit wala na ba kayong pambili ng mga mamahalin nyong damit, bag, sapatos, bahay, pampaopera para mabawasan ang taba, pampaputi at bakasyon kung san-san? e kayo may pakilam ba kayo kung yung isang pamilya e walang makain kahit isang beses sa isang araw? may pakilam ba kayo kung may mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay? pag may isang movie goer ba na namatay ang ama o ina na walang panggastos para sa libing, may pakilam ba ang mga artista? magaling lng nman yang nga yan sa pagtulong kapag may mga camera na nakatutok sa kanila. ia-annouce pa sa tv para dumami ang fans. yan ang isa sa sangkaterbang pagkakapareho nila sa mga politiko. e imbes na igastos ng pamilya ko ung pangsine na 732 pesos, bat hindi na lng ako bumili ng pirated na 50 pesos tapos ung matitirang 682 e itulong ko sa mga nangangailangan ng MAS MAHALAGA SA BUHAY NG ISANG TAO?!! isa pang tanong: WORTH IT ba ang movie mo para paggastusan ko kahit sa pirated copy man lng?
bat ako bibili ng original CD ni gantong singer o ng gantong banda kung pwede nman akong magdownload na lng. pakabit na lng ako ng internet sa pc, nakapagdownload na ko, magagamit ko pa ang pc para sa mga research. praktikalan na lng!!
kung sila maluho, kami pratikal nman.
pero sabihin na nating masama kasi ang pirated kasi nga pirated sya, nagnanakaw ng pinaghirapan ng iba. pero masisisi mo ba ang mga nasa middle level pababa ang buhay? sa yun lng ang kaya ng bulsa nila eh! bat hindi na lang nila babaan ang presyo ng mga original para ma-afford nman ng lahat at pwede sana yung matinong movie & songs nman para hindi nman kami magsisi na nasayang lang ang pera namin sa pagbili ng original.
ngayon kung talagang seryoso sila na matigil ang piracy dito, bat parang napakatanga nman ng kinauukulan na hindi pa rin nila mapigil ang gawain na yan? bakit dun sila sa mga tindero nagpupunta? ang mga yun, nagbebenta lng. kung gusto tlaga nilang matigil, bat hindi ung mga nagpoproduce ng pirated ang gawin nila? manghuli sila ng ilang vendor, itanong kung sinong supplier, pag nahuli ang supplier, hanapin kung san kumukuha ang supplier, then hanapin kung san ang pagawaan at hulihin ang may-ari hindi ung kagamitan lng. o kaya alamin kung sino ang importer ng mga sangkaterbang blank CD, malamang sa hindi gagamitin nila un para mag reproduce ng milyong-milyong pirated movie.
sounds easy pero mahirap gawin? korek! pero kung talagang desidido sila, magagawan nila ng paraan! sabi nga ng isang kasabihan: KUNG GUSTO MAY PARAAN. KUNG AYAW MAY MILYON MILYONG DAHILAN.
ang hirap kasi ang daming makapal ang mukha na tumatanggap ng LAGAY!
mabigat ha! pero totoo talaga! two tumbs up! sana makarating sa mga dapat tamaan para magising sa katotohanan
putek.. oo nga kaya pala hapon.. hahaha ngayon ko lang nalaman. Tama ka jemme, dapat may makabasa ditong artista.. hahaha! :D para matamaan man lang kahit papano.. yiheeeeeee!
piracy is a crime
sila ba hindi gumagawa ng crime? 
ayos ang haba ng expanation kung bakit hapon palitan ng dvd saka vcd. nasermonan pa mga artista, hahaha
waaaa.. kaya pala.. hahah… ayus ang explaination hap.. hehehe.. kewl!
Oh Jemme, easy lang dyan. Tinanong ko lang kung bakit sa hapon ang palit ng dvd at vcd..haha..
Magaling,magaling,magaling….
Biblib talaga ko sa’yo Jemme…
WAG MATAKOT! MAKIBAKA!
Wahehe… Jokez….
FYI lang po:
1. Meron na po akong nakitang 84-in-1 na DVD….Php 90.00 lang….; at
2. Moto ng namimirata:
Magnakaw sa mayayaman at ibahagi ito sa mahihirap!!!!
Kya okay lang ung pirated,,,xe tulong un sa mga nagtitipid at gusto din maging masaya thru watching their favorite movies…
Saka pinaghihirapan din un ibenta ng mga tindero noh…
welcome back mikah! kala ko naligaw ka na ng landas! buti muli mong natagpuan ang tamang daan pabalik sa mga ming mga taong lutang! hehehe
Thanks po sa pag-welcome…
Ako? maliligaw? Imposible!!!
No.1 fan mo ko noh!!!
President ako ng “Solid friends of Jemme!!!”
Ay!!! ampangit pla pakinggan… Wag na lang…
hahhahahahahahahahha….