From: Michael
Tanong: Ano ba ang kahulugan ng pangalan ni rizal??
Sagot: Sinong Rizal ba ang tinutukoy mo dito? Si Jose Rizal ba o ibang tao na kilala mo na hindi ko nman kilala na Rizal ang apelyido?
Ok fine! Given na si Jose Rizal na nga ang tinutukoy mo? S’ya lang naman ang Rizal na may karapatang pag-usapan ng bawat Pilipino! Para sa kin ang pangalan ni Rizal ay may 2 kahulugan:
(a) Kasinungalingan! Bakit? Kasi sabi n’ya Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda e bakit lahat ng mga isinulat nyang aklat ay gumamit s’ya ng Latin at French nga ba yun? Kelangan pang i-translate sa tagalog ng ibang writer para lang maintindihan ng mga kapwa n’ya Pilipino!
(b) False Hope! Bakit? Kasi sabi ny’a Ang kabataan ang pag-asa ng bayan e lahat ng politiko natin ay dumaan sa pagkabata pero hanggang ngayon puro asa pa rin tayo!
Matagal ng ipinadala ang tanong na ito at matagal na ring may sagot na naglalaro sa isip ko pero hindi ko mai-post kasi alam kong marami ang masasaktan at magbibigay ng hindi magandang comment. Pero naisip ko, bakit ako matatakot sa mga pwedeng ibalik na negative comment sa mga sasabihin ko kung ako nga mismo ay bumabato din ng negative comment sa sagot ko! how pathetic I AM! Yan naman po ay para lang naman sa ‘kin at sa isa pang tao na matindi ata ang sama ng loob kay kuya Joe! Pasensya na sa mga hindi sang-ayon pero lahat naman tayo ay may kanya-kanyang opinyon at nagkataon na hindi lahat tayo ay pareho ng pananaw sa bawat bagay! Kung may angal kayo, pumunta na kayo sa baranggay at magreklamo! joke! Malaya naman kayong i-post dito ang mga naiisip nyong kahulugan ng pangalan ni Rizal para makabawi naman sa mga pro!
Siguro kung mababasa to ni Rizal, baka hindi na ko makadaan sa bandang Luneta kasi ang takot ko lang na bigla n’ya ko hilahin at sabihan ng, “Sige, ikaw na lang tumayo dito sa monumento ko!” hehehe…
lagot ka kay Rizal jemme! wahahaha!
makakarating kay pareng Rizal ito jemme. haha! :D
@ish - lagot si jemme pag nakarating! bwahahaha!
OO nga… Matagal na din issue yan sa debate class namin nung senior year ko sa college… Binabatikus din nila ang pagka-hirang kay Rizal bilang National Hero…. Sabi ng debate prof ko nung 4th yr, si Bonifacio daw dapat ang hinirang n National Hero…
Wa chu tink huh?
@jehzeel laurente- bwahahaha! lagot.
@mikah- oo, may categories daw ang pagiging national hero. bumagsak sa mga “categories” na yun si bonifacio. sayang nga eh, 0.01point lang ang lamang ni rizal! close fight. hehe.
@ish - ganun ba? Cge,, hahanapin ko un… heheh… Thanks…
kapag hindi na ko nagparamdam dito, punta na lang kayo sa luneta baka ako na pumalit sa monumento ni rizal! masasagot ko tanong nyo dun on the spot! with facial reaction pa!
Di po pinabayaan ni Rizal ang Tagalog, kasi sa totoo lang gumawa pa siya ng ortograpiya sa Tagalog. Ni-re-publish nya rin ang Succesos de las Islas Filipinas (Historical Events of the Philippine Islands) na nilagyan nya ng mga annotation. Sa lahat ng Hero sya ang may pinakamaraming alam at sinaliksik tungkol sa Pilipinas. Kahit si Bonifacio, ginagamit ang pangalan ni Rizal para sumikat. At sa lahat ng mga naging bayani natin na ka-contemporaryo ni Rizal, wala ni isa man sa kanila ang makakahigit sa mga talento at ginawa ni Rizal bilang Pilipino. Ang Rizal ay galing sa “richal” na pinagagamit sa kanila ng isang alcalde mayor, na iubig sabihi ay ang umuusbong sa tanim ng palay o trigo na pinutol. Ganun din ang nangyari sa buhay ni Rizal, nang sya ay pinatay, umusbong ang pambansang rebolusyon!… Marami talagang mga tao ang nagmamagaling parati magkomento sa mga bagay na di nila alam, para magyabang lang (Katulad ninyo). Sa susunod, sana mag-komento kayo sa mga bagay na alam nyo!…
hala ka jemme anong isasagot mo dito kay saddy???
hala jemme, lagot ka na ata times two.
Ipagtatangol ko lang ang aking minamahal na si JEMME…
@saddy - Wag mo naman awayin si Jemme… Site niya po ito… Malaya siyang sabihin ang opinyon niya,,, at nasa demokratikong bansa naman po tayo db… At isa pa po, wala naman pong maling opinion… May kanya-kanyang opinyon ang bawat tao at dapat igalang natin un… Kung hindi ka sang-ayon kay Jemme, malaya ka din naman sabihin ang opinion mo eh, pero wag kang mang-away dahil wala naman tayo sa riot! Anu ba namang gawin mo ang pag-respeto sa opinion ng ibang tao na itinuro sa’yo ng mga magulang mo, hindi ba? *peace*
GO mikah!
@mikah - astig ka mikah! idol na kita
@ish - thanks for the support… hehe

@jehzeel - ok,, ikaw na president ng fans club q huh? wahaha! peace!
@mikah - cge ba! hehehe
naku naman!!! nahimlay lang ako ng sandali may nagrariot na dito!! hehehe… kakatuwa naman tong c saddy.. parang naiimagine ko na nanginginig ang mga daliri sa galit habang nagtatype.. excuse po ms/mr saddy.. baka hindi nyo nabasa ang sagot KO! nakabold pa ung “PARA SA KIN” ibig sabihin sariling opinyon lang po.. kung maka-react ka nman d’yan para kang sinaniban ng espiritu ni rizal! ingat ka bka bigla kang damputin ng mga gwardya sibil! joke!
kung yan ang tingin mo kay rizal! well, good for you & much better sa mga taong nagproclaim sa kanya as our NATIONAL HERO! atleast may reason pa sila para huwag tanggalin ang monumento n’ya sa luneta at mas may dahilan pa sila para wag magsisi.
masarap ding isipin na may mga tao pang tulad mo na matindi pa rin ang paniniwala kay rizal. atleast may buhay pa pala sa mga pinatutungkulan ni rizal ng sabihin n’ya ang mga katagang “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” sana nga lang maramdaman ng mga Pilipino ang presence ng tulad mo sa bansa natin.
Pero kung talento at galing din lang nman ang magiging dahilan para ituring na dakilang Pinoy ang isang Pilipino, malamang kulang pa ang luneta para paglagyan ng mga monumento nila sa dami ng mga Pilipino na napakaraming talento?
..Marami talagang mga tao ang nagmamagaling parati magkomento sa mga bagay na di nila alam, para magyabang lang..
Hindi ako nagkokomento para magmagaling… nagmamagaling ako dahil kaya kong magkomento, dahil kaya kong mag-isip, dahil kaya kong mag-analyze ng base sa sarili kong mata, pananaw at utak at hindi dahil sa mga isinulat ng iba, itinuro sa paaralan at opinyon ng iba… nagmamagaling ako dahil kaya kong sabihin ang pananaw ko at the same time ay tumanggap ng pananaw ng iba dahil tanggap ko na MAY KANYA-KANYA TAYONG PANANAW.
..Sa susunod, sana mag-komento kayo sa mga bagay na alam nyo!…
Sana sa susunod mas magbigay tayo ng komento na galing sa sariling pag-a-analyze sa nangyayari sa paligid.. hindi masamang maging idealistic dahil mas maganda ang mabuhay sa isang maayos na pananaw pero minsan dapat naman tayong gumising at harapin ang realidad?
‘yun lang po. uulitin ko.. lahat ng nandito ay opinyon ko at ng bawat taong at engkanto na bumibisita dito. pwedeng namang magpaliwanag ng hindi tipong naghahamon ng rebolusyon! hehehe… si mikah baka nagre-recruit na ng mga makabagong gwardya sibil!! awatin n’yo!!! nyahahaha.. peace!!
ayun naman pala eh.
kalma na. tataas ang high blood nyo nyan.
Papadampot ko na si Saddy,, pigilan nyo ko… hehe…
ganda ng debate nyu,,natutuwa aq,,
un nga lang..d q alam qng san papanig..hheheheh
can u please enumerate all the monument of rizal all over the world kailangan q lang po 4 d subj. rizal..&& ung mga issues ni rizal like the american made hero..enx poh..
@aniracz - toink! ang dami kaya nun! di natin alam may mga monument din sa tabi tabi dyan..