Itanong mo kay Jemme!

Who is the Filipino?

From: ISLE_KYLE

Tanong: ask lng po. who is the filipino? pkiexplain po 2 “our culture is not a borrowed culture” slmat po …. :D

Sagot: Sino nga ba ang tunay na pinoy? Tinanong ko yan sa teacher ko sa filipino subject nung nasa high school pa ko. Sabi n’ya, “Basta marunong magtagalog, filipino yun iho!” sabay alok ng tinda n’yang imported shirts. Dahil hindi pa ganun kalawak ang karanasan ko sa mundo at ang tanging laman lng ng utak ko ay base lamang sa mga sinasabi ng mga nakatatanda sa kin, tinanggap ko na ang paliwanag n’ya ng bukal sa kalooban. Pero ngayon na kaya ko ng pumili ng mga ideya at kaalaman na ipapasok sa isip ko, ngayon na kaya ko ng pumili ng sagot sa mga tanong na pumapasok sa isip ko, naisip ko na marami pang karugtong ang tanong ko na ‘yun. Basta marunong magtagalog, pilipino na? Pano nman ung mga cebuano, ilonggo, bicolano, bisaya, waray etc etc etc na hindi marunong magtagalog? Hindi na ba sila Pilipino? Pano ung mga lumaki sa ibang bansa na may dugong Pilipino? Wika lang ba ang sukatan ng pagiging Pilipino?

Ayon sa batas, itinuturing na pinoy ang isang tao kung isa sa kanyang magulang ay filipino or ipinanganak s’ya sa pilipinas at nakarehistro ang birth certificate n’ya dito

Pero sa batas lang yan. Para sa kin ang pagiging Pilipino ay hindi lang base sa salita at dugong dumadaloy sa kanya. Minsan nasa kilos din yan, purong pinoy nga ang dugo mo pero nasa ibang bansa ka dahil ayaw mo ng mamuhay dito at itinatanggi mo ang pagiging pinoy, sana pina-drain mo na lahat ng dugo mo sa katawan at pasaksak ka ng lng ng dugo ng german (german shepherd). Parehong pinoy ang magulang mo pero lagi mo nmang ginugulangan ang kapwa pilipino mo, sana naging alien ka na lng!

our culture is not a borrowed culture” tayo ay pilipino, may sariling pamumuhay, may sariling pag-uugali at may sariling kultura bago pa man dumating ang mga dayuhan mula espanya, englatera, amerika, japan at planetang jupiter. Hindi natin yan hiniram, inadopt natin yan mula sa lahat ng sumakop sa tin kasi kung hiram lang sana overdue na tayo sa pagsosoli. Magaling lang talaga tayong mag-adopt ng ibang kaugalian kaya unti-unting nabubura na ang natural nating kultura. May mga pagkakataon na maganda ang nadudulot nito sa tin pero hindi lahat gaya ng pagmamano, noon uso yan pero ngaun beso na lng at minsan tango na nga lng e! (pero ako nagmamano pa hanggang ngaun, promise!) Ang pakikipagkamay, unti-unti ng napapalitan ng pag-aabot ng calling card (sosyal!). Kahit sa mga games, puro na computer games ngaun, wala na ang piko, tumbang-preso, sipa, syato, taguan, patintero at iba pa! (namiss ko tuloy ang pagiging bata). Pati ung laruang telepono na dalawang lata na lalagyan ng mahabang tali para kunyari telepono, ngaun kinder pa lng may cellphone na! kainis! Pati sa sayaw, nawala na ang tinikling, pandanggo sa ilaw etc etc, at napalitan na ng hip-hop, kita nyo nman tayo pa ang nag-champion nyan sa buong mundo. Dati ayos na sa mga bata ang paglalaro sa paligid ng mga sinusunog na tuyong dahon ng mga magulang nila pero ngayon marijuana na ang tinitira nila! lupet!

Ayos lang nman na mag-adopt tayo ng kultura ng ibang bansa at planeta pero sana wag malimutan at mabura ang sarili nating kultura! i thank you! g3


13 Comments for 'Who is the Filipino?'

  1.  
    October 29, 2008 | 4:53 am
     

    yey! may bagong update si jemme! haha :D

    ang ganda ng entry na to.. :D makabayan na makabayan :D

  2.  
    October 29, 2008 | 7:44 am
     

    Late na ang post na ito para sa Linggo ng Wika. Hahaha. Pero ayus! More posts pa, para masaya. :D

  3.  
    October 29, 2008 | 9:26 am
     

    Sino si Kuwan?

  4.  
    October 29, 2008 | 9:44 am
     

    Galing ng post na ito!! I like it!! will spread this one!!

    gusto ko yung third paragraph ng unang sagot :)

  5.  
    makoi
    October 29, 2008 | 7:01 pm
     

    jemme namiss q blog mo..tagal mo ng di naguupdate ah..

  6.  
    jemme
    October 30, 2008 | 10:13 am
     

    hayyyysss… kung alam nyo lang tindi ng adjustment ng katawan at mata ko sa work coz of new project… tlagang 2log na lng ang pahinga ko aside sa kain, ligo, weewee at pupu… eeww!! hehehe… khit ask mo pa boss ko jehzeel… kilala mo nman xa di ba? g3

  7.  
    tin
    October 30, 2008 | 2:05 pm
     

    jemme.. nu bang work mu?

  8.  
    ish
    October 31, 2008 | 2:46 am
     

    tama! i thank you. hehehehe.
    kalma lang sa trabaho, baka yumaman ka masyado. :D

  9.  
    jemme
    November 4, 2008 | 8:30 am
     

    @tin - work ko? isang matinding paggamit ng pag-isip pero kung tutuusing simple lang talaga, pinapa komplikado lng ng mga tao sa paligid. kung tutuusin ang kelangan lng talaga e 10% analization & 90% common sense… haysss…

  10.  
    tin
    November 5, 2008 | 6:05 pm
     

    @jemme.. so programmer ka? bkit ndi mu cnagot un question q ng diretso.. mas kinumplikado mu pa.. wahahhaha :p :p :p

  11.  
    November 10, 2008 | 2:46 am
     

    @tin - alam ko ang work ni jemme.. hehehe.. pero hindi sya programmer… mas matindi pa sa programmer g10

  12.  
    makoi
    November 10, 2008 | 7:32 am
     

    hacker ba? hehehe

  13.  
    tin
    November 10, 2008 | 5:28 pm
     

    @jehzeel - sbi kc ni jemme, matinding paggamit ng pag-iisip pro simple lang… hmmm.. Math teacher b sya? hahhaha… mas mtindi un s programmer kc nakasalalay sknya ang future ng mga student.. wahahha. kaasar kaung dalawa.. sgutin nyo n kc.. halata nmn naiintriga aq. ;p :p :p


Leave a comment

(required)

(required)



RSS feed for comments on this post | TrackBack URI

 
hit counter