

Isinilang ilang taon bago maisipan ng mga pilipino na niloloko na pala sila ni Marcos.
Nakaranas maglaro ng taguan, syato, tumbang-preso, sipa, text
{ogag! ndi text sa celfon–ndi pa yan uso noon}, bahay-bahayan
{madalas ako ang baby pra lagi nakahiga–tamad!}, manghuli ng isda sa sapa, magpalipad ng saranggola sa bukid
sa gitna ng tirik na araw {no wonder, kumikinang ang kaitiman ko nung bata ako}, at marami pang larong pinoy sabi nga ng Johnson’s Baby Powder.
Hindi nakaranas dumaan sa kindergarten dahil hindi pa uso yan nung kabataan ko g3. Pumasok bilang grade 1 sa edad na 6 sa isang mababang paaralan sa probinsya na ilang hakbang lang ang layo sa Maynila kaya laging nalilito kung kasali ba ang school namin pag ina-annouce sa radyo na walang pasok sa NCR dahil sa bagyo.
Pero dahil abot-tanaw lang nman ang Metro Manila ay hindi na rin ako napasok kahit na halos isampal na sa akin ng sangkalangitan ang sikat na sikat na haring-araw.
Twice naging class president,
once naging vice president
at twice naging auditor
pero kung tutuusin tuwing may gaganaping botohan para sa class officer ay inaabot ako ng ilang oras sa harap ng salamin para magpapogi dahil ang gusto ko talaga ay maging class escort pero mukhang iba ang pananaw ng mga naging kaeskwela ko sa salitang gwapo dahil kahit minsan hindi nila ako naisipang i-nominate bilang escort –ndi pa kasi masyadong full-blown ang pagiging makapal ng mukha ko that time kaya hindi ko magawang i-nominate ang sarili ko.
Isa sa mga nakaramdam ng malakas na lindol noong July 16, 1991 habang nagpapower-trip sa mga bulate sa likod ng school.
Hindi ko alam an lumilindol na pala. Akala ko umuuga ung paligid dahil lumalaki ung bulate na pinagtitripan ko para maghiganti sa kin tulad ng mga napapanood ko sa cartoons sa tv naming black & white. Naghighschool sa 2 mababang paaralan. Paano at baket? Secret! naka chamba ako at pumasa sa DOST scholarship examinations!
Isa sa mga mapapalad na nakatsambang pumasa sa entrance exam sa UP Diliman.. wow astig! Pero 1 sem lng ako sa UP dahil hindi kinaya ng murang kaisipan ko ang takbo ng buhay sa UP kaya lumipat sa isa pang state university.
Nakapagtrabaho sa tindahan, factory, department store, office at recruitment agency.
Minsan na rin naging macho dancer at callboy (sa panaginip
). Nalibot na ang buong Metro Manila. Nakarating na rin sa Bulacan, Tarlac, Pampanga, Pangasinan, Baguio, La Union, Laoag, Tuguegarao, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte at Sur, Laguna, Batangas, Cavite, Naga, Camarines Sur, Legazpi, Sorsogon, Masbate, Ilo-ilo, Cebu, Bohol, Dumagueto, Davao, Palawan, Boracay, Puerto Gallera, Puerto Princesa, Cotabato, etc etc etc… Nakatapak na rin sa HongKong, Malaysia, Thailand at Bahrain.
Nakaranas ng sumakay sa bisikleta, pedicab, motorsiklo, tricycle, jeep, bus, fx, lrt, mrt, bangkang di-katig at habal-habal.
Lumipad na rin sakay ng Asian Spirit, Air Philippines, Philippine Airlines, Cebu Pacific, Cathay Pacific, Air Asia, Gulf Air at helicopter g1.
Nakaranas ng: maholdap
maipit ng gulong ang paa
maglinis ng cr
mawalan ng tsinelas ng ndi mabilang na beses
makakuha ng bagsak na grade nung studyante pa
mabasted
makatanggap ng sermon sa work
mapaluhod sa asin
Sa kasalukuyan ay isang Hiphop Dancer sa gabi at sa umaga nman ay isang kagalang-galang na Customer Service Head/Team Manager sa isang call center (wag nyo na itanong ang pangalan ng company dahil ndi ko sasabihin) g1. Halos buong araw akong nakaharap sa computer at nag momonitor ng mga newbie agents at yung mga matatagal na rin na call center agents na nasa team ko. Mahilig akong manood ng cine sa Glorietta, Greenbelt, Gateway Mall, Mall of Asia, Shangrila, at sa halos lahat ng Mall dito sa Metro Manila!
Madalas akong sumakay ng LRT at FX (pag may nakasakay kayong natutulog sa fx na tulo laway… ako yun!
) Mahilig din akong tumambay sa Starbucks (tambay lng, ndi ako nabili! ano adik?! ang mahal kaya ng kape dun
)
Kung makakasalubong mo ko at may magsasabi sa’yong “s’ya c jemme!” 99.95 percent cguradong ndi ka maniniwala. Mapapawika ka lang na “Imposible!! Xa ba tlaga yan? Parang artista eh!” (o cge, umangal kayo kung gusto nyong masaktan!
) Serious-looking daw kc ako, mukhang suplado, hindi mo maiimagine na magagawa kong magsulat ng nga kalokohan gaya nito… Pang matinee-idol ba? Pero front lang un…
Frustration ko ang maging isang singer. Gustong-gusto kong magGYM pero tamad ako kaya hanggang gusto lng ang nagagawa ko. Plano kong maging isang Astronaut at makarating sa … GERMANY?! bwahehehe!
Gusto ko rin magtayo ng foundation para makatulong sa mga walang load. Tatawagin ko tong Pasa-Load Foundation!
Marami pa kong gustong gawin pero masyadong limitado ang mundong ginagalawan ng isang artistahing tulad ko..
umangal panget! 