Bakit may 3rd eye?

Meta: September 12th 2008 // Tanong at Sagot

Tanong: bakit my 3rd eye?

From: cris

Sagot: sabi nga ni ate shawee sa isang commercial… kung may 1st, merong 2nd at meron ding 3rd hehehe…

actually, lahat ng tao may 3rd eye. ung iba nga lang mas active or sabi nga nila, mas malinaw. siguro mahilig silang kumain ng kalabasa kaya pati ung 3rd eye nila e 20/20 ang vision. g6
ang isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit tayo may 3rd eye e upang maging aware tayo na hindi lang mga nakikita ng pangkaraniwang mata ang nandirito sa lupa, para maging aware din tayo sa kanilang existence. isa rin itong paraan para mas lumaki ang paniniwala na may kaluluwa talaga ang tao. g10

sabi nila gift daw ang pagkakaroon ng bukas na 3rd eye pero para sa kin, no thank you! yoko nga makakita ng mga kaluluwa! sa kwentuhan pa nga lang halos himatayin na ko sa takot kapag gumana na ang imaginations ko, un pa kayang may makita akong lumulutang na babae or may nakatingin sa kin sa dilim?

pero sa kamalasan, hindi man ako binigyan ng “biyaya” na makakita ng mga kaluluwa or whatever, malakas naman ang pangdama ko sa mga ganung kakaibang nilalang. nararamdaman ko kapag may umaaligid sa lugar na kinatatayuan ko. madalas akong mabiktima nyan sa office namin dati, kala ko lagi may tao sa likod ko pero pag lumilingon ako, wala naman. nung una, napapraning talaga ko sa takot pero nakasanayan ko na rin at madalas ko na lang na binibiro na “kapag nahuli kita at nalaman kung babae ka! malalagay ka sa tabloid na ‘multo ginahasa’!” g9

advice ko lang sa meron nito, mag-ingat na lang kayo sa mga pagsasabihan nyo na may nakita kayong hindi pangkaraniwan kasi meron akong naexperience na yung isang officemate ko na nakakakita ng mga ganyang hindi pangkaraniwan e may nakita sa office namin. ang magaling na bata, sinabi sa isang tao na akala n’ya pwedeng pagkatiwalaan (akala ko din dati!) kaya ayun, sinabi nya na may nakita nga syang lalaki na nakaputi na pumasok sa kwarto. ang magaling na pinagsabihan ng nakita, ikinalat ang kwento kaya yung iba nag over-acting. hanggang umabot sa may-ari na isa pang hindi naniniwala sa mga ganung kwento kaya tinanggal ang kawawang bata na tatlo ang mata! sayang kasi gustung-gusto ko pa naman yung lagi nyang binabaon na marsmallow (ung malalaki talaga!).. hehehe… sa marsmallow talaga ko nanghihinayang e! hindi kasi nya nasabi kung san nya binibili un bago sya nasibak! g3

Postscript: Leave A Comment // Subscribe (RSS Feed)

The Next Post:
The Previous Post:

2 trackbacks/pingbacks

  1. Trackback: bars in minnesota that play nltexasholdem on this night on October 25, 2008
  2. Trackback: buy liquidation gucci 1400 watches online on October 30, 2008

Comments About Bakit may 3rd eye?

// 25 comments so far.

  1. mikah // September 13th 2008

    masama palang magkwento basta-basta ng tungkol sa multo,,, baka matanggal din ako sa trabaho… hehe g2

  2. ish // September 13th 2008

    hindi naman totoo ang multo.
    hindi lang ako naniniwala sa “other elements” na iyon. :)

    kawawa naman yung natanggal sa trabaho. tsk…
    at sayang nga marshmallow. haha.

  3. Jehzeel Laurente // September 13th 2008

    “siguro mahilig silang kumain ng kalabasa kaya pati ung 3rd eye nila e 20/20 ang vision.” – cge jemme.. dahil dito.. kakain na ako ng kalabasa araw araw! hahahaha g6

  4. webslave // September 13th 2008

    huuuuwaaaaaaaaatt?! uu nga nman, meron talaga ganyan.. ate at papa ko nakakita na ng white lady… tapos ako din sa office dati around 11pm, ung fax machine biglang mai nag press ng mga keys, e ako lng nman isa sa office nun… tapos 3rd floor pa..waaaaaaaaa… takot tlaga ako nun.. wala nman ako 3rd eye na active.. bt imaginations ko grabe din..waaaaaaa.. siguro dahil na rin malakas ako kumain ng kalabasa dati.. lolx.. pero ngayun nka salamin na ako..

    xoxoxo,

  5. Jehzeel Laurente // September 13th 2008

    @webslave – katakot naman nyan.. hahahaha g10

  6. ish // September 13th 2008

    i see dead people.
    hahahaha! kumain kasi ako ng kalabasa.
    *joke lang.

  7. Winston // September 13th 2008

    san ba nakalagay ang 3rd eye? may 3rd ear din ba kuya jemme? g23 g25

  8. tin // September 14th 2008

    g16 ahhhh.. nice answer!

  9. tin // September 14th 2008

    hala.. natuwa naman ako sa smileys!!! g6 g8

  10. jemme // September 16th 2008

    @webslave – ano kaya pagsama-samahin natin lahat ng scary stories na naexperience natin, siguro tataubin natin ung mga horror magazines & komiks sa market no!! hehehe…

    dami ko kayang scary experience na minsan parang gusto ko ng isipin na baka ako na pala ung mumu at sila ung nasa real world… weird!! g3

  11. Daniel // September 16th 2008

    wahhhh kakatakot talaga may 3rd eye. . i dont know kung meron ako mayroon kasi kapatid ko at tatay ko. .pero i have experience na nangyari last year. .ang wierd pa ng mumu na nakita ko mag nenewyear pa sila nagpakita grabehh….. takot na takot ako. . pero wala sa isip ko ang matakot nun panahon na un ang corny nga ng mumu na yun tinakot pa ako. . naalala ko inaasar ko pa yung kachoir ko habang naglalakad kami tawa ako ng tawa. .ng bigla akong mapatingin sa bintana ng isang unit ng bahay dito sa subdivision namin. .nagtaka kasi sa may bintana parang may mahabang kurtina na hinahangin. .dun nakafocus ang mata ko.. ng habang naglalakad natanaw ko bigla yung pinto sa likod bahay waahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh parang may lumabas na kung ano sa katawan ko tumayo ata buhok sa ulo ko. .na parang binuhusan ako ng malamig na tubig..i cant explain it hehe. .may lalaki na nakatayo nakasideview parang naagnas yung mukha nya tapos nakatingin sa langit tpos sa langit may liwanag pababa sa kanya. .buti nga di nakatingin sa akin eh naku e1 ko nalang hehe alam niyo gnwa ko napablis ako ng lakad. . kung tawa ako ng tawa sa kachoir ko nung una napalitan ng takot hehe. .ayun ako pnagtawanan ng kchoir ko pero grabeh pagkadating namin sa puntahan namin takang taka mga iba naming kachoir. .putlang putla daw ako… hehe weirrrdd talaga kakatakot… simula nun di na ako ulti dumaan dun sa hauz na yun. .mga 4 house lang ang layo sa bahay namin. .ehehe napahaba nagkwento pa kasi. .

  12. Daniel // September 16th 2008

    pag exchange links pala jemme thanks! ;)

  13. xOxörainΣxOxö // September 30th 2008

    wihh.. ktkot!haha.. but be brave!

    alwaYs remember! MATAKOT KA SA BUHAY!!!..

  14. kronik // October 02nd 2008

    kuya jemme, makakita ka ba pati aswang pag may 3rd eye ka?

  15. jemme // October 13th 2008

    @kronik – may aswang ba? mukhang aswang madaming nagkalat sa paligid! kahit isa lang mata mo, makikita mo sila! lol

  16. kaireen from somewhere out there:) // October 13th 2008

    g8

  17. rose ann SHE Girl // October 24th 2008

    gz2 qng mag karon ng 3rd eye para nk2kta me ng mul2 pro alm qng mt2kot din ako s umpisa,,,,,,,,, ung clazm8 nga ng kua q, my 3rd eye, !st year highschool p lng d2 s bul. colegio de san gabriel arcangel

  18. Lolen // November 28th 2008

    =) Walang mumu…

  19. Kira // January 06th 2009

    akala nyo ganun ganun lang yun.. subukan nyo buksan ang 3rd eye nyo ma kikita nyo ang tunay na mundo..

  20. mnemosyne // April 26th 2009

    ayon sa medical na pagmamahayag.. maxadong active ang PINEAL GLAND natin sa utak na nagbibigay sa atin ng 6th sense.. kabilang na ang 3rd eye..

  21. bhong // June 15th 2009

    pano ba sasaraduhan ang 3rd eye,hirap n hirap n ako ayaw kna makakita ng mga hndi kyang makita ng mga ordinaryong tao,sna matulongan nyo ako

  22. bhong // June 15th 2009

    pano sasarhan ang 3rd eye,pls help me

  23. jayat // September 10th 2009

    panu po ba buksan ang third eye?

  24. hapi // January 06th 2010

    me too i want to know how.. i want to experience it.. kung nkakatakot man so be it.. wala na akong magagawa.. thats life.. and i want to enjoy the wonders of life.. hindi magiging kumpleto ang existense ko sa mundong ito kong hindi ko mararanasan to..

  25. Aiyah // December 14th 2010

    O_o waaaahhh!
    kalabasa pala ang solusyon!hahahaha…
    kakatakot nman magkaroon ng third eye…
    ,,,pero ask ko lng,
    what if nakakita ka naman ng “double-ganger”(tama ba spelling nun?!ah basta un na yun..) ng close relative mo??
    sign ba un??-_-

    paadvice nman po pls…& ty!
    >cge po, magrereview na aq…exam nmin tom…
    (pray for me!!)
    *naligaw lng aq sa thread na ito while researching *

Anong Pangalan Mo?

Ano ang Sulatnikong Adres Mo?

Ano ang Sapot na Tahanan mo?

You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.

My partner internetgucci shoes where I are able obtain it. gucci handbagsPlease mate!c providing gucci sneakersa qu just read through thegucci bags ent blogroll. gucci outletThis some latest post.gucci sunglasses\u000aAll Newest Styles for 2012Tory Burch on sale\u000a. Save on fine cheap tory burch shoes Tory Burch Handbags here. Up to 74% OFF with Free Shipping Worldwide! Now enjoy Extra 2% OFF on orders above $130 with code RF6281\u000a. If you have wide feet, Tory Burch flatkindly please run 1 size tory burch outlet up!\u000aWelcome to Cheap Sunglasses Outlet ! We provide a great many sunglasses, such as Oakley sunglasses, Rayban sunglasses,Gucci sunglasses, Chanel sunglasses, Versace sunglasses, Coach sunglasses, Dior sunglasses, Armani sunglasses... Thank you for visiting our Sunglasses For Women a to most country!Bikini SwimsuitTha your post. cheap swimwearGreat this greatstring bikini, style are wonderfulEd Hardy Bikini. post. billabong swimwearFantastic attitude! lfnehthibmkhaprkacsjgq\u000ajuicy swimwear lejdkfjjedg Awesome postralph lauren swimwear.I totally agree, cheap handbagsbut the poi fantastic. gucci handbagsThat up on this subject. chanel handbagsAfte he majority.\u000aWell written Louis Vitton HandBagscontent like this today is far too rare, Jimmy Choo HandBagsand thank you for putting in time and effort into your wonderful websitePrada HandBags.the best pizza of the world MIU MIU HandBags