Hayyysss… Patapos na ang summer! Binagyo na nga tayo di ba? I thought hindi na ko makakapunta sa beach bago i-ban ng Bagyo Homeowners Association ang pagtampisaw sa karagatan. Waaa… Hindi complete ang summer pag hindi ako nakainom ng tubig dagat at magsunog ng balat sa araw… {kainis!!! ang hirap magtype ng proper words and casing ang gamit.
hindi talaga ko sanay! promise!!
Anyway, share ko sa inyo ang nakakapraning na last minute summer outing ko -take note! “KO” meaning solo eto! walang ibang cast kundi ako at ang naliligaw kong kaluluwa!!
ay hindi! may mga extra pala pero hindi ko sila kilala!!! Another way ko na rin to para palusot kung bakit matagal ulit ako nagpost.. hehehe…
yoko na gumamit ng proper casing!!! duduguin tlaga ko pag pinilit ko pa!!! nosebleed tlaga!
every summer, i always make sure na makakapunta ako sa beach or dagat pra makapagswimming or khit ilog na lng kung tlagang desperado na ko sa oras at “budget” hehehe… basta ndi ako kontento sa pool lng!! gusto ko ung natural! ung may lupa sa ilalim!
nwei, since busy-busyhan tlaga ko sa work bigla ko naisip last may 9 {friday} na magpunta sa dulo ng luzon bandang south… SORSOGON!!!
nag-empake ng ilang damit at nagpaalam sa bahay na makikifiesta lng sa malapit na province. sa work ndi ako nagpaalam! wla ni ha ni ho basta absent ako! un na!
pumunta sa philtranco terminal sa pasay baon ay kagustuhang magswimming, konting pera at lakas ng loob
{sna pwede convert sa pera ang lakas ng loob! ang yaman ko na siguro!!!
}
boss, anong byahe sasakyan ko papuntang sorsogon?
sakay ka ng byaheng BULAN sir, tamang tama paalis na ung 2nd trip. sabi nung nsa counter!
ayos!! ndi na ko maghihintay ng matagal!!
magkano?
395 lng sir..
naks!!! mura lng pala!! mahaba-haba ang aabutin ng budget ko nito!! pagkabayad, punta na ko sa departure area ng mga bus {hanep! prang airport ang dating}
boss, san ung bus na papuntang BULAN bus # 2516
andun sir sa unahan, paalis na yun in 5 minutes…
waaaa… takbo jemme!!! maiiwan ka na pala!! sayang ang outing get-up ko pag nagkataon!
pagdating sa unahan… what?!!! ordinary bus???!!!
kaya pala mura!!
mapapamura ka tlaga!! putek!! ndi sa nag-iinarte ako pero kc wla pa kong tulog at plano kong matulog sa byahe! isa pa! sa haba ng byaheng mahangin, mausok at maalikabok… mukha na kong taong gubat pagdating sa SORSOGON!!! pero no choice! andun na eh!! talo-talo na to!!
well, ok nman ang byahe.. over lng tlaga magreact ang utak ko minsan!
nakatulog nman ako pero nagigising ako every 5 minutes kasi ung nkapwesto sa upuan sa harap ko prang may mga megaphone sa ngalangala kung mag-usap!! at feeling ko nasa loob ng bus ang tambutso ng sasakyan at worst nsa tabi ko pa kc ung matandang lalake sa tabi ko dinaig pa ang kapre na hitit buga sa yosi… prang adik lng na nagjajamming sa sariling kwarto!!
nwei, nakabawi nman ang magandang views na nadadaan namin… kaya lng matagtag tlaga!!
nadaanan namin ang batangas, lucena, quezon, naga, camarines, albay and after 12 long hours na byahe… sa wakas nabasa ko na rin ang
W E L C O M E
SORSOGON PROVINCE
waaa… sa wkas nakarating din!! manhid na manhid ang pwet ko! anak ng putek bigla ko naisip na bka ndi na ko marunong maglakad pagbaba ko sa bus… {ndi kc ko nababa sa mga stop-over.. natutulog ako! un lng ang time na ndi matagtag ang bus kc nakahinto sya!!}
eto na… 11PM… probinsya… wla akong kakilala, wla akong idea san ako pupunta, wla akong idea kung san ako titigil!! nagugutom pa ko!!! nice summer!! eto ang totoong OUTING!!! pero relax pa rin ako, kunyari ndi ako nawawala, kunyari pamilyar ako sa lugar. naalala ko kc sabi ng lolo ko na kapag naliligaw ka, kelangan hindi obvious lalo na pag nsa malayong lugar na at iba na ang dialect pra ndi ka lokohin,
kelangan paganahin ang utak jemme kung ayaw mong madampot ng mga NPA!!!
narinig ko kc sa bus na maraming NPA sa bicol, swerte na lng daw at ndi kmi hinarang sa daan {excerpt from sa dalawang babae na may megaphone sa ngalangala}
opps teka prang marami ang papunta sa banda ron ah… makasunod nga! prang namamasyal lng… prang kunyari last week lng e galing ako sa lugar na un at lahat ng tao dun e kaberks ko!!
uuuyyyy… teka haba na ng nilalakad ahh… san nman kaya ang punta ng mga to? nagugutom na tlaga ko!!!
after 20 minutes na lakad prang lumalakas ang hangin!!! wow!!!! may dagat!!! beach ba to?!! pra akong tanga na bigla na lng nagtatakbo papunta sa dagat!!! anak ng putek! nalimutan ko na dapat relax lng!!! nang malapit na ko, putek ulet!!! ndi pala beach!!! pantalan pala!! {pantalan-maliit na pier} waaa… san nman kaya papunta ung mga bangkang di-katig na un… balik na nman ako sa pagppretend na relax lng ako at alam ko ang lugar!!! may sumisigaw!!!
DIMASALANG! DIMASALANG!! malarga na! {malarga-aalis na}
san nman kaya ung DIMASALANG?! sana dimasalang sa manila un… pero asa pa ko!!! prang nanghihina na ko sa gutom at kaba!! kelangan magdecide!! sasakay sa bangka o magpapalipas ng gabi sa pantalan… LORD…. GIVE ME A SIGN!!!
paglingon ko sa kaliwa… waaa!!! may mga kainan! ibig sabihin wag muna ko sumakay sa bangka!!! thanks sa sign LORD!!
literal na LAMON ang ginawa ko… sabay konting usi {usyoso} sa mga nag-uusap sa paligid. after LUMAMON pahinga ng konti at chika sa mga katabi..
may alam po ba kaung malapit na resort dito?
ay wla. puro palaisdaan dito. bago ka lng ba dito?
hindi po! tagarito parents ko. pero ndi ako dito lumaki kaya ndi ako pamilyar sa lugar {mahina lng boses ko nyan.. bka kc may ibang makarinig at sigawan akong SINUNGALING!!!
}
e may mga pwede po bang matuluyan dito?
naku wala iho. kc dulo na ng sorsogon to. sana dun sa proper ka humanap. pero wla ng byahe ngaun papunta dun.
e un pung mga bus na galing ng manila, ndi po ba bumabalik agad.
sa umaga pa un. mga 5 pa.
{nay! prang sinabi nyang nsa dead-end na ko! ang choices ko na lng e tumunganga magdamag sa pantalan o sumakay sa bangka}
manang, san po papunta ung bangka?
sa dimasalang
san po un?
sa masbate
ilang minuto ang byahe?
2 oras… {2 oras???!!!!}
magkano po pamasahe?
200…
{mmmm… sounds exciting! prang gusto kong subukan! }
anong oras po ung susunod na byahe?
mayang mga bandang ala-una.
{12:30 pa lng.. intay pa kami ng 30 minutes}
12:35
12:40
12:45
o DIMASALANG! DIMASALANG!!
ting ting ting {prang bell sa boxing! fight!}
naglalakad ng lutang ang isip, nagdarasal ng tahimik… nagbayad ng 200… pumwesto sa bangka na prang sanay na pero nanginginig ang tuhod ko! buti may alalay pagtawid papuntang bangka kundi bka nagdive na ko!!!
naku nman! ang lakas ng alon! maalog ang bangka!!! ung bata sa tapat ko prang wala lng sa kanya, kumakanta pa! prang nakakaloko! tinitigan ko nga ng masama! natakot ata kc biglang yumakap sa nanay nya… eto na.. paalis na ang bangka! waaa… ang lakas tlaga ng alon!! maalog ang bangka! katapusan ko na ba??!!! buong byahe ay nakaharap ako sa dagat at nakayuko.. akala mo nag-e-enjoy ako?!! hindi!!! nagsusuka ako!!! lahat ng NILAMON ko, inilalabas ko ngaun!!! prang pati lamang-loob ko nailabas ko sa karagatan ng sorsogon… pagdating sa DIMASALANG, maalon pa rin pero atleast safe na kami.
nakakahiya?
SOBRA!!!!!
naisip ko na ngang tumalon na lng sa gitna ng karagatan at magpakain sa mga pating! ndi ko alam kung pano ako haharap sa mga tao sa paligid ko!
pero naisip, ko ndi nman sapat ang kahihiyan na un para tapusin ang buhay ko! sayang nman ung experience!! kaya buong katapangan akong humarap at astang baba na prang walang nangyari!!! ang sumalubong sa kin ay 16 na pares ng mata na prang nagtatanong na {sang planeta ka ba galing?} kasali ang batang tinitigan ko ng masama!! nakakahiya tlaga!!!!
pagdating sa dimasalang may mga jeep na naghihintay… papunta daw sa pinaka syudad ng masbate un. sumakay agad ako kc prang wla na kong lakas na tumayo…
pagsakay ko pinikit ko na lng ang mata ko at pinilit matulog. bka sakaling paggising ko e nsa bahay na ko at panaginip lng pala ang lahat. maya-maya may kumalabit sa kin {nanay ko na kaya un} hindi?!!! ung isang pasahero!
“manong, may sasakay pa pong babae.. sa bubong na lng po kayo pumwesto.”
what??!!! bubong!!! ano ba?? pinarurusahan ba nila ko? ndi na nga ko makagulapay e!!!
buti na lng may sumagip na matandang babae sa kin in their dialect na prang cnasabi na
“hayaan mo na sya dyan… nanghihina pa yan kc sumuka yan buong byahe namin sa dagat”
ndi ko alam kung matutuwa ako o maiinis..
matutuwa kc ndi ako uupo sa bubong
maiinis kc pinaalala pa ang kahihiyang dinanas ko sa bangka!!
pagdating sa pinaka sentro ng MASBATE, nagpahatid ako sa airport, bumili ng ticket pa-manila. nakauwi sa bahay, nagkulong sa kwarto ng 24 hours. pinilit kalimutan ang mga nangyari at nagpaplano na for the next summer outing KO!!!
eto na yata ang BEST SUMMER OF MY LIFE!!!!
putek!!!!
The Next Post: Pano mabi-view ng marami ang site?
The Previous Post: Paano Malalaman Pag Virgin pa ang Babae?

Comments About Kakaibang Summer ni Jemme
// 12 comments so far.
Jehzeel Laurente // May 30th 2008
hahahahaha! nyok!! astig ang summer experience mo jemme ah! sa bubong ka sana uupo kung nagkataon.. pasalamat ka :D hahahaha!
Murlac // May 30th 2008
Dannel // May 30th 2008
abah mahaba 2 ah.. bumabawi si jemme ^_^
ria // May 31st 2008
astig ang summer mo jemme! hahaha
makoi // May 31st 2008
ibig sbihin hindi kau nkpgswimming man lng..so isang mhabang trip lng ang ngyari..hehehe
ALA // June 02nd 2008
Yehey! Bakasyon Grande naman tong isang to.. Sama kita minsan sa amin, sa pig islands.
Wehehehe. Sana sinama mo ko jemme, di sana me baboi kang dala pang-kalakal. Wee…
OINK OINK. hehehe..
len // June 02nd 2008
he he he he :p
jemme // June 09th 2008
hayyysss… ang init nman! prang gusto ko ulet mg-outing… nyehehehe…/
rich // June 17th 2008
jho // June 21st 2008
hahaha… =’D nice.. ulitin mo uli para masaya.. next time sa mindanao naman..wahehe!
peace! =’p
andie // September 10th 2008
kuya, dapat, next time, nagpaplano, jejeje, pero saya! gusto kitang tularan! Mag-iipon ako next summer, yahu!!!
Jehzeel Laurente // September 10th 2008
@andie – idol mo talaga si jemme binrowse mo pa yung old posts ha
hehe
You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.