May problema na?

Meta: October 30th 2008 // Tanong at Sagot

From: Seven

Tanong: Kua Bakit Ang Tao Pag Pinanganak May Problema Na…???

Sagot: Huh?! Adik ka ba? Pano mo nman nasabing may problema na agad tayo pagkapanganak sa tin? imbento ka rin no!! wala ka pa ngang kamuwang-muwang sa mundo, magkakaproblema ka na agad?! baka ung magulang mo ang nagkaproblema nung ipinanganak ka kasi parang hindi ka tao nung inilabas ka sa earth. hehehe… peace.. joke lng!

Pero ang alam ko kung ipapanganak ka bilang pilipino, pagkapanganak pa lang sayo, may utang ka na! d’yan sa bagay na yan, sigurado ako! Inutang ng gobyerno para daw sa mga pilipino pero sila ang nakinabang. hay… nagiging bitterness lng ako pag pumapasok ang gobyerno sa usapan! g8

Kung iniisip mo na kaya may problema ang bagong luwal na sanggol dahil umiiyak s’ya paglabas pa lng, malamang iiyak tlaga yun! ikaw kaya palusutin ko dun sa dinadaan ng mga sanggol tapos papaluin ka pa ng kumadrona or midwife sa pwet kasi ikaw na bata ka, kung san san ka nagsususuot! kita mo yan! ang dungis dungis mo na! bata pa lng pasaway na! g3

Postscript: Leave A Comment // Subscribe (RSS Feed)

The Next Post: Pano ako makakatulong?
The Previous Post: Who is the Filipino?

Comments About May problema na?

// 9 comments so far.

  1. tin // October 30th 2008

    nice answer! g1 haaayy, sarap maging baby ulit… hahaha..

  2. ish // October 31st 2008

    yon ang problema, kapag pinalo ng kumadrona o midwife yung baby ‘pag labas niya. kasi sabi ng titser ko ayon sa mga pag-aaral iyong bata na na “palo” ay lumalaking saddista or *nakalimutan ko yung isa* o kaya bitter sa gobyerno. :D haha.

  3. Jehzeel Laurente // October 31st 2008

    hahahaha! nice one!

  4. Eligio // October 31st 2008

    tama nga naman, magulang lang namoblema lalo na sa pagluwal. ikaw ngingii ngitit lang or iiyak lang. hehee

  5. Seven // November 01st 2008

    HAhahahahahhh TY sa sagot Kuya ^_^

  6. jemme // November 04th 2008

    so malamang hindi lang ako basta pinalo ng kumadrona, bka nilatigo pa ko kasi sobrang bitterness ako sa gobyerno! g3 yan ba gusto mong ipahiwatig ish? hehehe

  7. QuestionMike // November 05th 2008

    yung pamangkin ko hindi umiyak nang lumabas, pero nakasimangot! Siguro iniisip nya kung may pambayad ang tatay nya sa ospital. Hehehe

  8. ish // November 08th 2008

    @ jemme – hahahaha! ikaw nagsabi niyan. :D

  9. hamir // August 17th 2009

    hehehe. ayos, been following this site, pero now lang ako mag ko-comment.hehehe. i like the unforgetable moment mo pareng jemme.

Anong Pangalan Mo?

Ano ang Sulatnikong Adres Mo?

Ano ang Sapot na Tahanan mo?

You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.