May tanong bang hindi dapat sagutin?

Meta: July 03rd 2008 // Tanong at Sagot

From: JEMME

Tanong: May mga katanungan bang itinatanong sa’yo na hindi na dapat sagutin?

Sagot: naku!! napakarami!!! mga tipong makapagtanong lng. eto ang ilan sa kanila:

From: Rodevel

Tanong: kabuuang populasyon ng pilipinas????

Sagot: naku nma!! basta makapagtanong lng talaga ha… excuse me? hindi po eto ang official website ng NSO! helleeer!! pwede rin po gamitin ang google.com g2

From: EAV

Tanong:Â follow-up lang po sa tanong ni (From: Michie) WHY DOES THE SUN GO ON SHINING?

Sagot: hayy… malamang hindi n’ya naintindihan ung sagot ko kay Michie kc kung nagets n’ya yun, hindi sya magtatanong ng ganito… sana sinabi na lng nya na: kuya hindi ko po magets ung sagot mo kasi napakasimple lng eh, wla ka ba dyan ung pang genius level na explanation para makasabay naman ang katalinuhan ko? kung ganyan ang nilagay nya malamang pwede pa! kakasingkit ng mata! buti hindi natitinag ang bangs ko sa’yo! g3

From: marimar a saberola

Tanong: pang ilan  ang bansang pilipinas sa bilang ng populasyon

Sagot:Â isa pa tong bata na to.. maghintay ba ng matagal na masagot ko sya? e madali ng makita sa google to eh! kamusta nman ang searching ability? pero para hindi ka na maghirap… 12th spot po tayo! be proud! ang dami natin masyado! marimar… aw!! g6

From: Clarisse

Tanong:Â ilan po ang eksaktong populasyon ng Pilipinas

Sagot: isa pa to.. adik ka ba? hindi mo makukuha ang EKSAKTONG populasyon ng Pilipinas at ng kahit anong bansa dahil bawat minuto ay maraming ipinapanganak at namamatay! pahirapan ba ang sarili? g7

marami pa! sobrang dami!! as in umuulan ng tanong na hindi ko alam kung alam ba nilang nag-e-exist ang google at iba pang site nag-o-offer ng seaching features. g11

isa lng napansin ko, karamihan sa kanila related sa populasyon ng pilipinas!!! naisip ko lng, may hinahabol ba tayong target na populasyon ng bansa natin at panay ang tanong nyo bout that? gusto nyo bang manguna tayo sa bagay na yan? buko juice nman! maawa na kayo sa bayan natin kung yan ang hinahabol nyo ha? g3

hindi sa nagrereklamo or nang-aaway ako. masaya nga ko kasi ang daming nagtatanong. sobrang saya na halos malunod na ko sa dami ng tanong. pero may mga tanong talaga akong nilalampasan at malalampasan pa, hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot kundi dahil minsan related na lang sila sa mga naunang tanong na kung kakain lang ng ampalaya at malunggay ay malalaman mo na ang sagot sa gusto mong itanong. mas gusto ko pa ngang sagutin yung mga tanong na mahirap at talagang hindi ko din alam ang sagot kasi napipilitan akong magresearch at the same time may nadadagdag na naman sa kautakan ko at kung talagang hindi ko alam, sinasabi ko ang katotohanan na hindi ko talaga alam ang sagot at gumagawa na lang ako ng ibang kwento para mapahaba na lang ang usapan. masaya ako pag may mga tanong na hindi ko talaga masagot kasi ibig sabihin may dapat pa akong pag-aralan at malaman. may bakante pang space sa memory card ng ulo ko. hindi ko pa kelangan magreformat ng utak. may karapatan pa akong magbasa. may karapatan pa akong makinig sa ibang tao at may dapat pa akong abangan sa mga susunod na araw ng buhay ko.

sobrang serious na ata! epekto lang siguro ng panahon. umuulan sa labas, malamig at ang sarap magsenti. parang mantika ang funny side ko, natutulog pag malamig ang panahon. ibig sabihin hindi ako pwedeng tumira sa bansa na umuulan ng snow kasi malamang mamatay ako agad dahil hindi na gagana ang pagiging komedyante ko! g4

Postscript: Leave A Comment // Subscribe (RSS Feed)

The Next Post:
The Previous Post:

12 trackbacks/pingbacks

  1. Trackback: homeowners insurance georgia on July 10, 2008
  2. Trackback: spin palace on July 17, 2008
  3. Trackback: missing life insurance policies colorado on July 18, 2008
  4. Trackback: virtualcitycasino on July 19, 2008
  5. Trackback: craps on line on August 29, 2008
  6. Trackback: spel hasardspel on August 31, 2008
  7. Trackback: homeowners insurance rabun on August 31, 2008
  8. Trackback: best home owners insurance on September 8, 2008
  9. Trackback: grand banks casino on September 10, 2008
  10. Trackback: holye casino game software on September 20, 2008
  11. Trackback: confused com home insurance on October 19, 2008
  12. Trackback: bono de poker hills on October 24, 2008

Comments About May tanong bang hindi dapat sagutin?

// 9 comments so far.

  1. Veej // July 04th 2008

    hahahahaha!!!

  2. Eligio Tapiador Jr // July 04th 2008

    hahaha, kulet din ng tanong, pangalwang tanong ko kaya pasado? hahaha

  3. clarice // July 04th 2008

    bentang-benta ulit. natawa ako eh.

    pero sabi ng tatay ko kaya natutulog ang mantika, dahil inaantok din sila.
    inaantok din ba ang sense of humor mo? hehehe.. tulog muna jemme. :)

  4. Jehzeel Laurente // July 04th 2008

    minalas yung iba di tinanggap yung tanong.. hehehe @eli – sana masagot yung tanong mo.. hahaha g1

  5. Jehzeel Laurente // July 04th 2008

    jemme.. panalo ang linyang to: “kakain lang ng ampalaya at malunggay ay malalaman mo na ang sagot sa gusto mong itanong”

    hahahaha g4

  6. jemme // July 05th 2008

    sana walang napikon… ang mapikon ikikis ko sa gums!! g5

  7. antrax // November 17th 2008

    bkt gnun ayw n xken ang mhl kuh

    kla nya kxe meon n aquh iba mhl peo

    pingxexelos kuh lng xa

    kxe blita quh ku meon n xa iba mhl un kme pa

    bkt gnun nkekipg break xa xken @@##$$%

    pg uxapn nmn ayw nmn yan prang

    gs2 nya aquh break na!!

    anuh b dpt gwn kuh

    ;)khit xemangot :) smlie prin aquh!!!(“)^-^(“)…….un lng po

  8. makoi // November 20th 2008

    bakit ganun? nahirapan akong magbasa..hehe

  9. yanyan // March 25th 2009

    matalino ba ako

Anong Pangalan Mo?

Ano ang Sulatnikong Adres Mo?

Ano ang Sapot na Tahanan mo?

You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.