From: Aries
Tanong: Kuya jemme i’m Aries, 17 years old from Manila. Isa po akong gay pero wala pa pong ibang nakakaalam maliban sa kin. Gusto ko po sanang i-open na ‘to sa parents ko kasi nahihirapan na akong itago pero hindi ko po alam kung paano. Baka po kasi itakwil nila ako. Mahilig po kaming manood ng dvd sa bahay every weekend as our way of bonding. Naisip ko po na manood kami ng movie na about sa buhay ng mga gay para makita ko kung ano ang tingin nila sa mga gay and at the same time para makita ko na rin kung ano ang maaari nilang maging reaction in case aminin ko sa kanila ang totoo. Pero wala po akong alam na gay movie. Meron man, palaging may kalaswaan. Meron po ba kayong idea kung anong magandang gay movie ang panoorin naming pamilya na walang halong kalaswaan. Some kindda not an ordinary gay movie. Salamat po.
Sagot: Naks nman! Serious ha! Yan ang mga tipo ng tanong na talagang nag-iinspire sa kin na sumagot kasi makatotohanan, applicable sa totoong buhay at hindi yung tipong basta makapagtanong lang. hehehe.. tamaan, buti nga!
Pero grabe ha! Halos maluha na ko sa tanong pa lang! Teary eye na ko e! Sa sobrang haba ng tanong, nanakit agad ang mata ko kaya nagluha! Pero ayos yan! Talagang nakuha mo ang attention ko pareng aries! Pakiss nga.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ko ang sulat mo. Sa intro pa lang kinabahan na ko kasi parang beauty contest ang pasok.
Alam mo iha este iho.. bilib ako sa’yo kasi iniisip mo rin ang mararamdaman ng pamilya mo! Tama yang naiisip mo na magtapat na sa kanila kasi mahirap nga yang may inililihim ka sa kanila at mabigat talaga yang lagi kang may itinatago sa loob mo. Syempre dapat nakatago tlaga yang bra na suot mo dahil pag nakita ng nanay mo na ikaw pala ang kumuha ng nawawala nyang bra, lagot ka! Hello!!? Hindi nman kayo magka-size no! 38 ang nanay mo, ikaw 24 lang! ambisyosa to.
biro lang! hindi kasi ko sanay na diretsong serious ang usapan saka para gumaan naman yang dibdib mo! Partida wala ka pang boobs nyan pero nabibigatan ka na.
Well, tama rin yang naisip mong paraan na tignan muna ang reaction nila kung sakaling makapanood sila ng gay movie. Atleast, maihahanda mo na rin sila sa mas matinding rebelasyon at maihahanda mo rin ang sarili mo sa mga masasakit na salita na maaari nilang bitawan at sa mga magliliparang sapak, tadyak at bigwas ng tatay mo! goodluck!
Regarding nman sa gay movie na tinatanong mo, mabuti nman at naisip mo rin na pumiling maige ng movie na ihaharap sa kanila. Hindi yung tipong pagbukas pa lang ng screen e umaapoy na agad ang eksena, malamang magliliyab ang pagmukmukha mo sa bugbog ng mga magulang mo.
Well, may mga matitino namang gay movie like BROKEBACK MOUNTAIN. Napanood ko to kasi talk-of-the-town ‘to dun sa ‘min sa Hollywood
naks! bukod sa matinding kissing scene sa gilid ng bahay at love scene sa loob ng tent na madilim naman, wala ng ibang kalaswaan sa movie na to. Pero matured na ang mga characters sa movie na to kaya malamang hindi bagay sa’yo.
Mmm… meron pa palang isa na bagay sa’yo kasi pang teenager s’ya. LOVE OF SIAM. thai movie nman to kaya aasa ka na lang sa subtitle. teens ang mga bida sa movie na to kaya isang kissing scene lang ang gagawin nila pero utang-na-loob naman! antagal! makakapagpakulo ka na ng tubig sa sobrang tagal ng kissing scene nila! nalaman ko to from a friend na nasa thailand na. Malamang magugustuhan to ng mother mo kasi damay ang kwento ng pamilya dito ng dalawang bida. madrama ang movie na to! gustong-gusto ko ang theme song ng movie na to kasi malalim. maghanda na rin kayo ng marami-raming chichirya kasi more than 3 hours ata ang movie na to. popcorn sir, mam!!
Kung mahilig naman sa action ang tatay mo, try mo din yung BANGKOK LOVE STORY. thai movie ulet. sobrang action talaga ang movie na ‘to to the point na hindi mo aakalaing gay film s’ya. ang galeng ng twist ng story kaya bibilib ka rin sa writer. Wag mo nga lang papakita sa tatay mo ang cover ng dvd nito kasi baka atakihin s’ya ng highblood kahit anemic s’ya!
Yan lang ang mga maisasuggest ko sa’yo. Pero abang ka lang kasi baka yung ibang reader & commentator natin dyan pati yung mga parang kabote na pasulpot sulpot lang e may mga alam na mas bigatin.
Basta goodluck and pray ka lang tol! May movie o wala maiintindihan ka pa rin nila. Siguro sa umpisa magugulat sila, may mga masasakit na salitang bibitawan at may mga drama ala ate guy, ate vi & ate shawe & action moments na pang die hard, war of the world at star wars pero eventually mauunawaan ka rin nila kasi anak ka nila! (pwera na lng kung ampon ka pala!)Â
The Next Post: Ano ang katangian ng ita?
The Previous Post: Tao at aso, parehas?

5 trackbacks/pingbacks
Comments About Not an ordinary gay movie
// 10 comments so far.
jen_gurlash // August 28th 2008
ang cutie mo naman mgbigay ng advice… ;) hihi… Aries Gudlak sau… ;)
mikah // August 29th 2008
Sana may maitulong din ako…
jemme // August 30th 2008
gusto mo makatulong mikah? akitin mo na lang kaya si aries at baka magbago pa s’ya ng isipan.
baka tanging alindog mo lamang ang makakapagbigay buhay sa natutulog n’yang pagkalalake! hehehe…
mikah // August 30th 2008
oo nga… kya lang bka ma-demanda ‘ko ng phedopile… minor pa kasi yan e… ‘di bale,,, hihintayin natin mag-18 si aries, ska tau ggwa ng hakbang…hahahaha
Jehzeel Laurente // August 30th 2008
tsk tsk tsk.. *speechless* heheheh :D
Hannah Villasis // August 31st 2008
brokeback mountain yep yep :P nice suggestion! although i havent seen this yet but a girl friend of mine watched this and sabi nya nice naman raw ang story… and at least you have a reason to watch this without being too “leading” cz pwede mong sabihin.. “oi nood tayo brokeback mountain yon other movie ni joker ” yon nga lang… sobrang matured… pero… WHY SO SERIOUS? hahaha
xoxo, Candy
Jehzeel Laurente // August 31st 2008
ang mapapayo ko lang kay aries.. if you’re gay.. tell the world that you’re gay! be proud of yourself! naksss! hehehehe
ish // August 31st 2008
*tulala* no comment.
nasa ospital ako, magkakasakit ata ako lalo.
jemme // September 02nd 2008
naks naman sa advice c jehzeel! yihee… paburger ka naman!
Micamyx // January 10th 2009
Jemme, bakla ka din ba? Napanood mo na ba yung Ang Lihim ni Antonio? :D
You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.