Who is the Filipino?

Meta: October 28 2008 // Tanong at Sagot // 15 Comments

From: ISLE_KYLE

Tanong: ask lng po. who is the filipino? pkiexplain po 2 “our culture is not a borrowed culture” slmat po …. :D

Sagot: Sino nga ba ang tunay na pinoy? Tinanong ko yan sa teacher ko sa filipino subject nung nasa high school pa ko. Sabi n’ya, “Basta marunong magtagalog, filipino yun iho!” sabay alok ng tinda n’yang imported shirts. Dahil hindi pa ganun kalawak ang karanasan ko sa mundo at ang tanging laman lng ng utak ko ay base lamang sa mga sinasabi ng mga nakatatanda sa kin, tinanggap ko na ang paliwanag n’ya ng bukal sa kalooban. Pero ngayon na kaya ko ng pumili ng mga ideya at kaalaman na ipapasok sa isip ko, ngayon na kaya ko ng pumili ng sagot sa mga tanong na pumapasok sa isip ko, naisip ko na marami pang karugtong ang tanong ko na ‘yun. Basta marunong magtagalog, pilipino na? Pano nman ung mga cebuano, ilonggo, bicolano, bisaya, waray etc etc etc na hindi marunong magtagalog? Hindi na ba sila Pilipino? Pano ung mga lumaki sa ibang bansa na may dugong Pilipino? Wika lang ba ang sukatan ng pagiging Pilipino?

Ayon sa batas, itinuturing na pinoy ang isang tao kung isa sa kanyang magulang ay filipino or ipinanganak s’ya sa pilipinas at nakarehistro ang birth certificate n’ya dito

Pero sa batas lang yan. Para sa kin ang pagiging Pilipino ay hindi lang base sa salita at dugong dumadaloy sa kanya. Minsan nasa kilos din yan, purong pinoy nga ang dugo mo pero nasa ibang bansa ka dahil ayaw mo ng mamuhay dito at itinatanggi mo ang pagiging pinoy, sana pina-drain mo na lahat ng dugo mo sa katawan at pasaksak ka ng lng ng dugo ng german (german shepherd). Parehong pinoy ang magulang mo pero lagi mo nmang ginugulangan ang kapwa pilipino mo, sana naging alien ka na lng!

our culture is not a borrowed culture” tayo ay pilipino, may sariling pamumuhay, may sariling pag-uugali at may sariling kultura bago pa man dumating ang mga dayuhan mula espanya, englatera, amerika, japan at planetang jupiter. Hindi natin yan hiniram, inadopt natin yan mula sa lahat ng sumakop sa tin kasi kung hiram lang sana overdue na tayo sa pagsosoli. Magaling lang talaga tayong mag-adopt ng ibang kaugalian kaya unti-unting nabubura na ang natural nating kultura. May mga pagkakataon na maganda ang nadudulot nito sa tin pero hindi lahat gaya ng pagmamano, noon uso yan pero ngaun beso na lng at minsan tango na nga lng e! (pero ako nagmamano pa hanggang ngaun, promise!) Ang pakikipagkamay, unti-unti ng napapalitan ng pag-aabot ng calling card (sosyal!). Kahit sa mga games, puro na computer games ngaun, wala na ang piko, tumbang-preso, sipa, syato, taguan, patintero at iba pa! (namiss ko tuloy ang pagiging bata). Pati ung laruang telepono na dalawang lata na lalagyan ng mahabang tali para kunyari telepono, ngaun kinder pa lng may cellphone na! kainis! Pati sa sayaw, nawala na ang tinikling, pandanggo sa ilaw etc etc, at napalitan na ng hip-hop, kita nyo nman tayo pa ang nag-champion nyan sa buong mundo. Dati ayos na sa mga bata ang paglalaro sa paligid ng mga sinusunog na tuyong dahon ng mga magulang nila pero ngayon marijuana na ang tinitira nila! lupet!

Ayos lang nman na mag-adopt tayo ng kultura ng ibang bansa at planeta pero sana wag malimutan at mabura ang sarili nating kultura! i thank you! g3

May kwento ba tungkol sa Aso’t Pusa…?

Meta: October 13 2008 // Tanong at Sagot // 11 Comments

From: April B. Perito

Tanong: may kwento ba tungkol sa aso’t pusa kung bakit sila naging mortal na mag-kaaway? at ano ito?

Sagot: alam ko nasagot ko na to dati pero since ndi ko rin matandaan kung kelan un, uulitin ko na lng para sayo. sayang nman ang COMPLETE NAME mo kng wla kang makukuhang sagot.

ayon sa mga kwento, ang away nila ay nag-ugat pa sa kanilang mga ninuno.. sa mga sinaunang aso’t pusa.. g3

cla kc ang original na domestic animals.. mga pets na pwedeng magpagala-gala sa loob ng bahay.. mga seloso kc ang mga hayup na yan kaya nag-aagawan cla sa atensyon ng kanilang mga amo… g2  mga hayup tlaga!! mga animal!! g4

kaya delikado tau sa panahon ngaun dahil nauuso na ang pag-aalaga ng iba pang uri ng hayop bilang pet tulad ng baboy at ahas. meron pang tigre c chavit idol!!! at pag dumami na ang ganyan, may sasali na sa gang war ng pusa’t aso. g4

pero ayon sa isa pang tsismis, nagsimula talaga ang away na iyan ng mahuli ng isang lalaking aso ang isang lalaking pusa na ginagaya ang style nila sa lovemaking???!!! sabagay, may narinig ka na bang cat-style? wala di ba? wala kcng originality yang mga pusa at pati style ng mga aso e ginagaya. buti na lng at wala pang tao na nahuhuli ng mga aso na gumagaya sa kanila dahil pag nagkataon.. away eto!! g3

Faithfull kaya ang husband ko?

Meta: September 26 2008 // Tanong at Sagot // 10 Comments

From: Jolan Ocampo

Tanong: Panu ko po malalaman kung ang asawa ko ay faithfull saken e nasa ibang bansa sya

Sagot: Anak ng pusa naman sa tanong ha!! Gawin ba akong manghuhula?!! Ikaw nga may paraan para macontact sya at tanungin ng ‘HOY MOKONG, MAY IBA KA NA BANG PINAPASOK D’YAN?!’ i mean may pinasok na damdamin ha! bawal ang malisya dito! may nagbabantay na perpektong tao, baka mabanatan na naman ako! nyahaha…

Actually ate, nasa tanong mo na rin ang sagot sa tanong mo e. FAITHFULL! ano ba katapat ng salitang yan? TRUST!!! isang matinding pagtitiwala na kayo ay tapat sa bawat isa. Yan lang at ang pagmamahal (eewww!!!) nyo sa isa’t-isa ang pwede mong panghawakan.

Kahit kasi magpunta ka sa mga manghuhula para ipahawak ang naiwang brief ng asawa mo sa pagbabakasakaling malaman nila kung nagtataksil na ba si mister ay hindi ka rin makasisiguro na tama ang hula n’ya dahil “hula” lang naman un e! pwedeng tama, pwedeng mali. maski ako pwedeng humula.. at ang hula ko! wala syang ibang babae sa ibang bansa, ibang lalake meron! hahaha.. joke lang!

Isaisip mo lang palagi na mahal ka nya at ang mga anak nyo kaya hindi n’ya magagawang magtaksil sa’yo. Minsan kasi kung ano ang nasa isip natin, yun ang nagaganap sa totoong buhay. so kung maganda ang nasa isip mo, maganda rin ang mangyayari sa kanya dun.

Pero, pero, pero… hindi ibig sabihin n’yan ay hindi na s’ya makikipag-sex dun! Syempre natural sa isang tao ang makaramdam ng init sa katawan at pangangailangan na mailabas ang init na yun… Lalo na kung nasanay sya nung nandito pa s’ya na halos everyday e nagbabanatan kayo, xiempre hahanapin ng katawan n’ya un. Pwede s’yang gumamit ng ibang babae pero i assure you, wala lang kasi s’yang choice dahil andito ka. ikaw pa rin ang gusto nya! maniwala ka na!! think positive! nagpapakahirap na nga yung tao na mapalayo sa inyo dito tapos pag-iisipan mo pa ng masama!!! hehehe… ikaw pa 2loy ang lumabas na masama. joke lang!

ikaw, ndi ka ba NANGUNGULILA sa kanya, emotionally, physically at sexually? (o ung mga malilinis d’yan wag na magreact! ang plastik nyo kung hindi nyo aaminin na hindi yan part sa buhay ng mag-asawa!!) g3

Ang Batang Yagit na hindi Yagit.

Meta: September 14 2008 // Kwentong Walang Kwenta // 13 Comments

Hindi ko pa nakikita si Batang Yagit sa personal pero nakita ko na ang mga larawan niya sa iba’t ibang website kasi sikat ang batang eto at kahit san ka pumunta ay makikita mo siya. Ang batang hindi yagit, ang batang yagit na mayaman, ang batang yagit na pogi, ang batang yagit na nag wawine tasting, at batang yagit na may w960i at ang batang yagit na yagit ay iisa lang. g6

Special edition ang post na to, kasi ito ay hindi tanong mula sa ating mga masusugid na tagasubaybay. Ang post na to ay ginawa ko para kay Batang Yagit lamang, dahil mahal ko si Batang Yagit at gusto ko na manalo siya sa Bloggers’ Choice Award ng Philippine Blog Awards. Ako ay isang Pilipino at ang blog na ito ay may higit sa sampung post, kahit bilangin niyo pa! g4 ang dami ko na yatang na post g6 at ang blog na ito ay nag simula noong 2006 at hanggang ngayon hindi parin sikat g10 . Kaya ibig sabihin pwede akong bumoto kasi higit sa tatlong buwan nang buhay ang blog na to online! g1

Masugid kong taga subaybay sa blog na to si Batang Yagit. Nung musmos pa lamang ang blog na to at wala pang kwenta (hanggang ngayon wala paring kwenta g6 ), si Batang Yagit ay nandyan na upang basahin ang blog kong ito at ipag malaki sa buong kalawakan na astig ang blog ko kahit hindi naman g10 . Sobrang bait ni batang yagit sa akin mula noon, hanggang ngayon, at sana magpakailanman. Kaya bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. g6

Ayan! Batang Yagit, maraming salamat sa pag subaysabay sa aking munting blog, sana manalo ka! Sa karagdagang detalye tungkol kay Batang Yagit, maaaring basahin po lamang ang post ng kaibigan nating si Jehzlau g3

Bakit may 3rd eye?

Meta: September 12 2008 // Tanong at Sagot // 26 Comments

Tanong: bakit my 3rd eye?

From: cris

Sagot: sabi nga ni ate shawee sa isang commercial… kung may 1st, merong 2nd at meron ding 3rd hehehe…

actually, lahat ng tao may 3rd eye. ung iba nga lang mas active or sabi nga nila, mas malinaw. siguro mahilig silang kumain ng kalabasa kaya pati ung 3rd eye nila e 20/20 ang vision. g6
ang isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit tayo may 3rd eye e upang maging aware tayo na hindi lang mga nakikita ng pangkaraniwang mata ang nandirito sa lupa, para maging aware din tayo sa kanilang existence. isa rin itong paraan para mas lumaki ang paniniwala na may kaluluwa talaga ang tao. g10

sabi nila gift daw ang pagkakaroon ng bukas na 3rd eye pero para sa kin, no thank you! yoko nga makakita ng mga kaluluwa! sa kwentuhan pa nga lang halos himatayin na ko sa takot kapag gumana na ang imaginations ko, un pa kayang may makita akong lumulutang na babae or may nakatingin sa kin sa dilim?

pero sa kamalasan, hindi man ako binigyan ng “biyaya” na makakita ng mga kaluluwa or whatever, malakas naman ang pangdama ko sa mga ganung kakaibang nilalang. nararamdaman ko kapag may umaaligid sa lugar na kinatatayuan ko. madalas akong mabiktima nyan sa office namin dati, kala ko lagi may tao sa likod ko pero pag lumilingon ako, wala naman. nung una, napapraning talaga ko sa takot pero nakasanayan ko na rin at madalas ko na lang na binibiro na “kapag nahuli kita at nalaman kung babae ka! malalagay ka sa tabloid na ‘multo ginahasa’!” g9

advice ko lang sa meron nito, mag-ingat na lang kayo sa mga pagsasabihan nyo na may nakita kayong hindi pangkaraniwan kasi meron akong naexperience na yung isang officemate ko na nakakakita ng mga ganyang hindi pangkaraniwan e may nakita sa office namin. ang magaling na bata, sinabi sa isang tao na akala n’ya pwedeng pagkatiwalaan (akala ko din dati!) kaya ayun, sinabi nya na may nakita nga syang lalaki na nakaputi na pumasok sa kwarto. ang magaling na pinagsabihan ng nakita, ikinalat ang kwento kaya yung iba nag over-acting. hanggang umabot sa may-ari na isa pang hindi naniniwala sa mga ganung kwento kaya tinanggal ang kawawang bata na tatlo ang mata! sayang kasi gustung-gusto ko pa naman yung lagi nyang binabaon na marsmallow (ung malalaki talaga!).. hehehe… sa marsmallow talaga ko nanghihinayang e! hindi kasi nya nasabi kung san nya binibili un bago sya nasibak! g3

 Page 2 of 28 « 1  2  3  4  5 » ...  Last »