Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?

Meta: July 02 2007 // Tanong at Sagot // 23 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Helene of Caloocan City, Philippines. Ito po ang pangalawang tanong niya sa blog na to. Ang unang tanong niya po ay “Pag tinititigan ka ba ng lalaki ibig sabihin nun gusto ka niya?” at yan po ay nasagot na, at nag tanong po siya ulit! Hehehe. Ito na po ang sagot sa kanyang katanungan. At teka. bago ang sagot, nais ko pong mag pasalamat sa mga nag nominate sa akin sa Top 10 Emerging Influential Blogs, kay Jehzlau at MoiMoi sa pag nominate sa akin sa Week 7, kaya naging top 3 ako, at kay Anitokid Chronikos sa pag nominate sa akin last last Week, (Week 6). Ang Proyektong ito na pinamumunuan ni Ms. Janette Toral ng Reflective Thinking. Maraming salamat po sa inyong lahat! Ooops.. nag papa salamat din me sa babaeng nagngangalang Candy Mendoza dahil sa kanyang mga opinion at mga positive comments na sinend nya directly sa e-mail ko tungkol sa Itanong mo kay Jemme. Maraming salamat po.. weeeeeeeeee! Yan ha na credit na kita.. hihihihi… g6 Hayyy.. haba ng intro ko ngayon, sensya na mga mahal kong taga subay-bay, di ako nakapag post kahapon, di din ako naka autopost, kasi di ko pa nasasagot mga tanong, ang dami dami niyo kasing tanong.. wahehehe g1 salamat po ulit g2

TANONG: Ano ang koneksyon ng ipis sa ulan?

SAGOT: ang masasabi ko dito ay, ang mga ipis ay lumalabas kung umuulan dahil eto na lamang ang mga panahon kung san pwede nilang gantihan ang mga lapastangan sa kanilang lahi. Bat kaya tuwing umuulan pa? Hindi ba pwede kung may araw? or mainit ang panahon? Yan din ang katanungan ko, at tinanong ko nga kay Haring Ipis. Kasi siya lang ang nakaka alam sa mga bagay bagay na yan!~ g6

Sa pag tatanong ko, di kasi pwede na hindi ipis ang magtanong, kaya nag anyong ipis ako para makapag tanong kay Haring Ipis! Ginamit ko ang Metamorphic Machine na gawa ni Jemme, (opo gawa ko yan! confidential po yan kaya di ko pwedeng ipakita! g3 ) para maging ipis g6 . Kaya nagsimula na ang aking munting adventure g6

Isang araw pumasok ako sa isang butas, isang butas na pinapasukan ng mga ipis, at bigla nalang akong nahulog sa pinaka loob neto, ang City ng mga Ipis! g10 ayun! nakita ko ang daming ipis, at nag tanong tanong ako sa mga kapwa ipis, hanggang naka abot sa kaharian ni Don Sipi ( ang hari ng kaharian ng mga ipis) at nagtanong:

Jemme the Ipis: Don Sipi, ano po ba ang koneksyon ng ipis sa ulan? g15 (naka smile pa ako nyan ha.. g3 )
Don Sipi: wala pong koneksyon ang ipis sa ulan, tingnan mo ang mga letra, walang similarity. I P I S at U L A N, diba?
Jemme the Ipis: *amf pilosopo naman ang haring ipis na to! g46 * ahmmm? ok po.. pero bakit po tuwing umuulan maraming ipis na lumalabas? Hindi ba pwede kung normal na panahon lang? or kaya mainit ang panahon? g35
Don Sipi: Ehem Ehem g11 magandang katanungan yan. Ganito kasi ang logic nyan, kaya maraming ipis na lumalabas tuwing ulan kasi bina baha ang aming kaharian, so kelangan namin mag sojourn muna ng ilang oras sa ibang mundo, sa mundo ng mga tao
Jemme the Ipis: *ano kaya yung sojourn? matanong nga* Don Sipi, ano po ang ibig sabihin ng sojourn? g12
Don Sipi: Aba, di ka ba nag babasa ng dictionary? Ang ibig sabihin ng sojourn ay to stay in a certain place for a while. Parang bumibisita ka lang, at palipas oras sa isang lugar, para kang turista ng isang lugar. Gets ba?
Jemme the Ipis:
Ahhh… ganun pala yun! maraming salamat po Don Sipi, pero bakit po may ipis na nag papa kamatay kahit sila lang po ay turista lang sa mundo ng mga tao kagaya nalang ng isang pangyayaring na kwento sa akin ng isang kaibigan. g15 Kagaya ni berto na tiga tondo.. minsan nyang inilabas ang sama ng loob nya ukol sa mga ipis na yan. tila napapansin daw nya na todo ang pag ganti ng mga ito sa oras na may ulan..tag-ulan o inuulan sya.

Animoy kill bill daw ang mga ito na revenge is sweet and best served when cold. Dahil daw sa mga panahong umuulan eh malamig ang klima, natutulog daw sya ng mahimbing at ang mga walangyang ipis ay pumasok sa kanyang bibig. Animoy mga summer people na nag swimming sa amuy imburnal nyang bunganga. g6

Minsan naman daw ay naisipan nyang magluto ng champorado na puro kokwa.. .hindi bat bagay na bagay yun sa tag-ulan? samahan mo pa ng tuyo..ummm.. g4 at lingid sa kanyang kaalaman ang isang ipis ay binayaran ng kapwa ipis upang magsuicide bombing yun nga lang wlang bomba kundi nagpakalunod lunod ang ipis sa champorado g37 at hindi namalayan ng kawawang si berto na ipis na pala ang malutong na nginunguya nya g44 n sing sarap ng ingredients sa fish cracker na gustong gusto nating ngatain sa byahe inside bus, g6 ayun bumalik tayo kay berto, napagtanto na lamang nya nun kanyang malasahan ang malaimburnal na lasa ng crunchy champorado nya hahaha.. g5 g6 g7

Ano po ang opinyon niyo sa pangyayaring ito Don Sipi?

Don Sipi: aba! di kami ganyan, baka yan yung mga rebeldeng Ipis, or tinatawag namin dito na NIA, or New Ipis’ Army sila yun mga Ipis na nag rerebelde sa mga tao. Kami kasi kahit sinasaktan na ng mga tao, mabait parin kami, kahit apakan niyo lang kami at sprayhan ng baygon, ok lang sa amin yun. Sana lang ma karma kayo someday, kasi nakikitira lang kami at nag totour sa mundo ng mga tao.
Jemme the Ipis: So, pano kaya namin ma distinguish kung ang ipis na yun ay rebeldeng ipis, or mabait na ipis?
Don Sipi: kung ang ipis na yun, ay di nakikialam sa inyo, huwag niyo din paki alaman, diba? Don’t do unto others, what you want others not to do unto you… diba? kaya mag respetohan nalang tayo. Kung may nag dive sa champorado mo, yun nalang ang patayin mo. Kawawa nga yung isang ipis kasi kinain ng tao, diba? Mga walang puso talaga kayong mga tao kayo! Grrrr!!
Jemme the Ipis: di naman po lahat ng tao… hayyyy… o cge alis na muna me *baka pag tulungan ako dito* kasi kelangan ko na mag post sa blog, nag hihintay na ata yung nagtanong ng katanungang eto eh…
Don Sipi: ok, ingat pabalik! diba ang bait namin? Link exchange nalang tayo, if ever makagawa ako ng blog, kaso, mahirap mag type sa keyboard kasi isang hamak na ipis lang ako.
Jemme the Ipis: ok lang po yan, kung ma perfect ko na yung Metamorphic Machine ko, pwede kita gawing tao! g6
Don Sipi: wow naman! cge aasahan ko yan!

At yun na nga! nahanap ko na ang kasagutan kung ano ang koneksyon ng ipis sa ulan. Dahil binabaha ang kaharian nila, at sila ay nag totour sa mundo natin! wahehehehe! kapagod talaga maging ipis, ang hirap po, kaya wag na kayo mag tanong tungkol dito, at mas lalo na kung langgam! ayoko po maging langgam! g3

Bakit ba nagiging sobrang pagod na ang tao kung???

Meta: June 30 2007 // Tanong at Sagot // 14 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Ayel of Purok 3, Poblacion Alabel, Sarangani Province. Yan ha! may purok pa! g6 Ok, intro muna kay Ayel. Si Ayel po or Ariel ang may ari ng Thoughts of a Wandering Soul at siya po ay kasalukuyang nag aaral sa Notre Dame of Marbel University, tama ba? Hehe.. comment lang kung mali… :) tapos ang course niya po ay BS Physics! Naks! and He’s a proud DOST-SEI scholar! Yipeeee! Nakapagsulat na rin siya ng Article sa Young Blood na pinamagatang “Tindero“. Oh diba? Astig na batang ere! at…. Sobrang dami nang intro… basahin niyo nalang blog niya to know more about him. g5 Eto na po ang kanyang katanungan…

TANONG: Natutuwa ako sa iyo. Sige, eto tanong ko…Bakit ba nagiging sobrang pagod na ang tao kung kelan malapit nang makarating sa pupuntahan?

SAGOT: Ganun ba? d nga? nagtatanong ka ba ng totoo? base on personal experience ba yan? ako kasi pag malapit na excited na excited! g6 depende cguro sa tao yan ah??? hmMMM? hindi bat excited ka nga at energetic kapag nais mong makarating sa rurok? este sa paroroonan mo? g4
Siguro kaya nakakapagod ay dahil sa dami ng posisyon na ginagawa! kaya ganun na lamang! hehehe.. g1 yun bang hingal ka na bago ka makarating sa destinasyon… g9 kasi naman minsan may dog style, yun bang hahabulin ka ng aso sa kalsada, o mkakarating ka sa 69 imbis na sa 6th street o sa 9th street yun bang naliligaw ka? (LUSSOOOOTTT!! g10 )
minsan naman muka kang tanga na kahit makipot ang daan e pumapasok ka parin.. g3 hehe o kaya naman kahit malaki ang sasakyan eh pinadadaan parin kahit masikip na… ( oH? huwag mag isip ng ganyan.. literal po ang sinasabi ko.. aba aba aba??? iba na ata ang iniisip mo ah! g3 ) yan ang mga simpleng source ng pagod bago makarating sa pupuntahan! g4 pero seriously, nakakapagod nga yang malayo ang lalakbayin mo eh talagang hindi mo na nga maeenjoy, dapat yun oras at place ay comfortable para sayo hindi yun mga quickie type na naghahabol ka sa oras yun eh talagang nakakapagod! g2

Pero sa totoo… di naman lahat ng tao napapagod pag malapit na, agree diba? Pero kadalasan na e experience yan kasi… dahil.. because of… yun.. tama ka! yun na yun!! katamaran! g6 tinatamad na ang isang tao kasi sobrang lapit na. Minana kasi natin to kay Juan Tamad. Kahit ang lapit na ng Mansanas di pa niya kinukuha, kasi malapit na eh. Ganun kasi yun, Pinoy si Juan tamad, pinoy tayo, so namana natin sa kanya ang ganung ugali g11 . Yan yung main reason bat tayo napapagod. Iba din naman kung aakyat ka ng bundok, na experience mo na ba yun? Pag malapit na hihingalin ka. Alangan namang di ka pa nag lakad, hihingalin ka na diba???? g4 syempre pag malapit na doon ka na mapapagod.. common sense lang yan! kunwari andito ako.. pupunta ako doon, sasabihin ko ba, ay kaka tamad, pagod na ako, di pa nga ako nag lakad diba???? adek adek ka na talaga pag ganun! kasi di ka pa nakaka lakad napagod ka na! mag wheel chair ka nalang kaya. para di ka mapagod…. or magpa kagat ka sa gagamba para maging Spider Man ka din! at spider web nalang gamitin mo sa pagpunta ng iba’t ibang place! g6 basta! hanggang dito nalang muna.. sana na gets niyo yung gusto kong ipa gets! nyehehe! Gets ba? diba? tama diba? o ayan! Gets na! nyahahaha! g3 g2 g1

Bat ang alak ads, puro babae na semi-hubad ang bida?

Meta: June 29 2007 // Tanong at Sagot // 10 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Hanakz of Dipolog City. Hindi ko po alam kung si Hanakz ba eh lalake oh babae, Hanakz?? Hmmmm..? Pwede pambabae na pangalan, pwede din pang lalake g4 Pero so much for that (naks.. english!!!! g10 ) Ahmmm… Siya po ay nagtanong tungkol naman sa mga poster ng Alak, at wala na siyang ibang binigay na impormasyon tungkol sa kanya, kahit blog link wala rin, e-mail lang, kaso private information to, kaya di ko ilalagay. Pero Hanakz, kung nababasa mo man ang post na to ngayon, kung nasaan ka man, ako’y nana nawagan na kung gusto mong magdagdag ng impormasyon tungkol sayo, ay pwedeng pwede po! Hehe, mag iwan po laman ng comment sa comment box, at yun! Pwede ko nang e update ang post na to, para mahaba haba naman ang intro natin sa iyo, at makilala ka din ng mga readers! Diba??? g6 Eto na po ang kanyang katanungan…

TANONG: Bakit ang mga ad ng alak, puro babaeng semi-hubad ang bida?

SAGOT: bwahahahaha! ok din ang tanong mo ah! g5
kaya babaeng semi-hubad ang bida sa mga beer, whiskey, brandy, soda at kung anik anik na mamahaling brand ng alak eh dahil katerno ng alak ang maning hubad.. g6 ano ang koneksyon? g10 ayun nga! para maalala nila na masarap uminom ng alak with mani hindi Ba? g1 since ang mga alak company n yan ay for sure may mani products din… ayun kasali sa konsepto ang hubaderang girlalu para nga naman mabili din nila ang iba pang produkto ng kompanya o hndi man kanila..malamang sa business partners nila..(hindi naman pwede na dalawang produkto ang inaadvertise sa ad hindi ba??) hehehe

pero may isa pang anggulo na lumalabas sa ulat ni kapatid na gas abelgosh… g11 kaya raw ganto ang kalakaran ng alak advertisement ay upang mahikayat din ang mga manginginom na bumili ng laman… g2 hehehe uy hindi yung iniisip nyo ha? laman na pang barbecue na masarap sa inuman…!! g4 LUSOTTTT!!! g42

pero ang sabi naman ng iba eh para daw diretso sa mga motel.. ang simbolo daw kasi ng mga sexy na babae na ito ay comfort rooms.. hindi kubeta ha? motel nga eh..ang kulit! kasi daw magkakamag-anak yang mga may-ari ng motel, alak at mani producing factory g6 so wala nga naman daw kawala ang negosyo…

Gaya po ng sabi ni Captain??? Sino nga ba yun? yung sa Pirates of the Caribbean 3? basta nakalimutan ko name nya, pero namatay siya nung huli… eto ang sabi nya… “It’s just good business” tama ba? bwahahaha! basta good business lang yan kaya mga semi-hubad na babae! g5 g6 g7 pero sa totoo kaya semi-hubad yan, upang mahikayat ang mga lalakeng mamimili, kasi ang main target dyan eh ang mga lalake! g10 kasi mahilig daw sila ng you know na, mga ganun.. ganun na yun! yun na po yun! bwahahaha! g4

Totoo po ba ang nuno sa punso?

Meta: June 28 2007 // Tanong at Sagot // 16 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Melody of Iligan Institute of Technology – MSU. Ang layo.. sa Iligan pa. :) Siya daw ay Metallurgical Engineering Student ng MSU-IIT, at kasalukuyang nasa 5th year na! Marami daw nuno sa punso na nakapalibot sa bahay nila, at madalas na ikwento ng mga magulang nya na huwag sirain ang mga punso, kasi may nuno daw sa loob at gagantihan ka pag sinira mo ang punso! Kaya yun takot na takot na takot siya na sirain ito g6 at lumapit dito. Sa katunayan, ginawan pa daw nila eto ng parang mini kubo… parang bahay siya ng punso, para di masira sakaling umulan ng malakas! wahehehe.. weird ba? eto yung kwento nya sa akin eh. :) Pero habang nag susurf siya sa net, napadaan siya dito, at baka daw ito na ang solusyon ng kanyang problema! kung totoo nga bang may nuno sa punso? Di siya nag dalawang isip na itanong ito sa tamang tao, at di ka nga nagkamali Melody! mabuti nalang ay naitanong mo kay Jemme! Yeah!! g1

TANONG: Kuya Jemme, meron po ako tanong. Totoo po ba yung nuno sa punso? sabi kse nila meron daw nakatira dun. At kapag daw sinira mo ang bahay nila eh gaganti daw sila sayo? Yun iba daw lumalaki kamay minsan paa kung ano daw ang ginamit mo na pangsira sa bahay nila? Totoo po ba yun?

SAGOT: May nakatira nga dun! mga langgam! at talagang gagantihan ka ng langgam pg sinira mo ang bahay nila! cge nga sirain ko bahay n’yo, tingnan ko lng kung ndi mo ko ipasalvage g6 xiempre lalaki ang kamay or paa mo pg un ang pinangsira mo kc mapupuno ng kagat ng langgam… and kng totoo yang nuno sa punso at lalaki ang part ng katawan mo na gagamitin mong pangsira e di sana ung mga dyutay ang **** jan e di pinagwawasiwas na nila ung ano nila sa punso para lumaki g1 g6 g3

ang ngiti oh!!! malisyosa ka ha!! i mean ung bank account! iwawasiwas ung bank book para lumaki ang laman.. kaw talaga… g1 g3 g6

Ang nuno po sa punso ay nag simula lamang sa isang alamat. Kasi po sabi ng mga ninuno natin na may nuno nga na nakatira sa punso, at napasa sa mga henerasyon, at sa susunod na henerasyon pa.. at hanggang umabot ngayon g5 Pero sa katanuyanan.. noong 1532, may isang Pinoy na ang pangalan ay Antonino Krisostomo ang nagsimula ng ganitong kwento! May kayamanan kasi siyang tinago sa loob ng Punso… at para walang lumapit dito.. ginawan niya to ng storya, na may Nuno talaga sa Punso! g6 kaya takot na takot lumapit ang mga tao upang tuklasin ang katotohanan, kasi matatakutin ang mga tao talaga pag mga mumu or mga multo ang pinag uusapan.. kaya ayun! ayaw na nila lapitan ang Punso! Isa yun sa mga paraan ni Antonino para maitago ang kayamanan laban sa mga mga taong gusto ito agawin sa kanya! O diba?? Wala talagang Nuno! Bwaahahahaha! g3 g5 g7

Derive the Henderson-Hasselbalch equation…

Meta: June 27 2007 // Tanong at Sagot // 17 Comments

Ang nakaka praning na katanungang ito ay mula kay Daniel Unno of Ateneo de Davao University. Siya po ay kasalukuyang BS Human Bio Student ng nasabing paaralan. Mahilig daw siyang manood ng Death Note, at mahilig din siyang mag online araw araw. Siya po ang pinaka unang nag tanong ng ganitong klaseng tanong na nagpasakit ng ulo ko! g30 Humanda ka pag nagkita tayo! GGGGGRrrrrrrrrrrrrr!!! g46

TANONG: derive the Henderson-Hasselbalch equation for a solution of a weak acid, HA, and its salt NaA. hmmmm.. it’l be a big help kung masagot mo yan… Please po kasi assignment ko yan

SAGOT: Ito na po ang kasagutan sa kung paano e derive and Henderson-Hasselbalch equation para sa solution ng weak acid na HA at ang kanyang asin na NaA. Parang awa mo na po, huwag na po kayo mag tanong ng ganitong klaseng katanungan kasi muntik na akong masugod sa Mental Hospital habang sinasagot ang tanong na to! g10 Hehehe.. Pero salamat sa internet kasi dahil dito, nasagot ko ang kanyang nakaka pigil hiningang katanungan. Eto na po ang sagot:

magsimula po tayo sa acid-base equilibrium:

HA + H2O <=> A- + H3O+

sa equilibrium na to, makukuha mo ang: g11

Ka = [H3O+][A-] / [HA]

kung saan ang Ka ay ang acid dissociation constant g11

pagkatapos nito ay kunin ang ‘p’ sa dalawang gilid: p(x) = -log(x)

pKa = pH – log([A-]/[HA])

rearrange po natin in terms of pH, at makukuha mo ang equation na: g11

pH = pKa + log([A-]/[HA])

Or kung nalito ka, e re-phrase ko po ang explanation, at ang way ng pag derive… g50

Ang equilibrium po natin ay: g11
HA <> H+ + A-
Ok? Then isa isahin nating e explain ang bawat value ng ating equation: g11
[HA] = initial molarity HA – x
[ H+] = x
[ A-] = x + initial molarity NaA
K = [H+] [A-] / [HA]

ang “x” ay masyadong maliit para mapabayaan kung idadagdag or kukunin mula sa initial molarities so: g11
[H+] = K x [HA] / [A-]
log [H+] = log K + log [HA]/ [A-]
- log [H+] = – log K – log [HA]/[A-]

At ang equation ay: g12
pH = pK + log [A-] / [HA]

Yan ha! Sinagot ko na paano e derive and Henderson-Hasselbalch na yan!!! Hmmmmp!!! g46

Page 21 of 28« First...1920212223...Last »