Ano po ba ang magandang dulot ng sigarilyo?

Meta: June 26 2007 // Tanong at Sagot // 26 Comments

Ang katanungang ito ay mula sa isang Proud na Pinoy Programmer, at kilala siya sa world wide web as filipinoprogrammer, (Siya ay kasalukuyang nasa top 10 ng fans ni Jemme! yipEEE!! g9 ) siya po ang may ari ng www.knicks49.com. At ang sabi niya ay cute daw ang site ko g6 . We can call this guy “NICKY” for long. Basta yan sabi nya eh for long. Ang real name po niya ay Nick Fernandez III. Babae raw pakinggan ang pangalan niya, pero lalake po siya. Isa siyang taga gawa ng sapot na pahina (web page) at kasalukuyang nag tatrabaho sa bayan ng singkit at sakang ( japan). Huwag ko daw e post baka mayari siya, pero totoo naman yun eh.. nyahahaha! Pero ok lang yun.. di naman naiintindihan ng mga hapon, diba nicks?? heehee. OOoopps.. Siya nga pala ay taga Bataan, pero he’s currently working in Japan, as I’ve mentioned above.. Naks!! English nanaman! matagal kong na construct ang sentence na yun ha! kaya palapak naman dyan g5

Tama na ang intro! sobra na!!! kaya tama na! eto na ang kanyang katanungan! Yeah! g1

TANONG: Eto po ang aking munting tanong na nais kong mabigyan linaw. Ano po ba ang magandang naidudulot ng paggamit ng sigarilyo? Kya ko po naitanong yan eh puro na lng masama ang naririnig ko. Ako po ay hindi naninigarilyo subalit, datapwat, ngunit ako ay napapa-isip kapag nakakakita ako ng taong naninigarilyo, bibili sa tindahan, sisindihan pagkatapos hihigupin at ang pinakahuli ibubuga (nakanapucha bkt binuga?)

SAGOT: Aba aba aba.. mukhang serious na tanong to about health ah… Nyahahahah! Pwede!! Dahil ganun ang tanong mo, kelangan natin ng Doctor upang masagot ang MUNTI ninyong katanungan g4 … Ako ay mag e evolve ngayon, at magiging Dr. Jemme! Bwahahaha! g6

Nicky: Doc, ano bang magandang naidudulot ng sigarilyo? g13 marami kasing mahilig mag sigarilyo.. curious lang po ako doc, baka kasi makakatulong siya sa health ko, di ko lang alam.

Dr. Jemme: Alam mo Nicky, maraming ma itutulong sayo ang paninigarilyo g1 Una, kapag pupunta ka sa mausok at polluted na lugar, immune ka na, at di ka na magtatakip ng ilong, hihigupin mo lahat ng usok doon, kasi nasasarapan ka, at malaki ang naitutulong neto kasi po mababawasan ng polusyon sa hangin ang pilipinas dahil na higop mo na ang lahat ng maduming hangin sa paligid at naging carbon dioxide pag labas, at kukunin eto ng halaman at gagawin oxygen! g6

Pangalawa, sa bawat sigarilyo na nauubos mo, makaka tulong ka sa pagbayad ng utang ng Pilipinas. May Value Added Tax kasi ang bawat sigarilyo, lalo na pag isang kaha ang bibilhin mo mas malaki ang Tax na mababayaran mo, at makaka tulong ka pa sa lahat ng tao sa buong Pilipinas at sa gobyerno natin g1

Pangatlo, ang bawat abo or ash ng sigarilyo ay pwede gawing fertilizer sa lupa. Pag nahulog na to sa lupa, ay nagiging pataba eto, pwede mo siyang ihalo at gawing isang mabisang pataba. Talagang healthy ang inyong mga tanim na gulay at prutas pag nahulaan ng abo ng sigarilyo! g6

Pang-apat, pag palagi ka nang nag sisigarlyo, ma e-immune na ang katawan mo sa paninigarilyo, di ka na agad tatablan ng kahit anong sakit na dulot ng sigarilyo. Mas malaki kasi ang chance na magkasakit ang taong di naninigarlyo then maka higop siya ng konting usok ng sigarilyo mula sayo, yun ang magkakasakit! at hindi ikaw! bwahahaha! Try niyo! effective po yan! iitim ang baga niyo at masasanay na sa smoke circulation araw araw! epektibo to sa mga gustong maging immune! bwahahaha g6

Nicky: Wow naman! ang dami palang advantages ang paninigarilyo! g1

Dr. Jemme: Oo naman.. take it from the expert! bwahahahaha! o ano? Gusto mo na bang manigarilyo, may benta ako dito… isang daan isang piraso! Bili na! g5 g6 g7

Natitinik din po ba ang pusa?

Meta: June 25 2007 // Tanong at Sagot // 24 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Ana Frea, siya po daw ay taga University of San Carlos, Cebu! Anak ng! Puro taga San Carlos na tong nag tatanong ah! at puro pusa! Bakit bakit bakeEETTT???? Tatlo na kayong mahilig sa pusa? Ano bang nakain niyo? Cguro mahilig kayo sa Siopao no??? g6 Basta payo lng… Before kumain ng Siopao, alam niyo ba kung paano malalaman pag pusa talaga ang laman ng siopao??? Hindi diba? Medyo lasang carne din kasi yun… pero masarap siya, mas masarap sa Pork Asado or Chicken Siopao. Parang pork talaga siya, pero maalat at medyo matamis nag cat meat, pero try niyo lagyan ng ketchup, parang french fries ang lasa g2 . basta pag parang matamis na maalat, PUSA po yun!PUSAAA!!! g10

TANONG: muli ang pagbati ng isang magandang araw sa inyo ginoong jimmy….. at maraming salamat sa inyong pagsagot sa mga katanungan tungkol sa PUSA… pero sadya po yatang napakarami ng katanungang bumabalot sa sanlibutan…. whahehehe.. kaya heto meron na naman pong bumabagabag sa aking isipan.. nais ko lang po sana malaman.. “natitinik din po ba ang mga pusa gaya ng tao kapag nakalunok ng tinik?”… naway inyo muling mabigyan ng isang makabuluhang kasagutan na maaring makatulong sa pangaraw-araw na buhay ng sinumang makabasa ng inyong katugunan…

maraming salamat at naway humaba pa ang inyong buhay… este ang blog nyo pala… sapagkat napakaraming tao ang inyong napapasaya…

SAGOT: linggo ng wika?

aking nabatid sa aking kamusmusan.
ang tagubilin ni inay, wag kalilimutan.
sa dapit-hapon ng aking kabataan.
yaong aking pag-asam na ikaw maiwasiwas. g1 g3

xiempre natitinik din po ang mga pusa.. (pusa na nman!! anak ng pusa!! g10 ) may mga oras na natitinik din cla kng ang nakain nilang tinik e ung malalaki.. minsan kc yang mga pusa e parang mga tao din (masisiba) lunok ng lunok, ndi na nginunguya ung tinik.. malalaman mo na natinik ang pusa kapag para clang babahing at masusuka… bat ko alam? kc pinakain ko ng malaking tinik ung pusa namin dati.. ginatihan ko kc nung natinik ako, pinakamot ko ung lalamunan ko (paniniwala ng lola ko yan..) e ang talipandas na pusa, kinalmot ako!!! e di gantihan na lng… hehehe g1 g6 g3

Bakit mortal na magka-away ang aso at pusa?

Meta: June 24 2007 // Tanong at Sagot // 13 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay John Bryan of San Carlos University, Cebu. Aba kasabwat ata to ni Edwin of San Carlos ah. Lagi nalang nagtatanong tungkol sa pusa! Bat kaya mahilig tong dalawang to sa Pusa? Puro Pusa nalang ang naiisipang itanong. Hmmmm? Ok… Intro ulit g6 Si John Bryan po ay Graduate ng Management Accounting gaya ni Edwin. At… yun lang po ang mabibigay kong impormasyon tungkol sa taong to. g6 Eto po ang kanyang katanungan! Hihihii..

TANONG:
meron po akong katanungan….. “ano po ba ang tunay na dahilan kung bakit naging mortal na magkaaway ang aso at ang paborito kung pusa…”

SAGOT: ayon sa mga kwento ang away nila ay nag-ugat pa sa kanilang mga ninuno.. sa mga sinaunang aso’t pusa.. g19

cla kc ang original na domestic animals.. mga pets na pwedeng magpagala-gala sa loob ng bahay.. mga seloso kc ang mga hayup na yan kaya nag-aagawan cla sa atensyon ng kanilang mga amo… g6

kaya delikado tau sa panahon ngaun dahil nauuso na ang pag-aalaga ng iba pang uri ng hayop bilang pet tulad ng baboy at ahas. meron pang tigre c chavit idol!!! at pag dumami na ang ganyan, may sasali na sa gang war ng pusa’t aso. g7

pero ayon sa isa pang tsismis, nagsimula talaga ang away na iyan ng mahuli ng isang lalaking aso ang isang lalaking pusa na ginagaya ang style nila sa lovemaking???!!! sabagay, may narinig ka na bang cat-style? wala di ba? wala kcng originality yang mga pusa at pati style ng mga aso e ginagaya. buti na lng at wala pang tao na nahuhuli ng mga aso na gumagaya sa kanila dahil pag nagkataon.. away eto!! g6

Masama bang kausapin ang sarili?

Meta: June 23 2007 // Tanong at Sagot // 14 Comments

Ang katanungang ito ay mula sa babae na ang pangalan ay Rhea, siya po ay isang CSR ng PeopleSupport sa Makati, doon po oh.. sa may Ayala. Madalas niya daw kausapin ang sarili niya kaya na formulate niya ang kanyang katanungan na nasagot ko naman hehehe… Mahilig daw siyang manood ng Cine, at mahilig kumain ng Oreo Blizzard sa Dairy Queen! wow na commercial pa sa jemme.net ang DQ. Hehehe talagang masarap po doon, try niyo po g6

TANONG:
KUYA KOW, QUESTION PO…. Batet pag kinakausap m ung self mo… prang malaking issue na un… eh mas kaabnormalan pa nga ung narrow minded ka… ngsstereotyp….o kya nmn, kinakausap mo ung ibng tao ksi ala kng magawa khit nonsense na cnasbi mo… sana masagot to ng mejo serious at sa mode na maiintindihan ko…. wahehe!!

SAGOT: bakit nga ba? wla nman masama kung kausapin mo sarili mo. actually, gawain ko yan pg i’m feeling down.. haharap ako sa salamin at sasabihin ko “ang cute mo! pamatay ka! ikaw ba yan sam milby? wag kang lumabas ng bahay dahil maraming mgpapa-authograph” g7 g6 g5

tama ka rin na mas maige pang talk to ur self kesa nman kinakausap mo ung iba tas wala ka nmang wentang kausap na tipong gusto ka ng pasakan ng hollow blocks sa bibig ng kausap mo.. g6

pero pero pero… un po kc ang orientation ng mga tao… pag nakakakita cla ng ngsasalita ng mag-isa e sira-ulo na..

ndi ba nila naisip na mas dapat clang mapraning pag nakakita cla ng taong nakikipag-usap sa poste ng meralco or sa mga earthworms? g7 g6 g5

talking to urself once in a while is normal pero pero pero wag lng madalas dahil bka bigla ka na lng damputin at bitbitin sa mental… g3 g6 g1

Bakit pag magki-kiss sa lips naka close ang eyes?

Meta: June 22 2007 // Tanong at Sagot // 21 Comments

Ang katanungang ito ay mula kay Miss Elizabeth of Hong Kong. Naks! May taga Hong Kong na rin na nagtanong. Siya daw ay isang Interior Decorator sa isang company na secret. Bat kaya ayaw nilang sabihin ang company nila? hehehe… May blog siya pero ayaw niyang e link, ewan ko ba bat ayaw ni Miss Elizabeth. Basta siya daw po ay single and available pa, 25 years old, 5’6″ ang height, pang model na babae. Siya ay may mahabang buhok and with white complexion. Naks! Medyo chinita siya at mahilig daw siyang kumain ng Leche Flan. tama ba spelling? or Leche Plant… nyahaha nakalimutan ko kasi. O ayan napa kilala ko na ang nagtanong ng tanong na to. g1

TANONG: ako po may tanong… assignment ko po ito,
bakit pag magki-kiss sa lips,
nagko-close ang eyes?

SAGOT: actually, ndi po cnasadya na naiko-close ang eyes pag nagkikiss.. yeheee g1

ang hirap pong sagutin kc ndi ko pa po nararanasan ang makipagkiss… virgin? g7

automatic na po un e kc kasama na sa emotion un, mas ramdam, mas may intense… yeheee… kadiri.. ndi mo na kc maiisip kung ilang libong germs galing sa laway nya ang mapupunta sau…

cge one time i-try mong pigilan ang pagpikit pag nakipaghalikan ka.. masasagwaan ka sa itsura ng kahalikan mo g6 totoo yan.. kc malapitan na kau masyado, makikita mo na ang mga blackheads, whiteheads, dry na pimples at kung ano-ano pang bakas ng stressful sa mukha nya g5 g7 so malamang bigla kang bibitaw sa pakikipaglaplapan g1

saka ok na po ung napapapikit pag hahalik kesa nman pag humalik tau e napapataas ang buhok or sumasara ang butas ng ilong… mas nakakapraning nman cguro ang ganun g6 g7 g3

Page 22 of 28« First...2021222324...Last »