Tanong: bakit my 3rd eye?
From: cris
Sagot: sabi nga ni ate shawee sa isang commercial… kung may 1st, merong 2nd at meron ding 3rd hehehe…
actually, lahat ng tao may 3rd eye. ung iba nga lang mas active or sabi nga nila, mas malinaw. siguro mahilig silang kumain ng kalabasa kaya pati ung 3rd eye nila e 20/20 ang vision. 
ang isa sa mga naiisip kong dahilan kung bakit tayo may 3rd eye e upang maging aware tayo na hindi lang mga nakikita ng pangkaraniwang mata ang nandirito sa lupa, para maging aware din tayo sa kanilang existence. isa rin itong paraan para mas lumaki ang paniniwala na may kaluluwa talaga ang tao.
sabi nila gift daw ang pagkakaroon ng bukas na 3rd eye pero para sa kin, no thank you! yoko nga makakita ng mga kaluluwa! sa kwentuhan pa nga lang halos himatayin na ko sa takot kapag gumana na ang imaginations ko, un pa kayang may makita akong lumulutang na babae or may nakatingin sa kin sa dilim?
pero sa kamalasan, hindi man ako binigyan ng “biyaya” na makakita ng mga kaluluwa or whatever, malakas naman ang pangdama ko sa mga ganung kakaibang nilalang. nararamdaman ko kapag may umaaligid sa lugar na kinatatayuan ko. madalas akong mabiktima nyan sa office namin dati, kala ko lagi may tao sa likod ko pero pag lumilingon ako, wala naman. nung una, napapraning talaga ko sa takot pero nakasanayan ko na rin at madalas ko na lang na binibiro na “kapag nahuli kita at nalaman kung babae ka! malalagay ka sa tabloid na ‘multo ginahasa’!”
advice ko lang sa meron nito, mag-ingat na lang kayo sa mga pagsasabihan nyo na may nakita kayong hindi pangkaraniwan kasi meron akong naexperience na yung isang officemate ko na nakakakita ng mga ganyang hindi pangkaraniwan e may nakita sa office namin. ang magaling na bata, sinabi sa isang tao na akala n’ya pwedeng pagkatiwalaan (akala ko din dati!) kaya ayun, sinabi nya na may nakita nga syang lalaki na nakaputi na pumasok sa kwarto. ang magaling na pinagsabihan ng nakita, ikinalat ang kwento kaya yung iba nag over-acting. hanggang umabot sa may-ari na isa pang hindi naniniwala sa mga ganung kwento kaya tinanggal ang kawawang bata na tatlo ang mata! sayang kasi gustung-gusto ko pa naman yung lagi nyang binabaon na marsmallow (ung malalaki talaga!).. hehehe… sa marsmallow talaga ko nanghihinayang e! hindi kasi nya nasabi kung san nya binibili un bago sya nasibak!

)
ang mga babae naman ay todo topless pa!
naks! bukod sa matinding kissing scene sa gilid ng bahay at love scene sa loob ng tent na madilim naman, wala ng ibang kalaswaan sa movie na to. Pero matured na ang mga characters sa movie na to kaya malamang hindi bagay sa’yo.