Pangkat ng edad na may pinakamalaking populasyon

Meta: August 22 2008 // Tanong at Sagot // 22 Comments

From: Wilma Joyce G. Villagarcia

Tanong: anong pangkat ng mga edad ang may pinakamalaking populasyon sa bansang pilipinas?

Sagot: Simple lang ang maisasagot ko sa katanungan mo. Ang pangkat ng edad na may pinakamalaking populasyon sa Pilipinas ay mula 1 day old hanggang 120 years old. Kung may lalampas pa d’yan ay malamang maire-record na sa guinness record. Hehehe..

Actually, ang age range talaga na may pinakamalaking populasyon sa Pilipinas ay from 1 day old hanggang 10 years old. Eto ung mula infant hanggang toddlers. Binubuo nito ang 28% ng populasyon ng Pinas na sinusundan naman ng adolescence/teenagers group (11-19) na may 26%, young adults (20-30) na 24%, adults (31-50) na 21% at oldies (51 and up) 14%. g9

Kung mapapansin nyo habang tumatanda ang tao ay nababawasan ang bilang nila dahil sa bawat pagdaan ng taon, ang iba sa kanila ay namamatay bunga ng sakit at ang iba ay nagpapakamatay dahil sa mga pagsubok na dumarating sa buhay nila. g5

Mapapansin mo rin na kung pagsasamahin ang kabuuang bilang ng mga nabanggit na populasyon, malalaman mo kung nagsasabi ako ng totoo, kung magaling ka sa math at kung dapat ka ng tumigil sa pag-aaral ng accountancy. g3

Anong meron sa larong Dota?

Meta: August 17 2008 // Tanong at Sagot // 27 Comments

From: Kihary

Tanong: anu po ang merun sa larung DOTA at ang mga kabataan ngaun ay nalululun sa bisyung i2… aabot po b e2 sa aming mga susunod n saling lahi?

Sagot: Tanong ko din yan sa sarili ko e. Ano nga bang meron sa larong DOTA at ang dami talagang naadik dito? At hindi lang mga kabataan ang nalululon dito, may mga adult na adik na rin dito. Maraming mag-bf/gf at mag-asawa ang naghihiwalay dahil dito kasi nauubos ang oras nila sa paglalaro.

Hindi kasi ako naglalaro ng Dota. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa mga computer games. Mas gusto ko ang magbasa-basa. Siguro dahil takot din akong maadik sa paglalaro tulad nila. May isa nga akong officemate na inuubos ang oras ng breaktime sa paglalaro ng dota at madalas overbreak pa. Nawiwili nga kasi wala nmang sumisita sa kanya kasi wala ang mga bossing at ang magaling sa oras ng trabaho kumakain. Magaling magaling talaga. At nandadamay pa ng iba!

Siguro tulad lang din eto ng kahiligan sa ibang bagay, may nakukuha silang kakaibang level ng kaligayahan sa paglalaro. Hayaan na lang natin sila sa trip nila kesa nman malulong sila sa masamang bisyo pero sana wag naman umabuso.

Sigurado aabot pa yan sa mga apo ng apo nyo sa tuhod pero sigurado rin ako na hindi na nila yan papansinin kasi mas hi-tech na ang mga games sa panahon na yun. Parang brick games dati. Sobrang naadik ako dati dun pero ngayon hindi na eto pinapansin ng mga kabataan.

Nagbabago ang mga laro kasabay ng pagtakbo ng panahon. Dati mga balat lang ng candy, tansan, goma at iba pang bagay na nasa paligid lang ay pwede nang gamitin sa paglalaro basta may paa, kamay, mata at bibig ka lang pero ngayon soooobrang hi-tech na ng mga games.

Ang tanong na nga lng e kung sa darating na panahon e marunong pang maglaro ang mga bata ng HINDI gumagamit ng internet, kuryente at battery. g16

Why we need to pay a toll fee?

Meta: August 15 2008 // Tanong at Sagot // 10 Comments

From: JHE

Tanong: why we need to pay a toll fee in a freeway?

Sagot: Alam mo Jhe sa panahon ngayon, sakit sa dugo ang pinakasikat na sakit. Marami ang kulang sa dugo. Bakit? Dahil sa dami ng nagno-nosebleed sa mga katanungan na english-englisan!

Bakit tayo nagbabayad ng toll fee sa freeway? San ka ba nagbabayad ng toll fee? Sa toll di ba? E ung way lang nman ang free at hindi ung toll! Magreklamo ka kung singilin ka ng toll fee sa freetoll! corny… sana matigil na ang kacornihan sa mundo… g8

Seriously, kelangan kasi yang binabayad natin sa toll for maintenance and for future improvements. Wala nman kasi talaga libre sa panahon ngayon. Lahat ng bagay ginagastusan! Kahit nga mga babaitang hindi kagandahan e naniningil ng talent fee sa mga customer nilang gwapo na kung tutuusin e dapat libre na lang kasi swerte na at pinatulan sya ng isang gwapo. g3

May babae ba ang asawa ko?

Meta: August 13 2008 // Tanong at Sagot // 13 Comments

From: MAYBELLE

Tanong: Paano mo malalaman kung ang asawa mo ay may babae?? at paano mo malalaman kung ang asawa mo ay mahal ka talaga?

Sagot:

May babae ba ang asawa mo? Ang sagot ay OO! Isang matinding OO! Meron s’yang babae! Ikaw yun! Maliban na lang kung hindi ka talaga babae. g3

Tama ba? O baka naman ang ibig mong itanong e kung “May IBA bang babae ang asawa ko?” Ang gulo naman kasing magtanong e!

Kinukutuban ka ba na may ibang babae ang asawa mo? sabi nila kapag kinutuban daw ang babae na ang asawa nya ay may ibang kinakalantari (what a word?) 80% tumatama eto.

Maraming pwedeng gawin para malaman mo na tama ang kutob mo..

1) Amuyin mo s’ya pagdating nya from work. it’s either amoy pawis s’ya or amoy ng pabango na gamit n’ya. other than that, iba na yan. malamang pabango nung other girl nya un or amoy ng sabon sa kung sang motel man yan.

2) Halungkatin mo ang cellphone nya. mula sa inbox, outbox, sent items, pati ung mga hidden folders. madalas na sa gantong paraan nahuhuli ang mga mister ng mga misis nila. pero mautak na ngayon ang mga mister sa bagay na yan kaya naka-automatic unsave na ung setting ng sent messages nila. kaya baguhin mo ang setting nya dito ng hindi nya nalalaman. syempre hindi s’ya aware na binago mo ang setting ng phone n’ya, hindi na ito titignan ng asawa mo. Makikita mo na kung sinu-sino at anu-ano ang pinagtitxt ng magaling mong asawa.

3) Kapag lagi na lang syang walang gana sa bed kapag kinakalabit mo. pero syempre wag nman gabi-gabi ang pangangalabit kasi pagod din s’ya from work. atleast every other 3 days nman. maski nman cguro ako ang mister mo, tapos kakalabitin mo ko every night, baka kalabitin din kita. pero ung matalim na matalim na kutsilyo ang ikalabit ko sa’yo.

4) Makipagkaibigan ka sa mga officemate n’ya para may contact ka sa work n’ya at may maging source ka kung pumasok ba s’ya or kung naghalf-day s’ya para lang makasimple sa kulasisi n’ya.

Ang mga guys kasi hanggat makakalusot, itatanggi n’ya ang kalokohan n’ya. naalala ko tuloy ung isa kong friend na hindi ko alam kung sa anong higad ipinaglihi sa sobrang kati.

Nahuli na ng asawa nya sa mall na may kaakbay na ibang babae. ang ginawa ng magaling biglang nagwalk-out mag-isa, iniwan ang asawa at ang kulasisi, umuwi ng bahay, naligo, at nagluto ng dinner. pagdating ni misis sa bahay, umuusok sa galit..

“hoy magaling na lalaki! napakawalanghiya mo talaga! matapos kitang mahuli na may babae, bigla ka na lang lumayas!”

dahil hindi pahuhuli ng buhay si mister, nagbitaw s’ya ng mas mabigat

“ano bang pinagsasabi mong babae ka? san ka ba nanggaling? maaga ako umuwi dahil masama ang pakiramdam ko tapos wala akong aabutang pagkain dito sa bahay! Gawain ba yan ng isang matinong may-bahay? Ngayon ako pa pagbibintangan mong nambababae! Anong klase kang asawa?!”

E di nayanig si misis. Wala nga nman syang ebidensya. Hindi nga nman pwedeng ebidensya ang salita lang, dapat may matibay na patunay. Natahimik si misis, kumain na lang ng dinner at naghugas ng pinagkanan.

mas maganda kung meron kang matibay na ebidensya gaya ng mga pictures at ung mismong babae.

Sabi nman ng iba, hindi mo raw talaga mapipigil ang mga lalaki na tumingin at tumikim ng iba kasi natural na yan sa mga guys. Siguro hanggat kaya mo pang magpasensya at hanggat hindi nman n’ya sineseryoso ung girl, pagpasensyahan mo na pero pag ung tipong nawiwili na talaga at seryosohan na, aba! ibang usapan na yan!

Abangan mo sila, kelangan ung magkasama sila. mas maganda in public para maraming testigo sa gagawin mong resbak! At magrenta ka rin ng photographer para may remembrance ka sa kagitingan na gagawin mo. Magdala ka ng maraming rambutan at langka!

“Ang kati mong babae ka ha! Etong rambutan sa’yo! ikuskos mo sa buong katawan mo! Eto nmang langka ang sa’yo lalaki ka! Hindi ka na nakontento sa kin! Buti sana kung mas maganda sa kin yang nilalandi mo eh mukha nmang bisogo yang babae na yan! Ang hilig-hilig mo e hindi nman kalakihan yang pag-aari mo! Magsama kayo tutal pareho kayong makati pa sa damong dagat!”

Seriously, dapat pag-usapan nyong mag-asawa yan! Heart to heart. Dapat yung kayong dalawa lang at walang ibang makakarinig. Titigan mo s’ya sa mata saka mo s’ya tanungin kong nagloloko ba s’ya. Dapat handa ka sa kung ano man ang isasagot n’ya. Pag umamin at nagsorry nman at nangako ng magbabago. Patawarin mo na kahit sa loob-loob mo e gusto mo ng dukutin ang mga mata nya! Kung madaling tanggapin ang sorry, bakit nauso pa ang mga korte at may mga attorney pa? g3

And look at the brighter side. sabi nga nila, sa bawat madilim na parte ng buhay mo ay may kaakibat na liwanag. matuwa ka na lang na ang asawa mo ay nambababae at hindi nanlalalake! Anak ng! Baka mas malandi pa pala sa’yo yan at mas kulot ang eye-lashes. g8

Ngayon, kung pano mo malalaman kung talagang mahal ka ng asawa or partner mo e hindi madaling sagutin, walang ibang pwedeng magsabi sa’yo kung mahal ka n’ya ba talaga kundi s’ya mismo dahil s’ya lang ang nakakaalam at nakakaramdam nun! Pero try mong dukutin puso nya bka sakali sumagot yun.

Ang isang relasyon kasi laging dalawahan yan. Hindi pwedeng puro love lang. Dapat may trust and faith.

Trust para protection at matinding faith na hindi mabutas ang trust dahil disgrasya pag nagkataon. g2 g3

Ano ang kasaysayan ng hotel?

Meta: August 08 2008 // Tanong at Sagot // 7 Comments

From: ANONYMOUS

Tanong: Ano ang kasaysayan ng hotel?

Sagot:

Matapos kong isangguni sa isa kong kaibigan na kilala pagdating sa mga usaping hotel na si friendship Paris Hilton, nalaman ko ang matinding kasaysayan ng hotel.

Noon pa mang unang panahon na ang ginagamit na tahanan ng mga tao ay kweba ay naisipan na nilang gumawa ng hotel na pinauupahan sa mga manlalakbay. Eto ay sa kaanyuan pa rin naman ng kweba at ang bayad ay mga kagamitan or pagkain hindi tulad ngayon na nagtataasang building na akala mo ay mga palasyo at ang renta ay halos pwede ng ipantayo ng ordinaryong bahay.

Ang kauna-unahang pormal na hotel ay itinayo sa Italy ni Jotelino Eyre noong 1854. Si Jotel ay isang negosyante na naglalakbay sa buong mundo upang mangalakal. Isa sa pinaka nagiging problema n’ya sa paglalakbay ay lugar na matutulugan. Kaya ng tumigil s’ya sa paglalakbay dahil sa katandaan, naisip n’yang magtayo ng hotel bilang negosyo at tulong na rin sa mga naglalakbay. Tinawag etong Jotelino na hindi nagtagal ay tinawag na Jotel at sa pagdaan ng panahon ay napalitan na ng Hotel.

Bukod sa mga manlalakbay, ang mga hari at myembro lamang ng mga nasa matataas na tao sa lipunan lang ang tinatanggap sa hotel at dahil na rin sa may kataasan ang halaga ng renta, hindi eto pinapasok ng mga ordinaryong mamamayan. Dahil dito kaya naitayo naman ang MOTEL, para sa mga maliit ang budget at maliit lang din ang oras na kelangan sa pagtigil sa kwarto dahil kelangan pa nilang umuwi agad sa kanilang mga tunay na asawa. ang tawag dito “short time”.

Kung susuriing mabuti at aalamin ang mga kwento sa likod ng pagtatayo ng mga hotel, malalaman mo na ang mga nabanggit sa taas ay pawang kalokohan ko lamang na nabuo habang nakatunganga ako sa lobby ng Shangri-la Hotel Makati. g3 g4

 Page 4 of 28  « First  ... « 2  3  4  5  6 » ...  Last »