Ano ang kasaysayan ng hotel?

Meta: August 08 2008 // Tanong at Sagot // 7 Comments

From: ANONYMOUS

Tanong: Ano ang kasaysayan ng hotel?

Sagot:

Matapos kong isangguni sa isa kong kaibigan na kilala pagdating sa mga usaping hotel na si friendship Paris Hilton, nalaman ko ang matinding kasaysayan ng hotel.

Noon pa mang unang panahon na ang ginagamit na tahanan ng mga tao ay kweba ay naisipan na nilang gumawa ng hotel na pinauupahan sa mga manlalakbay. Eto ay sa kaanyuan pa rin naman ng kweba at ang bayad ay mga kagamitan or pagkain hindi tulad ngayon na nagtataasang building na akala mo ay mga palasyo at ang renta ay halos pwede ng ipantayo ng ordinaryong bahay.

Ang kauna-unahang pormal na hotel ay itinayo sa Italy ni Jotelino Eyre noong 1854. Si Jotel ay isang negosyante na naglalakbay sa buong mundo upang mangalakal. Isa sa pinaka nagiging problema n’ya sa paglalakbay ay lugar na matutulugan. Kaya ng tumigil s’ya sa paglalakbay dahil sa katandaan, naisip n’yang magtayo ng hotel bilang negosyo at tulong na rin sa mga naglalakbay. Tinawag etong Jotelino na hindi nagtagal ay tinawag na Jotel at sa pagdaan ng panahon ay napalitan na ng Hotel.

Bukod sa mga manlalakbay, ang mga hari at myembro lamang ng mga nasa matataas na tao sa lipunan lang ang tinatanggap sa hotel at dahil na rin sa may kataasan ang halaga ng renta, hindi eto pinapasok ng mga ordinaryong mamamayan. Dahil dito kaya naitayo naman ang MOTEL, para sa mga maliit ang budget at maliit lang din ang oras na kelangan sa pagtigil sa kwarto dahil kelangan pa nilang umuwi agad sa kanilang mga tunay na asawa. ang tawag dito “short time”.

Kung susuriing mabuti at aalamin ang mga kwento sa likod ng pagtatayo ng mga hotel, malalaman mo na ang mga nabanggit sa taas ay pawang kalokohan ko lamang na nabuo habang nakatunganga ako sa lobby ng Shangri-la Hotel Makati. g3 g4

Kailan nagsimula ang wika?

Meta: August 03 2008 // Tanong at Sagot // 12 Comments

From:jessy mar

Tanong:kailan nagsimula ang wika? ano ang unang nabigkas nasalita?

Sagot:ang wika bow!

ayon sa mga pag-aaral, isang klase lang ang ginagamit na wika noon. wala pang tagalog, english, cantonese at mandarin. wala pa rin ang french na akala mo lagi kang nililigawan at wala pang german na akala mo laging naghahamon ng away at niyuyurakan ang iyong pagkatao. g3

ang wika o salita ay nagmula lang base sa mga natural na tunog sa kapaligiran at base din sa galaw ng ating bibig at dila. base din ang mga ito sa emosyon at reaksyon ng mga sinaunang tao sa mga kaganapan sa kanilang kapaligiran. pag masaya sila, maririnig mo ang “aaaghhh aaaghh” na ang ibig sabihin ay “hahaha! nakakatawa naman!” ngayon naging “lol” na lang. pag galit sila “oogah oogah” na ibig sabihin ay “pu*@ng i#@ mo ka!!” na naging “nak ng!” na ngaun.

ayon sa kwentong biblical, nagsimula lang magkaiba-iba ang wika ng mga tao habang itinatayo ang tore ng babel. nasa kalagitnaan pa lng ang pagbuo ng tore ng bigla na lng magkagulo dahil hindi na sila nagkakaintindihan, dahil dun hindi na natapos ang tore ng babel. isang patunay din ito na noon pa man ay may mga congressman na!

meron din noon na “ogh ogh” para sa “off” at “agh agh” para sa “on”.

sa pagdaan ng panahon, nadedevelop na lng ang bawat tunog na nagmumula sa bibig ng bawat tao hanggang sa maging malinaw na salita eto. ginamit din nila eto para maging palatandaan ng kanilang mga pag-aari tulad ng lupain, hayop, mp3 at cellphone!

ayon sa isa kong kaibigan na mukhang sinaunang tao, ang bawat salita na ginagamit sa bawat bansa ay epekto ng kinanalagyan ng mga eto sa mapa at sa dami ng mga sumakop dito. dumaan sa iba’t ibang stages, may nadagdag at may nababawas sa pagdaan ng panahon.

ang mga salita noong unang panahon ay pagkakamalan mong drawing lamang ng isang batang wala pang muwang sa mundo. eto ay tinatawag na alibata. madalas nila etong isulat sa mga pader ng kweba, sa mga dahon at sa mga pader sa gilid ng edsa. nakakalungkot lang isipin na maliban sa huling nabanggit, wala na ni isa man ang natira sa kanilang mga sinulatan, may makita ka man, malamang hindi mo rin pagtatyagaang basahin dahil iisipin mong gawa lng yun ng isang adik na hindi pa natutulog ng tatlong araw.

nakakatuwang isipin kung ilang libong taon ang dumaan bago nadevelop ang mga salitang putek ka! charing! chika! funk! shet!

kung iisipin mo, noon madaling intindihin ang mga salitang ginagamit lalo na sa mga kanta.

noon:
dungawin mo hirang ang binatang nananalangin sa iyong pagmamahal…

ngayon:
let me touch your boon boon..

nak ng! ano nman kaya yung “boon boon” na un? isipin mo na lng kung anong salita pa ang madedevelop after 10 years!!

ang dating “sorry” naging “super sorry” na ngayon! kung “sorry” lang parang pwede mo pang hindi tanggapin ang sorry nya pero pag “super” na parang wala ka ng karapatang magalit pa sa kanya! meron pa yang “super thank you!”

Bakit sa hapon ang palitan ng DVD?

Meta: July 27 2008 // Tanong at Sagot // 10 Comments

From: FRANZ

Tanong: Bakit sa hapon palagi ang palit ng DVD at VCD?

Sagot: amm… sa hapon ba? bat alam mo yan? siguro nagbebenta ka ng mga pirated DVD and VCD no?! talipandas ka ha!! may DARK KNIGHT ka ba d’yan na DVD copy na? pabili naman! hehehe… g10

Actually, kaya sa hapon ang palitan kasi yung mga namimirata eh sa last full show nanonood sa mga sinehan para konti ang tao, tapos xiempre matutulog pa sila pagkagaling sa sinehan. so ung pagka-copy ng mga pirated na movie e nagaganap sa morning tapos babyahe pa yan sa lahat ng branches nila na nagkalat sa bawat kasulok-sulukan ng Pilipinas! Kaya inaabot na talaga sila ng hapon sa ating mga suking tindahan. g6

Ngayon, since napag-usapan na natin ang mga pirata na yan. Naisip ko lang, ung mga nasa showbiz industry na laging nagsasabi na wag bumili ng pirata, never ba silang bumili ng kahit isang pirated VCD or DVD? peksman? tamaan man sila ng kidlat? sinungaling!. g3

E masisisi mo ba nman ang mga tao na bumili ng mga pirated DVD, VCD, etc etc.. hello!! ang mura kaya no! meron pa ngang 12 in 1 na less than hundred lang ang presyo! san ka pa?! bat ka nga nman gagastos ng mahal kung meron nmang mura at updated pa! hindi sa iniengganyo ko lahat na bumili ng pirated na kopya. kaya lang kasi sa hirap ng buhay ngaun, silang mayayaman lang ang can afford na gumastos sa pagbili ng mga original copy na apat na doble ang halaga kesa sa mga pirated. may mga kilala din akong mayayaman na bumibili ng pirated no!

Sigurado may hihirit d’yan ng “e kasi pag original mas may quality, pang lifetime na ung copy mo! hellerr!!!”

Helleeerrr ka din!!! hehehe… awayin ba ang sarili? g4 bakit lahat ba ng movie na gusto mo ngaun e gusto mo pa rin for life? kung naintriga ka sa movie na SPIDER MAN 3 ngaun dahil sa ganda ng mga comment na naririnig mo, sure ka ba na after 10 years e gusto mo pa rin etong panoorin sa ORGINAL DVD? kung naintriga ka ngaun, gagastos ka ba ng 122 sa sinehan dahil maganda daw sabi ni ganito at ni ganyan? what if hindi mo nagustuhan, hindi s’ya pumasa sa mataas na standard mo pagdating sa mga movies, mababawi mo pa ba ung 122 pesoses mo? hindi! nabilang na un sa income ng producer ng movie, idagdag mo na ung kita ng mall sa pagbili mo ng popcorn at softdrinks! kung buong pamilya nyo may 6 na member e naintriga lahat sa movie na YOU DON’T MESS WITH ZOHAN kasi mukhang nakakatawa tlaga xa sa tv commercial, gagastos ba kayo ng 732 pesoses para mapanood ang movie na yan?! idagdag mo pa ang pamasahe at pantanggal uhaw sa katatawa. almost 1 thousand yan! 1 thousand!!!! ilang kilong bigas na yan???!!! e kung bumili ka na lng ng pirated d’yan sa bandang quiapo! 50 pesos!! good for 6 pairs of eyes at pwede mo pang idamay sina lolo, lola, pinsan, friend, yaya, kapitbahay, katulong, at pati si tagpi. isabay during lunch or dinner para tipid sa food, safe pa kayo kasi nandun lang kayo sa loob ng bahay, astig pa kayo kasi naunahan nyo pa ang showing nya sa mga mall ng mahigit 1 month.

50 pesos laban sa 732 pesos! 682 pesos ang difference! ilang oras na overtime ni tatay yan!! ilang kilong bigas din yan! ilang cubic meter din ng tubig yan! ilang kilowat din ng kuryente yan! ilang araw na baon sa eskwela nila ate at kuya yan??!!

anong sasabihin ng mga artista? “manood po kayo ng movie ko na napakaganda (sinong artista ba ang umamin na panget ang movie na kasali sya?) wag po nating tangkilikin ang mga pirated copy dahil nalulugi po ang industriya ng pelikulang pilipino at naghihirap ang mga artista

anak ng!! pakilam namin kung maghirap kayo?!! bakit wala na ba kayong pambili ng mga mamahalin nyong damit, bag, sapatos, bahay, pampaopera para mabawasan ang taba, pampaputi at bakasyon kung san-san? e kayo may pakilam ba kayo kung yung isang pamilya e walang makain kahit isang beses sa isang araw? may pakilam ba kayo kung may mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay? pag may isang movie goer ba na namatay ang ama o ina na walang panggastos para sa libing, may pakilam ba ang mga artista? magaling lng nman yang nga yan sa pagtulong kapag may mga camera na nakatutok sa kanila. ia-annouce pa sa tv para dumami ang fans. yan ang isa sa sangkaterbang pagkakapareho nila sa mga politiko. e imbes na igastos ng pamilya ko ung pangsine na 732 pesos, bat hindi na lng ako bumili ng pirated na 50 pesos tapos ung matitirang 682 e itulong ko sa mga nangangailangan ng MAS MAHALAGA SA BUHAY NG ISANG TAO?!! isa pang tanong: WORTH IT ba ang movie mo para paggastusan ko kahit sa pirated copy man lng? g9

bat ako bibili ng original CD ni gantong singer o ng gantong banda kung pwede nman akong magdownload na lng. pakabit na lng ako ng internet sa pc, nakapagdownload na ko, magagamit ko pa ang pc para sa mga research. praktikalan na lng!!

kung sila maluho, kami pratikal nman. g3

pero sabihin na nating masama kasi ang pirated kasi nga pirated sya, nagnanakaw ng pinaghirapan ng iba. pero masisisi mo ba ang mga nasa middle level pababa ang buhay? sa yun lng ang kaya ng bulsa nila eh! bat hindi na lang nila babaan ang presyo ng mga original para ma-afford nman ng lahat at pwede sana yung matinong movie & songs nman para hindi nman kami magsisi na nasayang lang ang pera namin sa pagbili ng original.

ngayon kung talagang seryoso sila na matigil ang piracy dito, bat parang napakatanga nman ng kinauukulan na hindi pa rin nila mapigil ang gawain na yan? bakit dun sila sa mga tindero nagpupunta? ang mga yun, nagbebenta lng. kung gusto tlaga nilang matigil, bat hindi ung mga nagpoproduce ng pirated ang gawin nila? manghuli sila ng ilang vendor, itanong kung sinong supplier, pag nahuli ang supplier, hanapin kung san kumukuha ang supplier, then hanapin kung san ang pagawaan at hulihin ang may-ari hindi ung kagamitan lng. o kaya alamin kung sino ang importer ng mga sangkaterbang blank CD, malamang sa hindi gagamitin nila un para mag reproduce ng milyong-milyong pirated movie.

sounds easy pero mahirap gawin? korek! pero kung talagang desidido sila, magagawan nila ng paraan! sabi nga ng isang kasabihan: KUNG GUSTO MAY PARAAN. KUNG AYAW MAY MILYON MILYONG DAHILAN.

ang hirap kasi ang daming makapal ang mukha na tumatanggap ng LAGAY!

May fans club na ba ko?

Meta: July 20 2008 // Tanong at Sagot // 4 Comments

From: ISH

Tanong: may fans club ka na ba? pwede mag-pa-autograph? :D

Sagot: naks! fans club!! parang artista ha. g3

ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, meron na akong mga fans. pero mas gusto ko silang tawagin na mga mambabasa. hindi nman kasi ako artista na may sangkaterbang fans gaya ng SOLID toot toot FANS CLUB o kaya nman THE UNBEATABLE FRIENDS OF toot toot. bigay na lng natin kina ate guy, ate vi, shawee, juday at jolens ang bagay na yan! ang mga mambabasa na tumatangkilik sa mga isinusulat ko na minsan hindi ko rin maisip kung san ko napagkukuha ay nahahati sa iba’t-ibang level;

avid reader - eto ung tipong everyday walang palya na nagbubukas ng jemme.net. pagbukas ng computer, hindi pa lumiliwanag ang screen e nakaset na agad sa address site nya ang http://www.jemme.net. yan na talaga ang default nya! kahit wlang bagong sagot, nagbabasa pa rin sya ng mga lumang sagot. ang mga myembro nito ay may IQ level na above genius. sa pagkakaalam ko, nasa humigit kumulang at hindi tataas sa 1 ang bilang ng myembro nito.

bored - eto nman ung tipong bagot lng sa trabaho at sa buhay na konting pirma na lng ng katinuan ay magpapatiwakal na kaya naisipang dumaan dito upang makalimot sa realidad ng mundo. nasa 3 and a half ang myembro nito, ung remaining half e kasalukuyang naglalakbay sa kalawakan. ang mga kasapi ng samahang eto ay may IQ na 185 bawat isa.

excuse me – eto nman ung mga tipong lahat ng site ay dinadaanan. kung may maglilista lang ng pangalan ng bawat taong dadaan sa lahat ng site, sigurado nandun ang pangalan nito. parang out-of-nothing e naisipan nyang itipa sa google ang jemme kaya napadpad sya dito. kung isa ka sa mga myembro nito, asteeg ka! kasi may isang sikat na dj sa fm radio na kasapi mo. ibang level ka men!!

curious - eto ung nakwentuhan lang ng isang kaibigan na nakwentuhan lang din ng isa pang kaibigan na kaklase ng katrabaho ng isang officemate ng kaibigan na binayaran ko kaya napilitang dumaan dito at naisipang magtanong kung totoo ba tlaga ako o isang guni-guni lamang. magtatanong minsan, tatawa minsan, sisimangot pag nakornihan at kapag tinanong mo kinabukasan kung anong masasabi nya sa jemme.net, hollow ang isasagot kasi nalimutan na nya ako agad. mahigit 50 ang members ng grupong eto at madalas mo silang makikitang tulala sa lrt, mrt, fx, jeep at bus.

kung susuriing maigi, lalabas na ang mga nagbasa, nagtanong at natawa sa mga pinagsususulat ko dito ay may IQ na 290. wag kang magpaparty sa tuwa kasi idi-divide pa yan sa bawat isa. ibig sabihin pauso ko lng yan. g4

OK bang ma-inlove sa isang homosexual?

Meta: July 17 2008 // Tanong at Sagot // 4 Comments

From: SNAGE

Tanong: kuya jemme, ok lng ba mainluv sa isang homosexual? hehehehe…

Sagot: nman… very complicated question ha! yang question mo na yan ba snage eh based on your own experience? in-love ka na?!! naks!! paburger ka nman!! burger! burger burger!!

well, para sa kin wla nmang masama kung mainlove ka sa kaparehong gender mo. i mean minsan kasi may mga bagay o pangyayaring nagaganap na out of our control. pero syempre hindi biro ang malagay sa ganyang situation. marami kang dapat pag-isipan bago mo i-pursue yan at pagbigyan ang init ng katawan este init ng bugso ng damdamin. g3 talaga bang in-love ka? bka nman kasi humahanga ka lng dun sa tao! dahil may mga ginagawa syang kahanga-hanga or may meron syang physical or mental aspect na naiisip mo na sana meron ka din gaya ng mahahaba nyang buhok sa ilong (ang cute nun di ba?) ako i admit may mga crush din akong guys kasi may mga talent sila na gusto kong maging ganun din sa kin, gaya ni jehzeel naks! idol ko yan sa sobrang hyper pagdating sa programming! pero pinagnanasaan ko ba sya? hindi! kasi ibang level na yun! pero ako crush kaya nya? hehehe.. g4 (note: ndi po gay c jehzeel, 3 nga gf nyan! hehehe…)

dapat mo ding isipin kung handa ka ba sa magiging reaction ng mga taong nakapaligid sa inyo. kahit sabihin natin na hindi talaga importante kung ano ang sasabihin at iisipin ng ibang tao sa atin dahil may sarili tayong pag-iisip, minsan hindi maiiwasan na maapektuhan pa rin tayo at lalo na ung mga mahal natin sa buhay. kung handa ka sa bagay na yan, handa ba ang magulang at mga kapatid mo? lalo na dito sa bansa natin na kahit sangkaterba na ang naglalantad at sabihin na nating liberated na ang mga tao (eksena sa jeep pa lng; mag-bf-gf na hyskul student! hindi pa fully-develop ang mga parte ng katawan pero kung magyakapan at maglandian dyoskopow!; si ate halos mamilipit sa pag-upo sa loob ng jeep maitago lng ang singit kasi nman ung mini-skirt halos isang dangkal lng, putol pa ang hinliliit nyan ha!; at si manong driver laging idinadaan sa lubak ang jeep kasi nman si miss, sa sobrang baba ng neckline halos lumukso na palabas ang boobs tuwing malulubak!), hindi pa rin ganun katanggap ang ganyang relasyon! marami pa rin ang sarado ang utak!

kung in-love ka sa kanya, natanong mo na ba kung mahal ka din nya? baka naman ikaw lang ang nagmamahal? hindi tama yan! hindi rin maganda kalalabasan nyan kung ikaw lang ang nagmamahal at lalong hindi rin maganda mangyayari sayo pag nagkataon dahil ang haba na ng naipapayo ko tapos hindi ka naman pala nya papatulan! mabibigwasan kita! nasayang lng effort ko! hehehe..

ok fine! sabihin na nating mahal ka din nya! hanggang kelan?  i mean, may kilala ka bang nagtagal sa ganyang relasyon? ako, wala ni isa. palipat-lipat lng sila. palaging naghahanap ng bago. hindi ko alam kung bakit pero wala talaga akong kilala na nagtagal. laging may nagaganap na hiwalayan.

hindi ako against sa ganyang relasyon at lalong hindi ako galit sa mga homosexual. i can be friends with them, i have friends na homo pero not to the point na mauuwi yun sa love na may malisya. masarap silang kasama, laging masaya, puno ng buhay at tawa; masarap silang kakwentuhan dahil sa dami ng mga pagsubok na dinaanan nila mula pa pagkabata para lng ipagtanggol ang sarili nila sa mga taong hindi sila matanggap na madalas ay pamilya pa nila mismo.

aminado ako, minsan naging mapanghusga din ako sa mga homo pero matagal na un. nung IMMATURE pa ko! nung mga panahon na akala ko sila ang pumili kung ano sila. i have gay friends na ilang beses na nagkwento sa hirap na pinagdaanan nila. na kung mahirap ipatanggap sa ibang tao kung ano sila, doble na mas mahirap aminin sa pamilya nila kung sino sila at triple ang hirap na aminin at tanggapin sa sarili kung ano at sino ka.

kung in-love ka, nasa iyo at sa kanya ang desisyon kung itutuloy nyo sa isang relasyon ang nararamdaman nyo pero isipin mo rin na hindi lang ikaw ang involve dyan. dalawa kayong may responsibilidad dyan. maraming magbibigay ng reactions at comments pero wala isa man sa amin ang may karapatang magsabi kung tama o mali ang relasyon nyo. buhay nyo yan! kung anong iisipin ng ibang tao tungkol sa inyo is out of your business, hindi sila kayo at hindi kayo sila. lahat tayo may kanya-kanyang baho sa buhay, nagkataon lang na mas matapang kayo na ilabas ito at sana maging matatag kayo na harapin ang CONSEQUENCES ng magiging decisions n’yo.

whew! serious na masyado! ang lalim na!! tagal kasi napending ng mga answers ko! medyo naging busy kasi ko sa work this past 2 weeks! para akong hinila ng boss ko sa harap ng paper works para maghukay ng lupa at maghanap ng ginto na gagamitin ng company para hindi kami matulad sa mga nagsasarang company. punong-puno pa ng salonpas ang katawan ko ngayon pero buhay pa nman! rak en rul!

Page 5 of 28« First...34567...Last »