From: Rich {mayaman? sosyal!}
Tanong: may opposite po ba ang life? kadalasan kc sabi nila..death is the opposite
of life..pero db mas tamang sabihin na birth and opposite ng death? what do
you think?
Sagot: what do i think? i don’t think.Â
nagsusuplado lng! hehehe..
death talaga ang opposite ng birth! nangingialam ka na nman kasi mga pananaw naming mga tao e!! ibahin mo kami sa inyong mga encandyosa! ang life is in between birth & death. birth is the beginning of life & death is the ending of life! ganun un!
parang kalye lang yan. pag nagbyahe ka sa edsa via bus papuntang SOUTH, subukan mong tanungin ang konduktor ng “manong naligo ka ba?” asahan mo ng makakababa ka ng bus ng hindi sumasayad ang paa mo sa estribo nito. sigurado yan! pero kung tatanungin mo sya ng “manong ano po ang opposite nitong dinaraanan natin?” ang sasabihin nya sayo “e di yang kabilang kalye ng edsa papuntang NORTH!” opposite yan! ung going south parang birth, ung going north parang death… ung dadaanan mo from south way to north way kasama na ung island in between, un ang life! ngaun kung nakakailang hakbang ka pa lng tapos bigla ka na lang napunta sa kabilang kalye, malamang hindi mo nakompleto ang byahe ng buhay mo dahil nasagasaan ka.
hindi lahat ng bagay may opposite… hindi laging yes or no kasi may maybe; small or large kasi may medium; poor or rich kasi may middle class; girl or boy kasi may gays and lesbians at lalong hindi laging black & white kc may gray, red, blue & fuch.. fusch.. fusci.. fuchsia! whew! hirap ng spelling.
wag mo ng pahirapan ang buhay mo sa pag-iisip ng opposite ng life.. lakbayin mo na lng ang life mo, enjoy each and every steps hanggang marating mo ang opposite ng birth.

malmang assignment n’yo to e! kayo ha! pinapasa n’yo sa kin ang assignment n’yo! ako ba ang student sa tin? tamad magbasa ng mga to o! pero pagdating sa mga porno magazine halos lumuwa siguro mga mata nyo!