From: ERIKA
Tanong: Paano po ako makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
Sagot: Wow bayani eto!!! Kung yung iba puro pasarap lang ang ginagawa sa buhay at ung iba naman puro reklamo sa mga hirap na dinaranas nila, etong si Erika mas iniisip kung pano makakatulong sa bansa natin. Grabe! Very rare na ang 2lad mo!!! idol kita!! samba….. pakiss nga!!! kiss sa gums!!
Pano ka nga ba makakatulong sa bansa natin? Teka para makatulong ka, dapat alamin mo muna kung ano ang mga problema ng bansa natin. Pero kung iisa-isahin natin yun dito, malamang gumuho na ang earth o di kaya nman bigla magbago ang isip mo at maisipan mo na lng magpakulot sa parlor habang ako naiwan dito sa pag-iisip ng paraan kung pano ka makakatulong. kainis! 
Marami kasi talaga ang problema ng bansa natin. Eto ang ilan sa mga sangkaterbang problema ng bansa at ang mga naisip kong paraan na maaari mong gawin para makatulong sa bansa natin:
1. Problema sa basura; Para makatulong ka, iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan at hanggat maaari iwasan ang makagawa ng basura tulad ng upos na sigarilyo, lunukin mo na lng ung upos na yosi, tutal kasama nman sa bayad yan g2.
2. Problema sa polusyon sa hangin; Kapag nasa tuktok ka ng building at tatanaw ka sa paligid, mapapansin mo na malabo na ang paligid dahil sa dumi ng usok. Para makatulong, iwasan ang pagsusunog ng basura, linisin ang makina ng sasakyan para hindi maitim ang usok na ibubuga nito. Wala kang kotse? iwasan ang pagkain na mayaman sa carbohydrate! Anong relasyon sa air pollution? Simple! Less carbohydrate, mas bihira ka ng uutot! bawas din un sa air pollution!
3. Problema sa tubig; nagkakaubusan na ng malinis na tubig, para makatulong, iwasan ang labis na paggamit ng tubig sa paliligo, pagtotoothbrush at paglalaba. Kung maaari wag ka na lng lumabas ng bahay nyo para hindi mo na kelangan maligo at magtoothbrush. gumamit na lng isang damit buong taon para hindi maglaba.
4. Problema sa pera; since hindi ka naman na lalabas ng bahay, hindi ka na gagastos sa pamasahe. malaking katipiran yan! hindi ka na rin gagamit ng tubig, tipid uli! ibigay mo na lng sa kin ung mga pera mo para magamit ko sa mas mabuting paraan.
5. Eto ang pinaka-ugat ng lahat ng problemang nabanggit at pati ung mga hindi nasali sa top list na ginanap sa kahabaan ng edsa. Problema sa populasyon! O di ba? lahat nman ng problema ay nagsimulang lumala dahil marami ng tao sa pilipinas at hindi na sapat ang tubig at pagkakakitaan para suportahan ang pangangailang ng bawat pinoy? Sa sobrang dami natin dito, ndi na tayo kayang i-accomodate ni inang kalikasan. Hindi na kinaya ng powers nya ang sangkaterbang pinoy na nagsisiksikan sa palad nya. Pinipilit nating isiksik ang 80 million pinoy sa palad nya na pang 50 million lang talaga!
Pano ka makakatulong? Simple lang, makontento na sa isa o dalawang anak bawat pamilya. Pero kung gusto mong makatulong ng instant, may suggestion ako. Pakamatay ka na! malaking tulong din ang pagkawala mo sa pilipinas. 79,999,999 na lng kami. Ndi na masusundan ang lahi mo. o di mababawasan na rin ung ini-expect nating increase na 15% increase in next 5 years!
Wag mong seryosohin ung pagpapakamatay ha pero seryosohin mo ung paglilimita sa dami ng anak para hindi na tayo lumobo ng todo!
Tandaan… kung ang bawat isa ay magkukusang simulan ang pagbabago sa sarili at sa sariling tahanan. hindi malabong masagip pa natin ang bansa natin sa dami ng problemang kinakaharap nito… sana lahat may pakialam… sana lahat may kusa… sana lahat tulad ni ERIKA… in loving memories of Erika… o itawid na ung mga bata! huuuu… Erika!!! kanina lng malakas pa s’ya e!! parang kelan lng nagtanong pa kay jemme yan e!! hehehe… peace!!
The Next Post: Pasko Nanaman at Wala Paring Sagot?
The Previous Post: May problema na?

Comments About Pano ako makakatulong?
// 10 comments so far.
Jehzeel Laurente // November 04th 2008
“Pero kung iisa-isahin natin yun dito, malamang gumuho na ang earth o di kaya nman bigla magbago ang isip mo at maisipan mo na lng magpakulot sa parlor habang ako naiwan dito sa pag-iisip ng paraan kung pano ka makakatulong. kainis”
wahahahahaa! oo nga.. haha! mauubos na buhok ni ERIKA di parin tapos ang pag narrate mo jemme! :P haha
QuestionMike // November 05th 2008
“Problema sa pera; since hindi ka naman na lalabas ng bahay, hindi ka na gagastos sa pamasahe. malaking katipiran yan! hindi ka na rin gagamit ng tubig, tipid uli! ibigay mo na lng sa kin ung mga pera mo para magamit ko sa mas mabuting paraan.”
Bigyan mo din ako.
tin // November 05th 2008
sana lahat may pakialam… sana lahat may kusa… sana lahat tulad ni ERIKA… MABUHAY c Erika! :p
kosa // November 26th 2008
bumibisita…lols ang galing nman dito…
jemme // December 01st 2008
waaaa! ang tagal ko na palang di nakasagot ng bagong tanong.. pasensya na kayo busy lang si jemme
ajie // June 09th 2009
any way talagang problema yan..ang hirap talaga i solve e,lalo sa bansa natin..
madaming mahirap..hehehheeh un lang alam ko
mars // June 09th 2009
nabaon tayo sa kahirapan,dahil sa kagipitan ng bansa…mahal ang bilihin ngayon kya magtipid tayo..
yun lng e…
ajie // June 09th 2009
masaya ang buhay natin kung hindi mahirap…
hehehehe…xmpre.
peace on earth.
roma tatlonghari // August 18th 2009
magandang paliwanag kung bakit kailangang limitasyonan ang bilang ng anak?
roma tatlonghari // August 18th 2009
bakit kailangang limitasyonan ang bilang ng anak?
You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.