Pasko Nanaman at Wala Paring Sagot?

Meta: December 06th 2008 // Kwentong Walang Kwenta

Oo nga! pasko nanaman g10 at wala paring sagot sa mga munting tanong, pati na rin sa mga walang kwentang tanong, at sa mga kagila gilalas na mga katanungan ng ating mga taga subaybay. Pag pasensyahan nyo na ang idol nyong si jemme kasi busy sa pagiging hip hop dancer at the same time call center agent. g3

May dalawang daan at tatlumput limang tanong na akong di nasasagot sa e-mail ko. Pasenya na po sa mga assignments na rush na di ko nasagot, sa mga bastos na tanong na di ko nasagot, sa mga 1+1, 2+2, pati 3+3 na tanong na di ko nasagot, at sa kung ano ano mang tanong na pumasok sa kukote nyo na di ko parin nasasagot g6

Pinapangako ko na sasagutin ko ang lahat ninyong mga katanungan sa abot ng aking maka ka kaya. Kelagan ko lang muna mag pahinga at maghanap ng peace of mind kasi maraming gumugulo sa isipan ko ngayon, at pati ang blog ko ay di ko na tuloy ma update sa mga kalokohang pumasok sa aking isipan. Mali mali pa ata ang na tatype ko ngayon kasi wala ako sa isip. Pero gaya ng sabi ni McArthur, “I shall Never Quit!” g6 kaya babalik ako! (oops.. oops.. huwag kang umangal.. I shall never quit nga sinabi nya! g5 , di lang naisulat sa mga libro natin. Eto po ay ayun sa Nanay ng aking Lola, kasi malapit lang sya nung sinabi ni McArthur ang I shall return, sinabi din nya na I shall Never Quit, kaya huwag na kayong umangal ok!?!?)

Sa ngayon, ni rereview ko ulit ang mga katanungan ninyo. Pag pasensyahan nyo na kasi pipiliin ko nalang yung sasagutin ko, sa sobrang daming nagtanong di ko na ma accomodate lahat ng katanungan. Yung mga sobrang bastos g4 at sobrang laswa g10 na mga tanong ay e dedelete ko na. May mga bata kasi tayong mambabasa at baka madumihan ang isipan nila at mag tanong sa akin kung ano ang ____ at ano ang ____ at ano ang ginagawa ng dalawang lalakeng magkasama sa loob ng kwarto, at dalawang babae, at maraming babae, at maraming lalake, at iba’t ibang uri ng tao g6 basta basta.. may mga tanong din na paano gagawin ang ganito at ganyan… at kung ano ano man. g2

E popost ko din sa next update ko ang mga napili kong tanong na sasagutin. Kapag napili kayo, ehdi mapalad kayo kasi ma popost ang pangalan ninyo sa jemme.net! at pwede nyong ipag malaki sa Nanay, Tatay, Anak, Kapamilya, Kapuso, Aso, Pusa, Kabayo, Kambing, TV, Ref, Computer, at kung sino pang pwede nyong pag yabangan na na publish ang pangalan ko sa jemme.net! isang astig na website ng isang taong walang magawa sa buhay. Kahit walang magawa ay di parin nakaka sagot ng tanong, kasi busy sa wala, kasi walang ginagawa at walang maisip na gawin, kaya pati ang dapat gawin ay di nagagawa, at ang dapat nagawa na ay di parin nagawa. Whew! g2

Yun lang po muna, maraming salamat po sa lahat ng tagapagtangkilik ng jemme.net! Asahan po ninyo na sasagutin ko lahat ng inyong katanungan sa abot ng aking makakaya. g5 g6 g7

Postscript: Leave A Comment // Subscribe (RSS Feed)

The Next Post: Unang Post ni Jemme sa Taong Dalawang Libo at Siyam
The Previous Post: Pano ako makakatulong?

Comments About Pasko Nanaman at Wala Paring Sagot?

// 21 comments so far.

  1. Jehzeel Laurente // December 06th 2008

    jemme idol! buti nag update ka na! na miss ka namin! g10

  2. Eligio // December 06th 2008

    akala ko hindi na masasagot ang tanong ko, hahaha. pang ilang question ba yung sakin? hehehe

  3. ishi // December 06th 2008

    my first tym to visit ds site,,and i was really impressed..di ko lam kung mttwa akOh o ma amuse seOH..ahaaaha..
    erOh npahanga tlga akO..u hv a knack of saying u;r opinons.,and researches..thumbs up ako hehe..

  4. jemme // December 06th 2008

    sobrang thank you ishi sa support g10

  5. jemme // December 06th 2008

    @eligio di ko na alam kung pang ilan, halungkatin ko sa e-mail ko, ang dami dami dami kasing nag tatanong…

    @jehzlau – miss na din kita jehzlau! oo nga pala di ko pa nakukuha adsense ko..thanks sa pag assist at pagturo sa akin paano kumita online! g10

  6. ishi // December 06th 2008

    one more thing..nttwa akOh sa mga emoticOns mOh..ahaha..cuTe..

    hmmm.,one tym.,isa na din ako sa magttnoNg seOh..ahihi.,
    la pa akong maisiP itanong eeh..i wil jz luk stupid if i ask questiOns na nonsense din nman lyk aders dO..weeehhh..”peace pipz..”ahahhaa

  7. ishi // December 06th 2008

    i love ur waY of answering deyr questiOns..your sUch an adriot blogger..
    ahaha..^^

  8. jemme // December 08th 2008

    @ishi thank you so much ishi! yay! g10

    dami ko pa i nasasagot, wag ka muna mag tanong parang awa mo na! g6

  9. makoi // December 08th 2008

    idol jemme! merry christmas! in demand ka na talaga ngayon.! naks naman..
    pakisagot yung mga bastos na tanong..hehehe..yun yun eh!

  10. jemme // December 14th 2008

    @makoi naku po.. nag lie low na ako sa pag sagot ng mga bastos an tanong. ang dami ko kasing batang mambabasa.. baka gawing Rated R ang blog ko kung sakali g6

  11. ish // December 14th 2008

    at dahil diyan.
    merry christmas na lang!
    next year sana may mga kasagutan na.

  12. jemme // December 15th 2008

    @ish oo naman! sana nga ngayong year may recap ako sa mga tanong na di pa nasagot. g6 happy new year in advance ish! g10

  13. Millionaire Acts // December 17th 2008

    Ito ang aking kauna-unahang pagdalaw sa iyong blog. gusto ko lang masambit na kakaiba ang iyong blog sapagkat ikaw ay may natatanging istilo :)

  14. Fia // December 23rd 2008

    Naku, goodluck sa pagsagot. :D

  15. watson // December 24th 2008

    Merry Christmas to you and your family! – Nick, Tina, and Jo-Lo

  16. koolros // January 03rd 2009

    first ko mag comment dito,,,sna welcome ako dito

  17. koolros // January 03rd 2009

    oo nga da best nga ito blog na to..nakakawala ng problema @jemme en Jehzeel… fan nyo na ako…araw araw,gabi-gabi,oras -oras, every minute every day

  18. Iwa Moto // January 03rd 2009

    Wow Jemme I Love You kahit timang ka!

  19. ateinday // January 07th 2009

    haha..ilang taon na ko nagsurf ngayon palang ako nakabisita dito..ang saya pala dito..marami kang malaman na mga pamasko at pang new year na sagot…hehe…pwed add mo blog ko?maraming salamat po..babalik at babalik a ako dito..toooiiinnnkss….

  20. lloydsbackyard_ferdinand@yahoo.com // July 01st 2009

    balang araw masasagot din yan

  21. lloydsbackyard_rodel@yahoo.com // July 01st 2009

    pwedi ba ako nlang yung sasagot???
    charot

Anong Pangalan Mo?

Ano ang Sulatnikong Adres Mo?

Ano ang Sapot na Tahanan mo?

You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.