Para maiba sa lahat ng entries, tinagalog ko ang aking entry sa Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam. Bakit hindi impluwensiyal? Kasi gusto ko makapangyarihan, para maiba ako! Kung gusto niyo sumali, meron pang pagkakataon! Tumungo lamang sa pahinang to para mabasa ang mga detalye! Hindi po ako galit, mahilig lang talaga ako gumamit ng tandang padamdam.
Nabuhay ako ulit dahil ang galing mamilit ng isang Patay Gutom para e boto ko sila. Natatalo na daw kasi ang mga Patay Gutom at patay na patay na sila sa gutom. Kaya ako, dahil kaibigan ko ang mga Patay Gutom, ay babangon muli mula sa aking libingan para maboto ang Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam. Opo, Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam!!!
Para matapos na ang paulit ulit na pag sabi ko ng Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam, heto na po ang Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam…
1. Patay Gutom – siyempre, sino pa ba ang una? Ehdi yung nagpa bangon sa akin mula sa aking libingan, ang mga Patay Gutom! Mga hayop kayo! Ang sarap na ng tulog ko sa kabaong ko, pero ginising niyo ako! Ngayon ako’y nag babalik ang sasagot ulit ng walang kwentang mga katanungan sa walang kwentang blog na to!
2. Flair Candy – isa sa mga pinaka magandang blogger na nakilala ko, pero hindi ko pa siya nakikita. Nakwekwento lang sa akin ng mga kaibigan ko na patay gutom ang blog nya at kung gaano sya kaganda, at kung gaano siya kasikat ngayon sa mundo ng mga blogs. At siya ay isang ding Patay Gutom!
3. Lakwatsero – sino pa bang di makakakilala sa kanya. Siya na yata ang pinaka patay gutom sa lahat ng patay gutom na nakilala ko. Ang isa niyang blog ay ubod ng kasikatan. Kung di niyo sya kilala, siya si Batang Yagit! Ang batang yagit na lakwatsero. Yagit na, patay gutom pa!
4. Focal Glass – isang miyembro din ng Patay Gutom na di ko rin kilala. Pero madalas na din ma kwento sa akin ng kaibigan kong si Jehzlau at Batang Yagit. Sabi nila ay napaka bait at napaka husay na maniniyot ang batang ere. Kaya kasali siya sa… Alam niyo na! Ayaw ko na e type ulit kasi ang haba!
5. Video Chops – siyempre, kasali to sa aking list. Patay gutom din to kahit wala sa official list ng mga nag reresponde. Siya ay walang iba kundi ang dakilang video blogger na kilala ng lahat ng tao. Pati ako kilala ko kahit hindi ko pa siya nakikita! Oh diba? Napaka Impluwensiyal at Makapangyarihan.
6. Tunay Na Lalake – tunay akong lalake, kaya e boboto ko ang blog ng mga tunay na lalake! Kung hindi ka tunay na lalake, ewan ko kung ano ka. Basta ang isang tunay na lalake, dahil ang tunay na lalake ay mahilig sa _______ at madalas mag ________. Alam mo na yan kung ikaw ay isang tunay na lalake!
7. Putang Ina – ang blog na to ay Putang Ina talaga! At ang may ari ng blog na to ay Putang Ina rin! Pati lahat ng miyembro ay mga Putang Ina! Kaya ko sila e boboto kasi kahit mga putang ina sila ay makapangyarihan at bumabagong sila! Putang Ina!
8. Barrio Siete – huwag mong sabihin hindi mo kilala ang blog na to. Hindi natin maitatanggi na Makapangyarihan at Bumabangon ang bagong blog na to. Kaya kasali to sa listahan ko kasi sila ay mga ___________ !!! Kahit hindi ko kilala ang mga blogger sa likod ng blog na to, e boboto ko sila!
9. Grammar Pulis – kung bobo ka sa grammar katulad ko, kelangan mo ang blog na to! Pero kahit basa ako ng basa ng blog ni Grammar Pulis, bobo parin ako. Kaya ako’y palaging nag tatagalog. Pero kahit tagalog na ginagamit ko, mali mali parin. Pero anong paki alam niyo? Blog ko to at wala kayong magagawa kung ano ang isusulat ko! At kahit bobo ako, hindi ko to pinagkakaila! Bobo man, gwapo naman!
10. The Thirsty Blogger – para sa mga uhaw at palaging nauuhaw, kelangan niyo basahin ang blog ng isang blogger na uhaw na uhaw! Astig ang blog na to at marami kang matututunan tungkol sa iba’t ibang inumin. Kaya kung ikaw ay nauuhaw, alam mo na anong gagawin mo!
Ang proyektong eto ay hindi magigiging posible kung wala tayong mga sponsors. Maraming salamat sa mga sumusunod na nag sponsor sa Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam: Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, Events and Corporate Video, Events at Work, Dominguez Marketing Communications, Red Mobile, Budget hotel in Makati, Lucio C. Tan Group of Companies, and Blog4Reviews.com.
The Next Post:
The Previous Post: Unang Post ni Jemme sa Taong Dalawang Libo at Siyam

1 trackbacks/pingbacks
Comments About Sampung Makapangyarihan at Bumabangon na bagong Blogs ngayong taong dalawang libo at siyam.
// 9 comments so far.
Hannah // July 30th 2009
Hahaha! Maraming salamat Jemme, ang heartwarming naman ng description mo ^_^ salamat sa pag nominate sa pataygutom at FlairCandy blog. ^_^
Janette Toral // August 03rd 2009
Hi Jemme. This is to mark your entry as complete. To be included in the raffle, kindly update your sponsors list. Hope you can join us on August 8.
jemme // August 03rd 2009
@Hannah – walang anuman eh. Ikaw pa eh labs kita! ^_~
jemme // August 03rd 2009
@Janette – updated na po! :D
tin // August 04th 2009
sna may bagong tanung at sagot :)
The Photoblogger // August 05th 2009
wooot! thanks for voting for me! :) That’s quite an entertaining description you’ve got there. I don’t normally read tagalog (as it will make my brain explode trying to translate that) But i found your post rather amusing :P
Fitz // August 05th 2009
Salamat sa pag-vote. Kaso mali ang URL po Jemme. http://www.thirstyblogger.com Weee! Tsalamat! :D
jemme // August 07th 2009
@TIN – oo, may mga bagong sagot akong nakahanda para sa inyo. Ang dami kasing nag tatanong kaya inipon ko muna yung mga tanong para ma organize ko. Marami ding magkatulad na tanong kaya iisahin ko nalang ang mga sagot sa mga iyon
@FITZ – napalitan ko na po. Maraming salamat! At pasensya, kasi di kita kilala eh at di din ako familiar sa blog mo. bwahahaha!
@MANINIYOT – walang anuman. hehe. Utos ni commander jehzlau eh. wala na tayong magagawa dun.. wahahaa!
tin // August 11th 2009
napakatagal nmn ng bagung tanung at sagot… super sa tagal… hahaha. :)
You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.