Unang Post ni Jemme sa Taong Dalawang Libo at Siyam

Meta: February 19th 2009 // Kwentong Walang Kwenta

Opo! Buhay pa si Jemme! buhay na buhay! At eto ang pinaka unang post ko sa walang kwentang blog ngayong taon. Tapos na ang pag salubong sa maligayang taon, tapos na rin ang araw ng mga puso, tapos na ang inagurasyon ng bagong pangulo ng Unayted Steyts g6 at tapos na ang maraming mga pangyayaring natapos na. Oo, tapos na, at ako ay hindi parin nag tatapos. Nandito ulit ako, nagbabalik, at sasagutin ang lahat ng tanong na buma bagabag sa inyong isipan. Mga tanong sa aking e-mail na masyado nang luma, mga tanong na iniwan na ng panahon. g1

Pero huwag kayong mag alala, kahit gaano na kaluma ang mga tanong ninyo, sasagutin ko parin sa abot ng aking makaka kaya. Kaya eto ako ngayon nagbabalik upang sagutin ang inyong mga katanungang walang kasagutan. Walang nakaka sagot, at walang may kayang sumagot kundi isang tao lamang. At ang taong yun ay iba sa lahat, siya ay may katangi tanging kaalaman upang masagot ang inyong pinaka mahirap na katanungan, ang taong yun ay walang iba kundi si Jemme! at si Jemme ay ako! Ako si Jemme! Ang taong sasagot sa lahat ng katanungang buma bagabag sa inyong isipan. g4

Pasensya na at antok na ako kasi hindi pa ako na22log. Napagod ako sa kaka sayaw kagabi. Kasi alam nyo naman, mahirap ang maging hip hop dancer sa gabi at call center agent sa umaga. Kaya mahirap ang buhay ko. Buti nalang day off ko ngayon at naka update ulit ako ng bulok na blog na to. Maraming salamat sa mga nagtangkilik at sa mga patuloy na tumatangkilik ng jemme.net. Babawi ako at sasagutin ko lahat ng mga tanong araw araw. Kung hindi araw araw, linggo linggo. Kung hindi linggo linggo, buwan buwan. Kung hindi naman buwan buwan ay taon taon. Kung hindi ko masagot, ehdi wala tayong magagawa. Pero hindi ako kasali sa tayo, ako ay ako. Kaya may magagawa ako at gagawin ko ang lahat para magawa ko ang nais kong gawin. g5 g6

Hanggang sa muli! Abangan ang kapana-panabik, kagila-gilalalas at kahindik-hindik na pakikipag sapalaran este na pagsagot sa inyong mga katanungan, dito lamang sa jemme.net! g10

Postscript: Leave A Comment // Subscribe (RSS Feed)

The Next Post:
The Previous Post:

Comments About Unang Post ni Jemme sa Taong Dalawang Libo at Siyam

// 12 comments so far.

  1. Micamyx // March 02nd 2009

    Yehey! Welcome back Jemme!

    Sana sagutin mo yung tanong ko.. Isang daan ata napadala ko hehe kahit 99 lang dun ang sagutin mo solb na ako :D

  2. jemme // March 02nd 2009

    @micamyx – salamat sa pag subay bay sa walang ka kwenta kwenta kong blog :D

  3. isle_kyle // March 07th 2009

    wow .. ur back .. eheh .. tgal n dn nung last update mo ah .. congratz po .. hihi ..

  4. ateinday // March 11th 2009

    wow…may post kana naman…mag isip na ako ng tanong…toink

  5. Millionaire Acts // March 12th 2009

    Hi Jemme, salamat at buhay ka pa din! :D

    May tanung ako sayo: sino ba talaga nauna? ang itlog o ang manok? litung lito na kasi ako dito dati pa e. kahit ata mga paham e hindi mawari kung ano ang kasagutan. :D

  6. Josh // March 17th 2009

    kuya jemme pwedeng makipagpalitan ng kabit sa inyo?hahahaha http://www.conceptseven.blogspot.com... thank you po…

  7. JohR // March 18th 2009

    Hi Jemme,

    Mahigit anim na buwan na akong hindi dumadalaw d2 sa blog mu.. at pagkalipas ng anim na buwan.. ANO BA NAMAN YAN!!! 2 post lang nadagdag!!!!! hahaha

    Wala man akong tanong.. gusto ko lang.. makigulo.. hehehe..

    Excited na ako sa mga kakaibang tanong at kakaibang sagot…
    Post mu kaya ung ibang mga tanong… tapos araw arawin mu ang pag post.. tapos….cge tama na ang suggestion.. baka sabihan mu na ako “Ikaw na kaya ang mag blog!!! &**#$#$*%@

    Best of Luck.. Sana makabangon ka jan.. at araw araw mung masagot ang mga katanungan…

    may tanong pala ako..hehe.. ngaun ko lang naisip.. kasi napansin ko na walang advertisements tong blog mu.. panu ka po kumikita? ehehehe…
    sabi kc nila na mas malaki daw kita sa blog kesa magtayo ng computer shop.. parang gusto ko na tuloy mag resign at magsimula ng blog.. haha.. baliktad ata.. simulan ang blog tapos mag resign para sure..

    God Bless!

    sa tingin ko naman kikita ng malaki tong blog mu eh..

  8. michelle // March 24th 2009

    hays! jemme! kamusta nmn? eto pla ang site mo ha.. iba k n tlga… ang galing!

  9. mikah // May 12th 2009

    ui! miss ko na si jemme ah… now lang ulit ako nkadalaw… sna d k n busy… *sigh*

  10. lloydsbackyard // June 01st 2009

    ang saya pala dito..blik at babalik ako dito palagi..tulong naman po..pa kabet po ng blog ko sa links mo po..na kabet na din kita…salamat

  11. Cesar Noel // June 04th 2009

    Welcome back.. nice to know your back again writing witty antics on other peoples problems hehehehe

  12. tin // July 15th 2009

    Antagal ko ng ndi nkadaan sa blog na to… sna my bgo ng sagot sa mga tanung.. very entertaiing kc un blog.. pampatagal ng stress. :p

Anong Pangalan Mo?

Ano ang Sulatnikong Adres Mo?

Ano ang Sapot na Tahanan mo?

You can follow any responses to this entry via its RSS comments feed. You may also leave a trackback by clicking this link.

My partner internetgucci shoes where I are able obtain it. gucci handbagsPlease mate!c providing gucci sneakersa qu just read through thegucci bags ent blogroll. gucci outletThis some latest post.gucci sunglasses\u000aAll Newest Styles for 2012Tory Burch on sale\u000a. Save on fine cheap tory burch shoes Tory Burch Handbags here. Up to 74% OFF with Free Shipping Worldwide! Now enjoy Extra 2% OFF on orders above $130 with code RF6281\u000a. If you have wide feet, Tory Burch flatkindly please run 1 size tory burch outlet up!\u000aWelcome to Cheap Sunglasses Outlet ! We provide a great many sunglasses, such as Oakley sunglasses, Rayban sunglasses,Gucci sunglasses, Chanel sunglasses, Versace sunglasses, Coach sunglasses, Dior sunglasses, Armani sunglasses... Thank you for visiting our Sunglasses For Women a to most country!Bikini SwimsuitTha your post. cheap swimwearGreat this greatstring bikini, style are wonderfulEd Hardy Bikini. post. billabong swimwearFantastic attitude! lfnehthibmkhaprkacsjgq\u000ajuicy swimwear lejdkfjjedg Awesome postralph lauren swimwear.I totally agree, cheap handbagsbut the poi fantastic. gucci handbagsThat up on this subject. chanel handbagsAfte he majority.\u000aWell written Louis Vitton HandBagscontent like this today is far too rare, Jimmy Choo HandBagsand thank you for putting in time and effort into your wonderful websitePrada HandBags.the best pizza of the world MIU MIU HandBags